Dad's enemy
Patuloy pa rin ang pag aalis ng mga katawang wala ng buhay pa. Maraming naiwan na bakas ng dugo ang dumanak sa may dalampasigan. Mula dito tanaw ko din ang pag aalis nila ng mga bangkay sa may rest house namin.
Hindi ko pa rin lubos maisip kung anong nangyari bakit nagkaroon ng ganito. Hindi naman ako ganon kainosente pagdating sa trabaho ni Daddy. His politician maybe their' s a person tip that we are here or someone stalking us.
Nanatili akong nakatayo sa may gilid kung saan hindi ako makakaabala sa kanila. Hanggang sa matapos silang kuhain ang mga katawan. Doon lang ako naglakad papunta sa bahay.
Habang palakad hindi ko maiwasan manlumo sa nangyari. This is house is an antique and valued by my parents and look at now. Mula sa pinto na may bakas ng dugo hanggang sa pader nito na puro butas gawa ng mga bala ng matataas na kalibre ng baril. Hanggang sa mga antigong kagamitan na nabasag at nagkalat sa sahig. Hindi ko maiwasan na maluha.
Bakit ganito ang nangyari? Wala man lang akong nagawa. Kamusta kaya sila? Okay lang ba sila? Gusto ko silang makita.
Isang pulis officer ang lumapit sa akin. Nagmamadali ito at parang kinakabahan.
"Excuse me Ma'am" Pagtatawag pansin niya sa akin habang bakas pa rin ang kaba sa mukha niya.
"Ako nga po" Magalang na tugon ko.
Napalingon-lingon muna siya sa paligid bago ako kinausap sa mababang boses ngunit mahina. Sapat na para marinig ko siya.
"Kailangan niyo na daw pong umalis dito. Pinag uutos ng kapatid niyong si Connor. Mas delikado kong mananatili kayo dito. May sasakyan pong nag aabang sa inyo sa labas. Bilisan niyo daw po" Nanginginig niyang saad sa akin. Nagtataka ako kung bakit ganon ang tono ng pananalita niya. Pero dahil nga medyo kinakabahan pa rin ako sa lugar na ito. Sinunod ko ang utos niya.
Mabilis siyang naglakad palabas ng bahay na sinundan ko. Tumaliwas kami sa mataong parte pagkalabas namin. Natanaw ko naman ang itim na kotse na sinasabi niya. Pero may kung anong nagsasabi sa akin na huwag akong sumama sa kanya.
Napahinto ako ng mapansin ko ang klase ng sasakyan. Tinitigan ko ito saka napaisip. Kailan pa kami nagkaroon ng ford na sasakyan? Never na bumili sila Dad ng ganito. Kanino ito? Nanlaki ang mata ko ng matanto kong kanino yun.
Paalis na sana ako ng biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko. Pinilit kong pumiglas pero sadyang malakas ang lalaking nasa likod ko. Unti-unti naman akong nawalan ng malay. Hanggang sa naaninag ko ang pagbukas ng pinto ng kotse.
Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Napalingon ako sa paligid para malaman kung nasaan ako. Pero tangin plain na kwarto ang bumungad sa akin. Tinignan ko naman ang sarili ko.
Kinabahan ako ng makitang iba na ang suot kung damit. Kinapa-kapa ko pa ang sarili ko saka pinakiramdaman sa baba. Hindi naman masakit down there so safe pa rin siya. Pero nasaan nga ba ako?
Napalingon naman ako sa may pinto ng bigla itong bumukas. Niluwa nito ang isang lalaking may edad na ngunit sumisigaw pa rin ng katipunuhan. Siguro same ages lang sila ni Dad.
Biglang naningkit ang mata ko ng makilala siya. Saka ko lang narealize na siya yung kalaban ni Dad sa pagkasenado. Si Senator Broody Gregory Ortiñeza. Pumapangalawa sa Ama ko bilang magaling na senator.
"Anong kailangan mo sa akin?" Kaagad na tanong ko sa kanya habang nagpipigil ng galit. Kita ko naman sa kanyang mukha ang pagkagulat sa biglaang tanong ko.
May kung ano sa kanya na parang napapanatag ako. Diba dapat ang maramdaman ko ay kaba at takot pero bakit simula ng magising ako kalmado at ligtas ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
I'm Lost(Brave girls series#1)
SpiritualBrave girls series #1 Devina Mazikeen Garcilla, A girl who lost in her journey of finding people who accept her, was she able to find one? Or she just looking for someone who able to fulfill his longing of how to be love by someone or others she do...