IL31

55 2 0
                                    

Bond

And that night I let my thoughs consume me until I fall asleep. And I wake up with little smile on my lips.

It different kind of morning for me. Unlike the other days that I feel exhausted. Agad ko naman naalala ang school. Pangatlong araw na akong absent, I don't know whats going on.

Kahit na bago ako umalis ay may issue at least naresolve pero malapit na kasi ang finals namin. Mahihirapan akong maghabol kung aabot pa ako ng isang linggo na absent. Lalo na two or three weeks na lang finals na, hell week.

Kailangan ko ng makausap si Senator Ortañeza about sa pag aaral ko. Hindi ko pwedeng ipagpaliban lalo na scholar pa ako. Hindi magandang idea na may absent ako ng matagal.

Kaagad akong lumabas sa kwartong pinagtuluyan ko. Bumungad naman ang dalawang bodyguard. Pati ba naman dito? Double security nga.

"Saan si Senator?" Ilang natanong ko sa nakatayong tuwid na tuwid na men in black sa harap ko. Nakashade pa, nasa loob naman ng bahay.

"Nasa may garden" Parang robot niyang sagot. Mas lalo ko siyang tinignan. Di battery kaya ito. Bakit ganito magsalita. Di bale na lang nga si Senator naman ang hinahanap ko.

Kagaya ng sinabi ng men in black na lalaki. Nasa garden si Senator pero sa laki ng bahay na ito. Saan kayo yung garden? Saan yung daan. Sa dami ng hallway, pasukan at pasikot-sikot, mukhang naliligaw na ako. Bakit kasi hindi mo tinanong kung saan yung daan patungo sa garden, Devi. Ingot ka rin eh no! Pangaral ko sa sarili ko.

Bumalik uli ako sa pinanggalingan ko buti na lang may nakita akong maid na pwedeng pagtanungan.

"Uhmm, excuse me, Miss" Pagtatawag pansin ko sa kanya habang nagwawalis siya ng sahig.Napalingon naman siya kaagad sa akin, sabay yuko sa harapan ko. Ay Señorita lang ang peg?

"Ah no need to vow, I just wanna ask. Where is the garden?" Mahinahon kung tanong sa kanya. Umangat naman na ang ulo niya bago siya nagsalita.

"Sumunod po kayo sa akin. Ituturo ko ang direksiyon" Magalang niyang tugon sa akin saka naunang naglakad. Sinundan ko lang naman siya hanggang sa makarating kami sa isang glass sliding door. Doon ko lang natanaw ang buong garden. Nagningning ang mata ko ng makita kung ano ang mga nakatanim sa garden.

Iba't-ibang uri pero mas nakatawag pansin sa akin ang favorito kung bulaklak, ang sunflower. Hindi pa tuluyan nabuksan ng maid ang pinto pero pinilit ko ang sarili ko hanggang sa makalabas na ako.

Masarap at fresh na hangin ang bumungad kaagad sa akin. Nakakarelax na kapaligiran ang bumati sa akin. Wow, naalala ko tuloy ang garden ni Kuya Eurion. Maybe pwede akong humingi ng mga buto para itanim ko sa garden ni Kuya.

Dahan-dahan akong naglakad sa pagitan ng mga bulaklak. Nakangiti at maingat silang hinahawakan. Hanggang sa napunta ako sa may mga sunflower. Doon na lumabas ang malawak na ngiti mula sa akin labi. I don't know why, feel ko may something sa bulaklak na ito. Na parang kadikit ng buhay ko.

Umupo ako saka sila pinagmasdan. How I wish, I was like a sunflower. Standing tall and bright even there a darkness.

"Ang ganda nila diba?" Tanong ng isang husky na boses sa likod ko. Kahit hindi ko lingonin kilala ko kaninong boses iyon.

"Yes, they are beautiful" Manghang sang ayon ko sa kanya.

"Parang siya, at ikaw" Pahina ng pahina niyang saad. Napalingon ako ng hindi ko marinig ang huling sinabi niya.

"Ano po yung last niyong sinabi?" Paulit kung tanong sa kanya.

Umiling naman siya kaagad. Mukhang ayaw ng ulitin pang sabihin iyon.

I'm Lost(Brave girls series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon