Dream
Devina's POV
Napaisip uli ako sa sinabi ni Blyst, about sa pinag usapan nila ni Kuya Tibor. Nakakatuwa kasi finally nakita rin nila ang tunay na kagustuhan ng anak nila. How I wish ganoon rin kay Blyst.
Alam ko ang mga nangyayari sa iba. Sadyang hindi lang ako umiimik dahil ako rin mismo ng malalim na problema. Hindi lang sa pamilya, sa sarili ngunit iba pang dahilan. Ayaw ko munang isipin yun. Pero dahil nabanggit na rin ni Blyst. How I was able to achieve it? I guess I can.
Tahimik at malungkot akong naglakad pauwe sa amin. Alas tres na for sure galit sila. Sana nakalimutan niya para hindi na dagdag sa isipin ko.
Isa din yung bucket list ko isa pa lang ang nagagawa ko. Kailan ko kaya yun matatapos? Arghhh ichecheck ko uli mamaya para malaman ko kung anong next kung gagawin.
Nasa tapat na ako ng bahay namin. Nang mapansin ko si Kuya guard na nakatambay sa labas. Nang makita niya ako kaagad niya akong nilapitan.
Kinakabahan niya akong nilapitan. Kita mo ang takot sa mata niya. Anong nangyayari?
"Ano pong mayroon?" Nagtataka kung tanong. Hindi naman mapakali si Kuya Guard.
"Manong!"
"Ahmm, Ma'am kasi po may hindi inaasahang bisita si Senator. Andyan pa po sa loob nakitulog na. Bilin po sa akin na huwag po kayong papasukin baka makita kayo. Pasensya na po pero umalis na muna kayo dito" Pagtataboy sa akin ni Kuya Guard. Napatitig ako sa kanya, bat hindi ka pa kasi sanay Devi!
Takot ang namutawi sa mukha ni Kuya Guard. Takot na baka mawalan ng trabaho. My Dad is cruel when it comes to work. Kaya sa kapakanan ng pamilya ni Kuya Guard. Napilitan akong umalis ng bahay. Bakit nasasaktan ka pa eh dapat nga sanay ka na. Buti pinaalis ka lang hindi ganoon sa dati. Kumbinsi ko sa sarili ko.
Tahimik na lang akong bumalik paalis sa village namin. Mayroon naman akong matutuluyan medyo malayo nga lang dito. Kaya nang lakarin yun, total day off bukas kaya kahit abutan ako ng alas sais ayos lang. Buong araw akong makakapagpahinga.
Napadaan uli ako sa may Guard house, gulat naman napatingin sa akin si Manong Guard. Siguro nagtataka, kapapasok ko lang aalis din kaagad. Sumenyas ako ng parang ginilitan sa leeg. Alam na nila kung anong ibig sabihin non.
Kahit ayaw nila, kailangan nilang sumunod sa protocol nila. Marami naman akong kakampi dito pero kapag usapang kapangyarihan talong talo ako.
Nakalabas na ako sa village namin kaagad akong lumiko para puntahan ang back up house ko. Yup bahay ko, pinag ipunan ko ito mula sa sweldo ko. Hindi ganoon kalakihan sa amimg mansion pero sakto na para sa akin.
Mas maganda na nga ito eh, yung ako lang. Walang pipigil, mang aapi at papalayasin ako kung kailangan. Kilala din ako ng ilang nakatira dito. Hindi nga lang bilang Devina Garcilla. Pero bilang Reandrew Samandez. Rean ang tawag nila sa akin dito. May ilan akong kapit-bahay, ang malapit sa akin dito ay si Nanay Ebang.
She's 60 years old, an old maiden. Walang ng mag aalaga sa kanya. Tinuturing niya ako na para niyang tunay na apo. Mabait siya at maalagain. Her house next to me, kaya madalad kaming magkwentuhan.
Sa paglagpas ko sa pangawalang kanto, sa lingon street. Natanaw ko na ang lugar na tinitirhan ko pansamantala. Ang maliit na compound nila Aling Senayda.
Doon ang bahay na nabili ko, hindi man sakop ng compound nila pero itinuturing nila akong ka-compound. Pare-parehas na kasi sila ng sitwasyon ni Nanay Ebang. Iniwan na ng mga anak at asawa. Kaya sila na lang makakaibigan ang natira.
Sakto ngang ala sais ang dating sa dito. Kaagad akong nakita ni Nanay Ebang. Masaya ko silang sinalubong.
"Nanay!" Masaya kong salubong sabay yakap ng mahigpit sa kanila.
BINABASA MO ANG
I'm Lost(Brave girls series#1)
SpiritualBrave girls series #1 Devina Mazikeen Garcilla, A girl who lost in her journey of finding people who accept her, was she able to find one? Or she just looking for someone who able to fulfill his longing of how to be love by someone or others she do...