IL26

72 2 0
                                    

Death Bucket List

Devina's POV

Paalis na sila, inaayos na nila ang mga gamit nila. Ang bilis ng oras, parang kanina lang nangyari. Pero dahil nga may kanya-kanya kaming buhay, may pasok pa bukas kailangan na nila talagang umuwe.

Nasa sala sila ngayon checking kung may naiwan pa sa kanila na gamit nila. Nang masigurado na nilang walang naiwan. Saka sila isa-isang nagpaalam sa akin. Hinatid ko naman sila palabas ng compound namin.

Isa-isa silang kumaway habang naglalakad palayo sa compound namin. Its a nice day anyway. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

Nang mawala na sila sa paningin ko tumalikod na ako para pumasok uli sa compound namin.

"Oh, nakaalis na ba ang lahat?" Biglang tanong ni Nay Ebang sa gilid ko.

"Opo, Nay nakaalis na silang lahat" Nakangiti kong sagot.

"Mabuti naman kung ganon" Nakangiti ding sagot sa akin ni Nay Senayda.

"Matagal-tagal na rin ng huli ka naming ngumiti ng ganyan" Biglang puna sa akin ni Nay Dilya. Napahinto naman ako sa pag ngiti.

"Oo nga, Apo" Sang ayon ni Nay Ebang.

"Sana lagi kang nakangiti. Ang ganda mong tignan" Pahabol ni Nay Senayda. Bigla naman akong nahiya sa sinabi nila. Saka ko lang narealized yung sinabi nila. Kailan nga ba ako noong huli akong ngumiti ng ganito?

Hindi ko na maalala. Sana! I wish na palagi akong nakangiti. Pero ang hirap ding ngumiti kahit na napipilitan ka lang na maging masaya. Kahit alam mo sa sarili mo na niloloko mo lang ang sarili mo na okay lang pero hindi. Mas mabuti ng ganito kisa pikiin mo ang sarili mo sa isang bagay na hindi naman totoo.

"Mabuti naman at natututo ka na uling ngumiti sana magpatuloy pa yan" Hiling ni Nay Ebang. Hiling ko din yan Nay.

"Kaya nga pero, huwag mong pilitin ang sarili mong ipakitang okay lang at ngumiti kung alam mong sa sarili mo na hindi. Mas maganda ng ipakita kung anong tunay na nararamdaman kisa itago sa bagay na hindi kapani-paniwala" Advice sa akin ni Nay Senayda. Napatango naman ako sa sinabi niya. Actually Nay Senayda we have the same thought.

"Ay nako, tama na nga yan. Drama na naman. Pumasok na tayo at dumidilim na" Biglang saad ni Nay Dilya sa madamdaming usapan namin nila Nay Ebang at Senayda.

"Nako! ikaw talagang tanders ka! Ang sarap mong kutusin. Panira ka ng moment" Inis na saad sa kanya ni Nay Senayda.

"Hay, kisa naman bumaha dyan sa kadramahan niyo" Balik niyang saad.

"Hay nako manahimik na nga kayo. Nag uumpisa na naman kayo" Suway sa kanila ni Nay Ebang. Napailing na lang ako sa kanila. Hindi na bago sa akin ang ganitong pangyayari.

Ang kulit nga nilang tignan eh. Kahit may edad na sila hindi nila nakakalimutan na gumawa ng mga gawain millenial. May moto nga silang tatlo eh "Were young enough to make us old". And I didn't see what make them to be it their moto?

Patuloy na bangayan ang narinig ko na nagpabalik sa akin sa wisyo. Ay nako! itong mga tander cats na ito.

"Nako, iwan na natin itong dalawang GURANG NA PUSA DITO!" Parinig ni Nay Ebang kila Nay Dilya at Senayda na nagbabangayan pa rin.

Napahinto naman sila ng marinig yun. Saka masamang liningon si Nay Ebang.

"Wow naman dai, Gurang? Nahiya naman kami sa iyo!" Sacratic na saad ni Nay Dilya. Saka tumingin kay Nay Senayda.

"Kaya nga, eh siya itong mas matanda sa atin. Kung makapagsalita eh kala mo kung sino!" Segunda ni Nay Senayda. Hay nako! ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kapag ito hindi pa natigil baka kung saan pa umabot.

I'm Lost(Brave girls series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon