Weird?
Maaga akong umalis sa bahay dahil may trabaho uli tsaka kuhaan ng sahod ngayon. May ipangdadagdag na naman ako sa ipon ko.
Tulog na sila ng umalis ako, mga 3 am ng madaling araw ako umalis. Pero laking pagtataka ko ng nakita kong bukas na ang ilaw sa sala. Nagtaka ako 5 pa ang gising ng mga taga-silbi namin. Pero bakit bukas na ang ilaw dito? ◐.̃◐
Dahan-dahan tuloy akong bumaba na parang isang kawatan na nag iingat baka marinig. Pagkarating ko sa pinakadulong bahagi ng hagdan, mabilis ngunit walang ingay akong tumakbo palapit sa pinto. Pero napatigil ako ng makarinig ako ng isang malalim na boses.
Bigla akong natulos sa kinatayuan ko. Hindi ako kaagad nakalingon dahil sa gulat. Bakit gising na siya ng ganitong oras? Maaga pa ah! Takang tanong ko sa isip ko bago humarap sa kanya.
Litong lito ko siyang tinitigan parang sinasabi na bakit? Blanko ang tingin na iginagawad niya sa akin. Ang hirap tuloy basahin ang iniisip niya. ~_~
Hindi parin siya nagsalita kaya minabuti ko ng umalis na. Baka may makakita pa sa amin dito. Hindi naman sa ayaw kong makita kami na para bang may tinatago. Ang sa akin lang ay baka maiba ang kwento masabihan pa akong sipsip. At nanghihingi ng awa sa kanya tsk!
Yun ang naging laman ng utak ko habang naglalakad na ako papunta sa Cafe na pinagtatrabahuhan ko. Naging absent minded ako kaya huli ko ng mapansin na nasa tabi ko na pala si Marco.
Gulat akong napatitig sa kanya, diretso naman ang kanyang tingin. Naalala ko na naman ang mga pangyayari kagabi.
Napatitig tuloy ako sa kanya ng taimtim. Iniisip kong bakit niya ginawa yun. Nakakapagtaka lang talaga! Napaitlag ako ng makita kong mariin niyang pagtingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanga at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Shaks nakakahiya baka isipin nito. Napailing naman ako dahil sa dami ng iniisip ko. Nakita ko naman sa side ng mata ko na napasulyap siya sa akin kaya umayos ako ng paglalakad.
Ang tahimik naman! ano bang magandang topic? Arghh why so hirap kong mag start ng conversation with person? Hay, dati naman hindi ako ganito, maybe dahil nasanay na ako?
"Maayos ka bang nakarating sa inyo?"Biglang tanong niya sa akin. Napalingon tuloy ako sa kanya ng di oras.
Ako ba yung tinatanong niya? Baka nga ako, ako lang naman kasama niyang naglalakad.
"Ahm Oo" Maikli at nahihiya kong sagot sa kanya. Napatango naman siya sa sinagot ko at natahimik na din.
Nasaan na ba kami? Lah nasa pang apat na kanto pa lang kami!. Bat ang bagal? Kanina pa kami ng lalakad ah!
BROOMMMM!!!
Nagulat ako ng bigla niya akong hablotin. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwala sa nangyari.
"Mag busina ka naman, muntik ka ng makabangga!" Galit na sigaw ni Marco sa driver ng motor na muntik ng makabangga sa akin kung hindi niya ako nahila papunta sa side niya.
Tulala parin ako sa nangyari, kahit nong tinanong niya ako kung ayos lang ba ako. Tangin tango lang ang naisagot ko sa kanya.
Napabuntong hinga lang naman siya at hinawakan ako sa wrist ko bago nagsimula uling maglakad. Nakalagpas na kami sa pang apat na kanto, may nakita siyang tindahan. Piso-piso store ang pangalan.
Tumigil muna kami doon, pinaupo niya ako sa mahabang upuan na andoon. Napatulala naman ako sa harap kung saan katapat nitong store ang billiard. Napatulala ako sa mga taong naglalaro doon. The smile on their lips while playing hit hard on me. When I saw myself smile like that with some important people around me?
BINABASA MO ANG
I'm Lost(Brave girls series#1)
SpiritualBrave girls series #1 Devina Mazikeen Garcilla, A girl who lost in her journey of finding people who accept her, was she able to find one? Or she just looking for someone who able to fulfill his longing of how to be love by someone or others she do...