Threat
Matapos ang pag-uusap namin Kuya Jasthin kaagad akong umalis sa pwesto ko. Naging aligaga na ako non buti nalang wala akong nabasag na gamit dahil sa nginig ng kamay ko.
"Hey, ayos ka lang?" Nag aalalang tanong sa akin ni Jamyr. Nang alalayan ako sa hawak kong tray.
"Oo" Balisa kong sagot. Tinignan naman niya ako na para bang tinitimbang kong totoo ang sinasabi ko o hindi.
"Ah ilalagay ko lang ito doon"Nagmamadali kong sabi saka umalis. Hindi ko na inantay kung ano pa ang sasabihin niya. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kusina, si Blyst kaaagad yung bumungad sa akin. Nagkagulatan pa kaming dalawa, saka napahinto.
Sa itsura niya may gusto siyang sabihin pero kaagad siyang umalis sa harap ko. Anong nangyari doon, baka may kinalaman ang kuya ko kaya ganon siya. Kanina ko pa kasi napapansin na medyo ilag siya sa akin. Matapos madalang din niya akong kausapin hindi tulad ng nakaraan na halos magkapalit na kami ng mukha sa kakulitan niya.
Hindi malayong may kinalaman ang kuya ko dito. Hindi yun pupunta dito para lang magsayang ng oras. Kung ano man ang pakay niya yun ang dapat kong malaman. Isa rin ito sa mga bagay na ayaw kung mangyari sa lahat ng nakapalibot sa akin. Minsan iniisip ko, may kinalaman sila kung bakit walang tumatagal na kaibigan ko. Lahat ako nilalayuan, at kung anong dahilan nila, ewan ko.
Hindi pa ba sapat sa kanila ang pagdurusa ko ngayon. At pinapakialaman pa nila ako. Hindi ba pwedeng hayaan na lang nila ako! Nakakainis na! Kung kaya ko lang silang labanan ginawa ko na pero malakas sila.
Mag isa lang ako walang wala ako sa kaya nilang gawin. They are too powerful for a person like me. Yes, anak nila ako pero pagdating sa akin lahat ng kayang gawin ng isang ibang tao kayang kaya nilang gawin sa isang pitik lang ng kamay nila.
Hindi ko pa pala nasasabi na anak ako ng isang Senator at Attorney. Maimpluwensiya sila kaya lahat ng kaaway nila, sa isang kurap mabubura na lang nang bigla-bigla. Kaya mahirap ng banggain ang sarili kong pamilya.
Si Senator Brady Jonathon Carter Garcilla, isang magaling na senator para sa karamihan. Pero yung ang akala nila, pero kapag nakatalikod masahol pa sa hayop. I witness some of his dirty works and all I can say is, he really one of the devil living behind of good profile. Opposite of my mother, kaya hindi ko alam kung paano niya natagalan si Daddy.
And about my siblings, wag niyo ng tanungin. Halata naman lahat sila mana kay Daddy, greedy and selfish.
Si kuya Eurion nalang yata ang mana kay Mommy pero kaagad din binawi. Maybe a Karma to my Daddy, but I hate to say that. Kuya Eurion is so kind person, ang kaisa-isang taong kakampi ko at naniniwala sa akin. Yun nga lang dahil sa aksidenteng yun, namatay siya kaagad. And that the start of my hell life."Hoy!"
"Ay nademoniyo ka!" Gulat kong wika ng may sumundot sa tagiliran ko. Napatalon ako dahil sa gulat, pagkatingin ko. Paktay kang bata ka.
"Oh ayos ka lang?" Nag aalalang tanong sa akin ni Ma'am Elle ng humarap na ako sa kanya.
"Ah y-yes po, Ma'am, Hehehehe" Kunwari patawa kong saad. Sinukat naman ni Ma'am kung totoo ba yung sinasabi ko o hindi. Hindi siya umimik, kaya naalerto ako. Seryoso kasi ang expression na mababasa mo sa mukha niya. Usually kapag ganito ang ekspresiyon niya may problema. Ang tanong ano yun o sino?
"Sumunod ka sa akin" Seryoso niyang utos sa akin. Kinabahan ako sa sinabi niya. Is this all about sa Kuya ko na dumalaw dito?
Napatingin sa amin ang ibang staff dito sa Cafe. Kita sa istura nila ang pagkalito kung bakit nakasunod ako kay Ma'am Elle. Pero si Blyst, iba ang nakaplaster sa mukha niya. Paalala ang nakikita ko bago kami tuluyang umakyat sa taas kung nasaan ang office niya.
BINABASA MO ANG
I'm Lost(Brave girls series#1)
SpiritualBrave girls series #1 Devina Mazikeen Garcilla, A girl who lost in her journey of finding people who accept her, was she able to find one? Or she just looking for someone who able to fulfill his longing of how to be love by someone or others she do...