Chapter 39 : The Third Gate of Insignia

188 5 6
                                        

ALEXIS

Hindi ko alam kung ilang araw na ako na ako naglalakad sa kakaibang lugar na ito. Hindi ko rin masukat ang layo ng nilakad ko. At mas lalong hindi ko kung anong lugar na naman 'to.

This is... paradise. Lahat ng halaman sa paligid ay tila buhay na buhay. Matitingkad ang mga kulay ng bulaklak at hindi pangkaraniwan ang kanilang anyo. Ang mga dahon ay malalaki, halos kasinglapad ng braso ko, at ang mga insektong nagsisilaparan ay nag-iiwan ng kumikislap na alikabok sa hangin. Ang kalangitan ay bughaw at walang akong nakikitang ulap na lumulutang. Tama lang ang init ng paligid dahil malamig ang ihip ng hangin. Everything here feels alive in a magical way-a magic that stirs something deep inside me, something familiar.

And no matter how inviting it is to just stay here, I know that I have to get out of here any moment soon. This is not where I belong.

"You are right. This is not where you belong."

Bigla akong napalingon nang may marining akong nagsalita sa aking likuran.

"On the contrary, this place belongs to you. This is a part of you, Alexis."

Nanlaki ang mga mata ko. Binigyan niya ako nang ngiti. Sumunod ang mahaba at itim niyang buhok sa biglaang pag-ihip ng hangin. Hindi ko inakala na makakaharap ko siya ngayon.

"F-Floria..," I whispered her name. She is the daughter of Grunder, the one I saw in the grand hall.

"Come, Alexis. I have to show you something." Naglakad siya kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

"Nasaan tayo?"

"What do you think of this place?" Sa halip ay tanong din ang sinagot niya.

"This place is so... alive." Napatango siya sa naging sagot ko.

"Of course, because we are in the birthplace of the very creation of everything." Napatigil kami sa harap ng isang gate kaya naagaw ang pansin ko nito. "The third gate of insignia."

"Third gate?" pag-uulit ko. Kahit may ideya na ako ay hindi ko pa rin maiwasang mapatanong.

"You knew it by now, Alexis. You still have one last gate to open, and I'm not sure if you'll be ready for it." Nagpatuloy kami sa paglalakad. Akala ko mag-iiba ang paligid pero nanatili ito.

"You are the Buch vor Malefico." At last, I was able to say what I wanted to say from the moment I first saw her earlier. Sa kanya binigay ni Grunder ang Buch vor Malefico. Nakita ko kong paano itinarak ni Grunder ang mahiwagang kutsilyo sa kanyang dibdib.

Napalingon siya sa akin at napangisi nang nakakaloko.

"I was."

"Anong ibig mong sabihin? May bagong Buch vor Malefico?"

"The bearer of the Buch vor Malefico, we call her The Equinox. We stand in a point of perfect balance, infused with the neutral force that governs both creation and destruction."

"What do you mean by we?" tanong ko habang pilit na iniintindi ang mga sinasabi niya.

"When will you accept it, Alexis? That you are now The Equinox. I've been guiding you in your realm, speaking to you, reaching out to you."

Napasinghap ako. "Ikaw 'yon?" Siya ang boses na palagi kong nariring na kumakausap sa akin. "Pero bakit? Bakit ako?"

Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang palad namin. In a blink of an eye, our veins glow in golden light. Napatingin ako sa kanya dahil naguguluhan ako.

"You came from my blood and flesh, Alexis. You deserve it. It's written in your destiny the moment you stepped in this world." Banayad niyang hinaplos ang buhok ko. "Your mother would be so proud of you."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FEUTERACRIA : School for Elemental Users Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon