Gad
"Give it back to me Ahonoama." Masama ang tingin sa akin ni Gad habang ang kamay nya ay nakalahad sa akin.
"Wait!" I said. Abala kasi ako sa paglalaro sa koste-kotsehan nya.
"Give the remote to me baka maibangga mo pa iyan---oh my God! Thats limited!" Sigaw nya. Napabagsak naman ako sa kama nya ang lambot.
"Ang liit kasi ng kwarto mo ayan tuloy..buti pa yung kay Vandam, malaki." Saad ko. Nagtalukbong ako sa kumot nya. "Hmmh..ang bango talaga ng comforter mo." Saad ko sabay labas sa comforter. Nagulat nalang ako ng makitang ang galit nyang mata ay napalitan ng hindi ko alam na emosyon. Nakatunganga lang sya sa akin.
"Oh my gosh! My comforter! How dare you?!" Maarteng tanong nya. "I might get bacteria from you!" Nanlaki ang mata ko.
"How dare you! Im more clean than you!" Tumayo ako sa higaan nya. "Im telling this to your brother!" Saad ko at kinalabog ang pinto ng kwarto nya.
"Where have you been Aho?" Nasalubong ko si tita Gabby sa hallway ng hagdan ng mansion.
"Ahm..si Van po?" Tanong ko.
"He's upstairs, wala ba sa kwarto nya? Federic told me that you went there." Napatutop ang bibig ko, I lied, hindi ko alam kung bakit napunta ako sa kwarto ni Gad even tho si Van talaga ang sadya ko.
"Pupuntahan ko nalang po sya." Tatalikod na sana ako ng magsalita si tita Gab.
"Madadaanan mo naman yung kwarto ni Gad, pwedeng pakihatid na ito doon, promise maghahanda ako ng paborito mo para sa meryenda nyo." Tsaka ko lang napansin yung tray na hawak nya. Anong oras na ba? Bakit my kape sa tray, alas-tres palang ng hapon ah. "Ah, paborito kasi ni Gad ang kape, kahit anong oras. Eh nagpahatid sya sa yaya nya, wala naman yung yaya nya kaya ako nalang sana kaso.." Pinatahimik ko na si tita. Masyado kasing maingay.
"Ok na po tita! Ako na po." Saad ko. Ngumiti naman sya at binigay sa akin ang tray.
"Salamat." Ngumiti ako at tumalikod na.
Hindi na ako kumatok sa kwarto ni Gad, sanay naman nya yung lalaking iyon.
"Just put it there." Nakita ko syang inaayos yung kotseng remote control. Medyo nawasak kasi kanina pero okay pa naman. "Where's aling Fresi?" Tanong nito.
"Umm..How did you know na ako to?" Tanong ko. Tamad syang tumingin sa akin.
"Duh. The coffee." Saad nya at binalik ang tingin sa kotse.
"And?" Tanong ko.
"And what?!" Tinesting nya yung remote at kotse.
"How did you know its me?" Tumama sa paa ko yung kotse. "Hey watch it!" Sigaw ko at umatras.
"I just know.." Saad nito at humiga sa kama nya. He did smell the comforter katulad sa ginawa ko kanina. "Hmmh." He smiled, napatras naman ako. Is he mocking me? "Smells like you already." Saad nya. Hindi ko alam kung bakit namula ako sa sinabi nya. "I actually like you." Saad nya.
"H-ha?" Gulat na tanong ko.
"I like you." Ulit nya. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero isa lang ang alam ko, we don't feel the same thing.
"Pero bata pa t-tayo." Hindi ko alam kung bakit yun yung nasabi ko. The hell that was right though, he's just 13 years old and i'm 11! And he is confessing his feelings for me.
"Then i'll wait." Saad nya.
Kumunot lang ang noo ko. Wait for what?

BINABASA MO ANG
Igniting Chances
Romance(Night Series I) She fell inlove with her bestfriend, he fell inlove with his brother's bestfriend.