Hurt
Another day the same routine, the same feeling. Kailan kaya magbabago ang buhay? Kapag wala na ko?
Ang hirap talaga sa buhay ng walang pumapansin sayo eh. May makikita pa kaya akong taong makakapansin sa akin o hanggang imagination ko nalang yun.
Buti pa yung mga bidang babae sa mga book stories na nababasa ko. Nakakakita sila ng mga prinsipe nila o di kaya night in shining amor nila. Ako kaya may ma-me-meet ba akong makakapagbigay sa akin ng halaga?
'Sus! naging asumera na narin pala Devi'
Arghh nevermind nalang nga. Makapasok na nga sa school. Gaya ng nakasanayan ko naglakad uli ako hanggang sa makarating ako sa school. Napatigil lang ako ng makita ko nasa may isang bench yung mga akala kong kaibigan ko.
I see them talking to each other, laughing, smiling and mocking. Mga bagay na gusto ko ring maranasan sa tanang buhay ko. Simula pagka bata ko, wala ng makikipag kaibigan sa akin. Kapag pumupunta kami sa park, ako lang yung natitira sa aming magkakapatid sa gilid kasi sila lahat may kalaro. Hindi ko alam kong may kung ano sa akin kung bakit ayaw nilang lumapit o baka ayaw lang nila talaga sa akin.
Matagal ko naman ng tanggap ang nangyayari sa akin eh. Wala akong sinisisi maliban sa sarili ko. Pero sa paglipas kasi ng panahon parang feeling ko may kulang sa akin, kaya hindi ko rin maiwasan na maingit na iba.
Napaiwas nalang ako ng tingin ng mapadako sa akin ang mga tingin nila. Nagmadali akong umalis sa pwesto ko at dumeretso na sa classroom namin.
Pagkapasok ko wala pa yung mga kaklase ko. Dumeretso ako sa upuan ko, pagkaupo ko nilibot ko ang tingin sa buong loob nito. Sa apat na sulok ng room, yung lamesa sa harap, blackboard, yung mga decoration sa taas at baba, floral na design ng kurtina at kahoy na upuan. Akalain mong aabot pa pala ako ng college.
6:30 pa lang ng umaga may isang oras pa bago mag start ang klase. Nakalumbaba naman ako sa desk ko, saka tulalang tinanaw ang eksena sa labas ng classroom namin.
Iba't-ibang klase ng tao ang natatanaw ko. Iba't- ibang grupo ang nakikita ko, may dalawa, tatlo o isang malaking grupo. Bawat nakikita kong tao may kinabibilangan, natanong ko na naman ang sarili ko.
Saan kaya ako kabilang? May kinabibilangan ba ako?
Isa lang naman ang sagot doon eh...wala!
"Arghhhh," mahinang daing ko ng biglang sumakit ang mga muscle ko sa paa. No! not now please. Bawat segundo mas lalong lumalala, mas sumasakit. Napasandal nalang ako desk ko para maibsan yung sakit. Mariin kong kinagat yung labi ko para walang kumawalang daing sa akin.
Hanggang sa dumating na ang first subject teacher namin. Kahit masakit pa rin yung paa ko. Gosh! Dahil to sa kalalakad ko eh minsan napapasobrahan na.
Nanatili pa rin ang sakit hanggang sa matapos ang pang umagang klase ko. Gez! Dahan dahan akong tumayo, habang pina pakiramdaman ang sarili kong paa, kong ayos ba. Nang makatayo ako at medyo ayos na, nagsimula na akong maglakad ng mabagal. Sa tambayan pa rin ako nanatili.
"Dito muna ako magpapalipas ng oras."
Inilagay ko sa harap ang aking paa saka nilapat ng kaunti. Tapos saka ko hinilot ng marahan.
Napapikit ako bigla ng may mataang masakit na parte ng paa ko, "Arghhh!".
Hinahabol ang hininga matapos kong hilutin paea maibsan ang sakit.
BINABASA MO ANG
I'm Lost(Brave girls series#1)
SpiritualBrave girls series #1 Devina Mazikeen Garcilla, A girl who lost in her journey of finding people who accept her, was she able to find one? Or she just looking for someone who able to fulfill his longing of how to be love by someone or others she do...