IL14

56 1 0
                                    

Empty

Blyst's POV

Two days! Two days na siyang wala dito. Nakakapanibago, bagama't tapos na ang klase namin. Pinapapasok pa kami dahil sa ilang requirements. Tapos na ata siyang mag asikaso ng mga requirements niya. Hindi kasi kami same ng course na kinuha. Business Ad. Major in Financial Management ang kinuha niya. While me is, Architect.

Maraming project, paperworks ang pinapapasa sa amin. Sa kanila naman report at iba pang paperworks. Nakakapagtaka malayo ang course namin sa isa't-isa. Nagkalapit kami dahil sa Cafe. Wala akong gaanong kakilala dito sa University namin. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakilala ng iba pa.

I never do social intereactions before, kapag hindi ko kakilala. Hindi ko papansinin, pero nang makilala ko siya sa Zena Cafe bilang part timer. Hindi ko alam kong anong sumapi sa akin. Parang hindi ako yun Blyst na kilala ko dati, yung tahimik at walang paki.

Simula noong una ko siya makilala ata na akong kilalanin siya. Ewan ko ba kung anong humatak sa akin na kausapin siya, na taliwas sa iba.

Kung idedescribe ko kasi siya para siyang antis na galit sa mundo.

Mayroon siyang pares ng makapal na kilay, laging nakasalubong. Mga matang kulay itim, na kapag titigan ka ay para kang may ginawang masama. Matangos na ilong, not so pinkish lips pero mukhang natural ang kulay nito. Buhok na medyo mahaba, kulay itim at bagsak. Sa unang akala mapapagkamalan mong babae na mukhang lalaki. Pero kapag tinitigan mo siya saka makikita mo din sa pananamit niya. Yung mukha niya hindi ganon kataba hindi din ganoon kapayat, yung tama lang siya. Para nga siyang international model eh, pero parang ako din antis.

Natigil ako sa katitingin sa kanya dahik nahuli niya ako. Napaiwas tingin ako sabay alis sa pwesto ko. Katatapos lang kasi ng Orientation namin sa Cafe. Pinaliwanag ang rules and regulation, mga dapat gawin at amg schedule namin dahil nga part-timer kami. Depende sa schedule namin ang pagpasok namin dito, pati ang araw kung kailangan kami pwupwede.

At kung sinuswertr ka nga naman, same sched. kami. At hindi lang yun same school din kami kung ako nagtransfer. Galing akong ibang school, sa dati namin probinsiya pero dahil sa alitan ng angkan namin. Napilitan kaming lumuwas dahil baka madawit kami sa kung ano mang pinag aawayan nila.

Excited tuloy akong pumasok sa trabaho dahil may kakilala na ako. Yung lang hindi ko pa nakakausap. Napagpasiyahan ko na bukas o mamaya na lang sa uwian ko siya kakausapin. Naging busy kasi kami, dahil tinour kami sa buong kami. Mula sa kitchen, sa mismong dining hanggang sa Staff room na kung saan kami pwedeng magpahinga. Malawak din pala ang loob ng Cafe na ito. Maliit kasi kung titignan mo sa labas.

May dalawang palapag ito, ang sa baba ay ang Cafe, sa taas naman ang office ni Ma'am and the same time bahay niya. Actually bahay niya talaga ito, minana niya sa kanyang lola na yumao na. Sa pangalan niya ito nilipat, sa kanilang magpipinsan. Siya ang pinili ng lola niya. Nirenovate niya ito saka nagtayo ng business niyang Cafe. Ang pinagtatrabahuhan namin.

Soon mag dedesign din ako ng sarili kong bahay at business. Kaya ako nag Architect dahil mahilig akong magdesign ng mga bahay and other structure. Punong-puno na nga yung sketch pad ko sa dami ng ideas na ginuguhit ko. Sana someday hindi lang maging drawing yun. Sana maging totoo din siya. At yun ang pinapangarap ko.

"Hoy!" May babang boses na tumawag sa akin. Nagulat ako kung sino yun, Si Marco pala. Malaman ko yung name niya ng nag roll call ng mga pangalan kanina.

Taka ako kung bakit niya ako hinoy. Saka ko lang narealize na sa kadaday dream ko, naiwan na pala nila ako.

Patakbo akong sumunod sa kanila. Sumabay na ako sa kanya, patingin-tingin ako sa kanya dahil ang tahimik nakakalunod sa tahimik. Ganoon pa rin ang expression ng mukha niya, hindi nagbabago.

I'm Lost(Brave girls series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon