IL3

212 6 4
                                    

Tired


It's weekend, typical a break for other normal student. In case of me, it's not. Especially, that I have part time work to do so.

Napabuntong hininga muna ako saka napatulala ng ilang minuto. Kung hindi pa tumunog ang alarm clock ko hindi pa mababalik ang ulirat ko.

Kanina pa ako gising pero tinatamad akong bumangon. Madalain tuloy ang kilos ko.

Ghad! Devi! Get your fucking self.

Nagmadali ako sa pagbihis, pag aayos ng gamit saka kumuha ng biscuit bago lumabas ng kwarto. Tahimik na ng makababa ako sa unang palapag ng bahay namin. Nakaalis na siguro sila.

Pero hindi ko na yun inalala pa dahil sanay na ako. Ang mas inalala ko ay ang trabaho ko. Shaks! malalate na naman ako nito.

Lakad takbo ang ginagawa ko palabas palang ng village namin. Pati si Manong Guard na bumati sa akin hindi ko na nabati pabalik dahil sa pagmamadali.

Pagkaliko sa unang kanto ilang metro layo sa village namin, nagpahinga muna ako saglit saka uli nag umpisang maglakad. Ilang taxi at tricycle na ang huminto sa gilid ko at nagtanong kung sasakay ba ako, iisa lang ang sagot ko sa kanila.

"Hindi po, Manong," sagot ko, umiling ako sa pang limang tricycle driver na huminto sa gilid ko.

Napabuntonghininga, saka patuloy sa paglalakad. Ilang kanto nalang ang layo mula sa cafe na pinagtatrabahunan ko, kaya hindi na ko sumakay. At wala din naman akong balak na mamasahe, dahil nagtitipid.

Doroles street, basa ko sa huling kanto nilikuan ko bahagi ng Sagapan. Kaunti nalang malapit na ko sa Zena Caffe Shop na nakatayo sa dulo ng Sagapan.

Habang binubuo ang huling bahagi bago makarating sa cafe. May nakasabay akong limang magkakaibigang babae. Napahinto ako ng nakasabay ko sila.

I look at them, they seem estatic on what they talking about. The right girl pushing the girl on her right. Instead of being mad, they both laugh. I look away from them. Envy feel me for wanting a friend that I never had.

Napapikit ng ilang sandali saka nagpatuloy sa paglalakad. Yun ang naging laman ng utak ko. Kaya nakalimutan ko tuloy na sa backdoor pala dumaan hindi sa front door. Kaagad akong bumalik palabas hindi dahil sa mali ang dinadaan ko kung hindi ang kapatid kong nasa loob.

Hindi nila alam kung saan ako nagta-trabaho. Ang alam lang nila nagtatrabaho ako para sa sarili. Kahit pa malaman nila, wala din naman paki pero kahit na ganoon ay ayaw ko parin malaman nila.

Madali akong umikot papunta ng backdoor para hindi niya na ako makita pa. Hingal na hingal tuloy akong pumasok sa backdoor.

"Oh hingal na hingal ah," gulat na puna ni Jasthin sa akin, isa rin regular staff dito. Napatingala ako sa kanya dahil nakayuko ako. Nagpatuloy siya sa pag uusisa sa akin at sinabi na, "tumakbo ka no?"

Umiiling ako sa tanong niya. At tumayo ng maayos. Sinundan lang siya ako ng tingin. Tila hindi kumbinsido pero, napatango naman siya, at sinara na ang locker niya.

Saka lumingon sa akin bago nagpaalam na, "Mauna na ko," saka naglakad palabas sa ng staff room. Pagkalabas niya doon napadausdos napaupo sa sahig.

I stretch my legs on the floor and lay back on the locker stand. I will close my eyes when someone speak.

"Oh andito ka na pala," napahinto si Marco ng makita akong nakaupo sa may sahig. kalalabas ng boys Comfort room. Katapat lang ng kinauupuan ko.

Napangiti ako ng pilit saka siya sinagot, "Nakakarating lang," mahina kong sagot sa kanya, tsaka tumayo na.

I'm Lost(Brave girls series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon