Chuckie
"Im so sorry about yesterday Aho, akala ko kasi ikaw ang nagsimula ng away--"
"Without knowing my side?" Tanong ko kay Van. Gusto ko sanang patawarin sya pero trip ko syang pahirapan. Duh, kahit bestfriend kita eh muntikan na akong mapahiya kahapon. Buti nalang nandyan si--oh my God! Gad.
"Thats why im sorry okay?" Dahan-dahan na lumabas sa labi ko ang ngiti ng may inilabas sya sa likod nya.
"Chuckie!" Agaw ko agad sa inumin.
"Knew it." Tsaka sya tumawa.
Magsasalita pa sana ako ng may magsalita.
"Van?" It was Nadia, she's standing on the door of my room.
"Hey!" Mabilis na lumapit si Van sa babae at hinalikan ito sa pisnge. Napaiwas naman ako ng tingin. "I gotta go now Aho." Saad nya at tumalikod. Tila nanlumo ako kada hakbang na ginagawa nya palayo sa akin hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.
He forgot something. He forgot my goodbye kiss. Bata palang kami tuwing aalis sya ay hahalikan nya ako sa noo at sasabihin ang dalawang katagang "stay safe".
Bigla akong nanghina at nawalan ng gana.
Dahan-dahan kong naibaba ang chuckie ko. Why am I feeling this? Do I like my bestfriend? If I do, i'm such an idiot. But no, I cant. Friend is a friend no string, that's the rule.
Inayos ko na ang gamit ko. Kanina pa uwian at naiwan ako sa room kanina kung saan dumating si Van.
Sinigurado kong sarado na lahat ng kung ano man ang pwedeng isara sa room bago lumabas. Nakakailang hakbang palang ako mula sa pinto ng may sumabay sa akin.
"Para kang girlfriend na hindi priority." Hindi ako nakaimik.
"What do you want?" Tanong ko agad dahil ayoko makipag talo ngayon dahil wala ako sa tamang pagiisip dahil puro sagot sa tanong ko ang hinahanap nito, diretso lang kami sa paglalakad. Hindi sya sumagot diretso lang kami sa sasakyan nya. Ewan ko kung bakit dito kami napunta. Wala naman akong balak sumabay sa kanya kaya magpapalam na sana ako ng unahan nya ako.
"Get in." I just feel weak right now to have an argument with him kaya hindi na ako nakipagtalo pa.
Nagulat nalang ako ng may paper bag sa uupuan ko sana.
"Kandungin mo muna yan." Saad nya tsaka sinara ang pinto. Umikot sya para makasakay. When he got in the car he started the engine.
"Hatid mo nalang ako sa bahay." Malumanay na sa saad ko.
"Before that lets have dinner." Saad nya. Hindi ako umimik. "Tsk. I feel like you don't want to be with me." Bulong nya.
"I just dont feel living right now." Malungkot na saad ko. Why is he even driving a car? Ngayon lang pumasok sa isip ko. Kahapon pa. Lutang na talaga ako. Maybe he has a license, tutal 17 naman na sya, student license? Hindi pa tapos.
"Open the bag." He said focusing on driving
"Ito?" Taas ko sa kandong kong paper bag."Hmm." Saad nya.
Medyo mabigat sya. Halos maluwa ang mata ko sa laman ng paper bag. Puno ng chuckie. What the hell! Gusto kong magpasalamat pero kailangan ko munag siguraduhin.
"Akin to?" Nakangising tanong ko. Tumango sya. Mas lumaki pa ang ngiti ko.
Kumuha ako ng isa at binuksan ito. Humigop ako, at dahil good mood ako dahil sa isang bag na chuckie ay tinapat ko sa labi ni Gad ang straw para makahigop sya. He looked at me. Pero binaling nya rin ang tingin sa kalsada.
"Higop ka na, nahiya ka pa." Saad ko. Nakita kong napalunok sya bago isubo ang straw. Nanlaki ang mata ko. "Allergy ka sa chuckie?" Tanong ko.
"Hindi." Kunot noong saad nya.
"Bakit namumula yung tenga mo? Tsaka buong mukha mo." Saad ko. Pati nga leeg nya namumula eh.
Saglit syang natigil. Katahimikan ang bumalot sa amin.
Lumunok sya.
"Tss. Idiot." Bulong nya.

BINABASA MO ANG
Igniting Chances
Romance(Night Series I) She fell inlove with her bestfriend, he fell inlove with his brother's bestfriend.