Goal
"Balikan nyo nalang kami dito, do you like something Van?" Tanong ni Gad sa kapatid. Ngumiti lang si Van at umiling.
"Just make it fast, malapit lang kasi ang bahay nila Nadia." Tumango si Gad at hinila na ako papasok sa isang convinient store.
"Pumili ka na ng gusto mong pagkain." Saad nya at nagpunta sa mga inumin. Siguro ay kukuha sya ng iinumin namin?
Hmm.
Kumuha ako ng mga gusto kong pagkain.
I like chocolates kaya most of the food I got were chocolates.
"Ill pay these first para hindi makita ni Van." Kumunot ang noo ko but he walked passed by me.
Why is he hiding it to Van?
At saan kami iinom?
Kung iinom man kami?
Tumigil ako at pumila sa likod nya.
Tinupi nya ang paper bag at umupo sa isang upuan habang naghihintay sa akin. Tumingin lang ako sa kanya habang chinicheck ang mga kinuha ko.
Gosh Gad, I dont have money.
Inirapan ko lang sya.
"Pay for these." I whispered, sapat para marinig nya.
Napa-oh sya at tumayo. Sakto namang pagpasok ni Van sa store.
"Almost done." He just smiled at me.
I let Gad pay. Lumapit ako kay Van and wait for Gad.
"You did buy your chuckie?" Natahimik ako.
I did not.
Hindi ko manlang naisip na bumili ng chuckie na syang paborito ko.
"Let's go?" Dumating sa harap namin si Gad dala ang dalawang paper bag.
"Ang dami naman nyan?" Saad ni Van habang nag bubukas ng pinto para sa akin.
"Matakaw eh." Saad ni Gad kaya mabilis ko syang inirapan bago sumakay sa sasakyan nila.
Nang dumating kami ay wala sa na garden ang mga magulang namin.
Naabutan nalang namin doon ang mga kasambahay na naglilinis."Umakyat na po sila Sir." Saad ng isa. Kaya pumasok na kami sa bahay.
Umakyat kami sa taas at naabutan ang magulang namin sa isang guest room sa bahay nila Van na nagtatawan at halatang may tama na.
"Hmm." Saad lang ni Gad kaya napatingin ako sa kanya. Kinindatan nya lang ako at ngumisi. "I think they are fine." He said playfully tsaka sinara ang pinto.
"You can use the other guest room Aho." Van said in his serious tone. "Pagod na rin ako, I'll catch up with you tomorrow on breakfast, 'kay?" Tumayo ako, he kissed my forehead before heading to his room.
Nang lumingon ako kay Gad at nakataas lang kilay nya at tila hindi natuwa sa nangyari.
"What?" I asked. Umiling lang sya at nagsalita.
"Shall we?" Tanong nya. Umirap lang ako bago sumunod sa kanya sa kanyang kwarto.
"Bakit sa kwarto mo?" Tanong ko.
"Why? Gusto mo sa kwarto ni Van?" Sarkastikong tanong nya habang pinipindot ang switch ng ilaw. Sumunod ako sa kanya. "Close the door, lock it." Those sentence sent shiver down my spine, pero hindi ko ito pinansin.
His room did not change, except for necessary changes, from the scent, the organization and stuffs, but his toy collections are still there.
Bago sya dumiretso sa aircon para sindihan ito ay nilapag nya sa isang coffee table ang mga pagkain at inumin.
Pero wala doon ang atensyon ko, kung 'di ay nasa side table.
There are photos there. There was a photo of us back when we were a child. Pareho kaming nakasimangot. Napangiti nalang ako. We were so cute, but i'm way cuter. Why does he have this framed? The next photo framed is a solo pic of me when I graduated elementary. Tumaas ang kilay ko and the last photo were the latest photo, I guess, 'cause i'm wearing school uniform which I useally wear at school and its candid.
"Why do you have these?" Tanong ko. Naga-ayos na sya ng mga pagkain at inumin.
"Nothing, just a reminder na ikaw ang goal ko."
"You're creepy as fuck."

BINABASA MO ANG
Igniting Chances
Romantizm(Night Series I) She fell inlove with her bestfriend, he fell inlove with his brother's bestfriend.