CHAPTER TWO: I

323 9 2
                                    

One of an avid reader's guilty pleasure is to prefer reading a suspenseful novel than listening on the teacher's discussion while classes are on-going.

Pampalipas oras lang dapat ang pagbabasa. Lalo na kapag bored ka. And listening to a discussion is considered boring lalo na kung wala ka namang interes kahit na kailangan dahil nag-aaral ka.

"Bes, hindi ka pa ba uuwi? Oras na 'o?" tanong ni Lilian kay Iuhence pero hindi niya ito pinansin kaya naman naisipan ng kaibigan na hablutin na ang librong hawak nito kaya naman natuon na ang atensyon ni Iuhence sa kaniya.

"Ayy, Lilian, ikaw pala. Kanina ka pa ba dyan?" tanong ni Iuhence kay Lilian--halatang ngayon lang niya napansin ang kaibigan. Hindi muna sumagot si Lilian kaya naman napansin ni Iuhence ang katahimikan at nagulat na lang nang silang dalawa na lang ang nasa loob ng silid-aralan.

"Hala," gulat na sabi niya, "Bakit wala na sila? Teka, anong oras na ba?"

"Maga-ala-sais na po, Ms. Lazarro. May balak ka pa bang umuwi?" sarkastikong tanong ni Lilian pero hindi na lang iyon pinansin ni Iuhence.

"Naku, pagagalitan ako ni Myrrben niyan!" nagaalalang sabi nito at saka nagmamadaling inayos ang mga gamit niya.

"'Yan kasi. Masyado ka nang lunod sa pagbabasa, Iuhence. Kung hindi ko lang hinablot yung libro sa'yo kanina, malamang, baka nakulong ka na dito. Bawas-bawasan mo nga 'yang pagtatambay sa fiction world. Inday, kailangan mo nang mamulat sa realidad. Ilang buwan na lang at gagraduate ka na ng senior high school. Naiintindihan ko na nilulubos mo na yung kabataan mo pero ano na lang mangyayari sa kinabukasan mo? Magbo-bote bakal ka na lang ba? Aba, 'e kung ganoon lang sana kadali ang buhay. Pero hindi po. Ipapaalala ko lang po sa inyo na malapit na yung exams. Kailangan mo pong pumasa oy! Hindi ka mabibigyan ng kinabukasan ng mga lalaki mong hindi naman buhay." pagbubunganga ni Lilian pero hindi na siya sinagot ni Iuhence.

"Akin na 'yan," sambit ni Iuhence at saka kinuha ang libro niya kay Lilian at saka nagmamadaling lumabas sa silid-aralan.

"Hoy! Salamat kasi hinintay kita, ha?!" sarkastikong sabi ni Lilian sa papaalis na si Iuhence, pero tulad ng nakagawian nito, hindi na lang niya ito pinansin. "Bwisit!"

Nagmadaling lumabas ng paaralan si Iuhence at saka pumara ng tricycle papauwi. Hindi naman siya papatayin ng kuya niya kung hindi ito makakauwi sa tamang oras. Pero siguradong ang mga libro nito ang pagbubuntungan niya. At ayaw ni Iuhence na maabo ulit ang sampu mula sa mga libro niya bilang parusa.

Nang makarating sa bahay si Iuhence ay nakita niyang nagsisilab sa bakuran ang kaniyang kuya. Mamamatay na sana siya sa sobrang kaba pero nakahinga naman siya ng maluwag nang naglilinis lang ng mga sukal si Myrrben.

"Akala ko sinunog mo na yung mga libro ko, Kuya." sambit nito at saka bumuntong-hininga.

"'Wag kang magalala, hindi pa naman ubos yung laman ng tangke ng LPG natin. Saka na lang ulit kung kakailanganin ko ng panggatong sa pagluluto." sagot nito kaya naman napairap na lang si Iuhence. "Bakit ngayon ka lang, dumating? Hindi ba bago mag-ala-sais nandito ka na?"

"Napasarap pagbabasa ko sa classroom 'e. Kaya pala tahimik kasi nagsiuwian na yung mga kaklase ko." sagot ni Iuhence at pumasok na kaagad sa bahay nila bago pa man makasagot si Myrrben.

Kahit na pagod galing sa eskuwela ay naglinis na muna ng katawan si Iuhence at saka ginawa ang mga assignments niya sa Creative Writing subject bago humiga sa kaniyang higaan. Pero imbes na magpahinga ay kinuha niya ang kaniyang laptop at saka binuksan ang kaniyang Wattpad account. Binasa niya ang mga komento sa kaniyang mga nobelang isinusulat at nag-update ng ilang chapters bago niya naisipang I-off na ito.

He Is His CreationWhere stories live. Discover now