Trace
Blyst's POV
Napagkasunduan na ng lahat na bukas na gawin ang plano namin. Pinagpahinga muna niya kami. Sumilip na rin si Ma'am sa amin bago kami natapos sa meeting.
Muntik na namin makalimutan na may trabaho pa pala kami. Pinaliwanag namin kay Ma'am ang lahat ng plano namin. Nag agree naman siya, pero nakiusap siyang bigyan din ng oras ang trabaho namin. Kaya nagbago uli ng plano. Tungkol sa oras ng pag hahanap sa kanya.
Nakaschedule ang mga lakad namin. Pero hindi lahat, kailangan may.maiwan sa Cafe. Lima or Anim lang ang pwedeng lumabas sa amin. Ayos lang naman sa amin iyon. Basta mahanap lang siya.
Naiwan sila Kuya Jasthin sa Cafe para magtrabaho since mga regular staff sila. Kaming mga part timer ang pinauwe.
Pagod akong umuwe sa bahay. Pagkapasok ko ng pinto, napahinto ako ng makita sila Mama na nag aabang sa akin sa may Sala. Nag aalala ang mga itsura nila.
Lumapit kaagad sa akin ni Mama.
"Anak, ayos ka lang ba? May balita na ba sa kanya?" Nag aalalang tanong niya sa akin. Mapait akong napangiti kay Mama, saka umiling.
"Hindi po ako okay. Wala pa po kasi kaming balita kung nasaan siya" Malungkot na tono ng boses ko sabi sa kanila. Tumayo naman na si Papa saka tinapik ang balikat ko.
"Its okay, since first day pa lang naman. Mayroon pa naman bukas. You can still find her. Hindi naman kayo susuko diba?" Positive na saad sa akin ni Papa. Muli akong napangiti ng maayos.
"Opo, naman Pa. Hindi namin siya susukuan. Magpapahinga lang po ako. Napagod ako ngayon araw" Pagdadrama ko kila Mama. Biglang sumakit ang mga kaso-kasuan ko. Arghh may salon pass pa kaya ako dyan.
"Ma" Tawag ko sa kanya saka huminto sa pag akyat sa hagdan.
"Bakit?" Sabay silip niya sa may pintuan ng kusina.
"May stock pa tayo ng salon pass?" Tanong ko sa kanya habang nag uunat ng braso. Napaisip siya saka nag senyas na saglit lang. Pumasok niya muli sa loob ng kusina.
Nag intay ako sa pag balik niya. Bigla naman akong napatingin sa taas. Naririnig ko ang pagbaba ng ilang tao. Nagulat ako ng makita kung sino ito.
"Oh andito ka na pala, kanina ka pa namin inaantay!" Malambing na tinig ng kapatid kung babae. Si Ate Fiorella Aysel Devallo, CPA. Siya yung tinutukoy ko dati na CPA na. At Si Kuya Wren Araceli Devallo, isang Science teacher. Sa kanya ako nagpapaturo dati tungkol sa mga subject na may kinalaman sa science.
Ate Fiorella ang panganay, sumunod si Kuya Wren saka ako, tapos kapatid na babae ang sumunod sa akin si Qila (kee-lah) at ang bunso namin si Xanth (zanth). Lima kaming magkakapatid. Sila dalawa humiwalay na sa amin. Because of their profession.
"Oh, bakit parang nastatwa ka dyan?" Natatawang tanong sa akin ni Kuya Wren.
"Mukhang nahihirapan na siya sa pagiging architect student ah. Hmmm, kailangan ba ng tulong sa science?" Mapagbiromg saad ni Ate Fiorella. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. How did she know na Architecture ang course ko.
Malakas naman na napatawa si Kuya Wren. Napalabas niya si Mama sa kusina ng di oras.
"Anong nangyayari dito?" Nagtataka niyang tanong kay Kuya. Napailing si Kuya saka ako tinuro.
"Nothing Ma, binibiro lang namin si Blyst. Namiss namin itong makulit naming kapatid" Sabay akbay sa akin saka ako kiniliti.
"Ano ba Kuya, wag dyan!" Natatawa kung saad.
"Hay nako kayong mga bata na ito. Oh siya, Blyst oh!" Sabay abot ni Mama ng isang box ng salon pass.
"Oh, Baby salon pass ka pa rin Wahahahaha!" Malakas na pang aasar sa akin ni Ate Fiorella.
BINABASA MO ANG
I'm Lost(Brave girls series#1)
SpiritualBrave girls series #1 Devina Mazikeen Garcilla, A girl who lost in her journey of finding people who accept her, was she able to find one? Or she just looking for someone who able to fulfill his longing of how to be love by someone or others she do...