IL29

52 2 0
                                    

Hang out

Napahawak agad ako sa ulo ko ng magising ako. Hindi naman ako uminom bakit masakit ang ulo? Arghhh, nais ko sanang isipin na baka dala lang ng puyat pero.

"Arghhhh!" Daing ko ng mas lumala ito. Ngayon alam ko na kung saan ito nagsimula. Mabilis akong bumaba sa kama para takbuhin ang cabinet ko.

Kahit pasuray-suray pinilit kong makaabot doon. Pabagsak akong nakaabot sa may cabinet ko. Mabilis na binuksan ang isang lalagyan.

Kinalkal ko ito hanggang sa nakita ko na ang hinahanap ko. Kaagad ko itong itong binuksan para mainom ko na.

Nanghihina akong umupo sa sahig ng nainom ko na ito. Mamaya pa ito magkakaroon ng bisa.

Mahigpit kong hinawakan ang ulo para pigilan ang sakit. Impit akong dumadaing baka may makarinig sa akin. Nahihirapan na din akong huminga. Kinakapos na ako.

No! no! please not now may quiz pa kami tsaka reporting. No! please, pakiusap ko sa sarili ko. Kailang mong lumaban self. Lumaban ka please. Mahinang pakiusap ko sa sarili ko.

Pipikit na sana ako para makapagpahinga ng kunti.  Ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Rinig ko ang yabag ng nagmamadaling tao papunta sa direksiyon ko. Nakayuko lang ako dahil hinang hina na ako. Unti-unti ng nagpaparamdam sa akin ng katotohanan.

Bakit ngayon pa, tanggap ko naman na pero parang may pumipigil sa akin. Sinasabing lumaban ka sa sakit na ito. Pero kung ito mismo walang lunas paano ako lalaban?

Marahan na haplos ang naramdaman ko sa buhok ko kasabay ng isang boses na hindi ko inaasahan.

"Mazikeen!" Isang baritone na boses ang tumawag sa pangalang hindi ko ginagamit. Isang pangalan ko na nilibing ko na kasabay ng pagkamatay ng kapatid kung si Eurion.

Nanlaki ang mata ko sa iniisip ko. Malabo naman mangyari ito pero hindi ako pwedeng magkamali. Sa presensiya pa lang niya. Unti-unti akong nag angat ng tingin.

"Mazikeen!" Tawag ul niya sa akin. Isang tawag na kailangan mong sumagot ng maayos.

Natutup ang bibig ko ng makita kong sino ang nasa harapan ko. Biglang nawala sa isip ko ang nararamdaman kong sakit. Bakit siya naandito? Bakit?

Nanlalaking mata akong nakatingin sa kanya. Deretso naman siyang nakatitig sa akin parang pinag aaralan ang bawat detalye ng istura ko. Epekto ba ito ng gamot? Tanong ko sa sarili ko? Sa sobrang desperada kong magawa lahat ng nasa death bucket list ko naiimagine ko na ang mga imposibleng mangyari?

Marahan akong umiling saka tinapik-tapuk ang pisngi ko. Sasampalin ko muli sana ang aking ng isang mabalahibong kamay ang pumigil dito.

Napatingin ako dito saka umangat uli ng tingin. Nagtatakang mukha niya ang bumungad sa akin. Napalunok ako ng ilang beses.

"Don't" Maikli ngunit mapag utos niyang saad. Hindi naman na ako pumalag. Nagtataka pa rin ako kung bakit? paano at saan niya ako nahanap?

Walang isang iglap buhat-buhat na niya ako. Ako ito walang reaksiyon sa nangyayari. Tahimik lang ako habang buhat-buhat niya. Akala ko ibabalik niya ako sa kama pero lumabas siya.

Ang mas pinagtataka kung bakit. Saka ko lang narealize kung bakit. Mas nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Ba-bakit sila naandito? Nakaupo sila sa may sala. Tahimik, layo-layo.

Napaangat ng tingin sa amin si Ate Velvet saka umirap. Nakuha naman niya ang atensiyon ng iba ko pang kapatid. Bakit sila naandito? Ang malaki kong tanong sa sarili ko.

Nang makarating na kami sa sala sa mismong harap nila. Saka lang sila umayos saka humarap sa amin.

"Well, kompleto na tayo. Umalis na tayo nakakainip dito!" Maarteng saad ni Ate Velvet. Saka umirap habang nililibot ang tingin sa bahay ko.

I'm Lost(Brave girls series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon