ReuniteKarga pa rin niya ako hanggang sa nakarating kami sa may backdoor. Nagpababa naman na ako dahil okay na ang pakiramdama ko. Hindi naman na namin naabutan si Blyst. Nagtatampo talaga ata yung bakulaw na yun.
"Baka ingchismiss na tayo non" Bored niyang saad sa akin. Napakibit balikat na lang ako. Sanay na ako doon.
Siya na ang nagbukas ng pinto at pinauna akong pumasok. Bigla kong namiss ang Cafe. Ilang araw din akong hindi nakapasok dito. Namimiss ko ng magtrabaho.
"Uy, Devi!" Excited na tawag sa akin ni Ate Shye. Saka ako dinamba ng yakap. Nabigla naman ako sa ginawa niya. Sa lakas ng boses niya. Hindi lang siya ang dumamba sa akin.
Maging ang ilang kasamahan namin na nasa Shift break dinamba ako. Kita ko naman sa kanila ang pagkamiss sa akin.
Hindi naman ako kaagad nakagalaw. Kung hindi dumating si Kuya Jasthin nako baka tuluyan na akong hindi makahinga.
"Hoy!hoy!hoy!Bitiwan niyo na siya. Hindi na siya makahinga oh. Baka bumalik uli ng Hospital yan" Suway sa kanila ni Kuya Jasthin. Saka naman sila bumitaw. Nakahinga uli ako ng maluwag.
"Hehehe sorry" Nahihiya nilang saad. Napangiti na lang ako ng tipid.
"So, okay ka na?" Biglang seryosong tanong ni Kuya Jasthin. Napatango naman ako.
"Paanong hindi magiging okay kung binuhat yan magmula sa school hanggang dito" Parinig naman ni Blyst na kalabas lang sa C.R.
Napatingin naman lahat sa likod ko saka lang nila nakita si Marco sa likod ko. Mas naging wild sila sa pagdamba kay Marco. Halos matumbay silang mga lalaki. Ikaw ba naman halos isang buwan na wala diba?
Rinig ko naman ang reklamo at daing ni Marco pero tinawanan lang siya ng mga kasamahan naming mga lalaki. Habang kaming mga babae nanunuod lang sa kanila.
"Tara na Devi" Masaya nilang yaya sa akin. Napangiti naman ako.
"Hayaan mo na sila yan" Sabat naman ni Ate kheye. Napansin niya siguro ang paglingon ko sa gawi nila Marco na hanggang ngayon nasa sahig pa rin.
"Kaya nga, mga baliw yang mga yan" Parinig ni Ate Isabelline sa kanila. Natigilan naman ang mga lalaki sa narinig nila. Sabay-sabay silang lumingon kay Ate Isabelline.
"Oh, anong tinitingin-tingin niyo dyan?" Mataray niyang tanong sa mga lalaki. Bigla naman sila naging maamong tupa saka sabay-sabay na umiling. Napatawa naman ang ilan sa amin.
"Tara na nga" Umiling na yaya sa amin ni Ate Shye. Saka ako kinaladkad.
Nang nakarating na kami sa may staff room. Pinaupo naman nila ako kaagad. Nagkumpulan naman sila kaagad sa harap ko. Parang alam ko na kung bakit. Bwesit talagang Blyst yun.
"Totoo ba, na binuhat ka ni Marco mula sa school niyo hanggang dito?" Naeexcite na tanong ni Ate Cosima. Naiilang naman akong sagutin sila. Wala naman sa akin yun eh pero.
"Kaya nga totoo ba?" Segundang tanong ni Ate Shye. Napatango naman ako sa kanila. Ano pang magagawa ng pagsisinungaling sa kanila may nakakita. Hindi lang si Blyst, alam kung nakita din niya yun. Napatingin naman ako sa gawi ni Vannamei.
Halos kasabayan lang namin siya. Napahinto lang kaming dalawa ni Marco dahil kay Blyst. Magkakaibang hagikgik ang narinig ko sa kanila.
"Yieee sana all may taga buhat diba?" Sabay siko ni Ate Shye kay Ate Kheye.
"Kaya nga" Madramang sang-ayon ni Veian. Napailing na lang ako sa kanila hay!
Mas lalong naging maingay ng dumating na ang mga lalaki. Natapos na sila sa hug floor scene nila. Kita ko naman na nagpapagpag siya ng damit niya. Gawa ng kanina siguro may dumi o buhangin na kumapit.
BINABASA MO ANG
I'm Lost(Brave girls series#1)
SpiritüelBrave girls series #1 Devina Mazikeen Garcilla, A girl who lost in her journey of finding people who accept her, was she able to find one? Or she just looking for someone who able to fulfill his longing of how to be love by someone or others she do...