Chapter 28 : The Second Gate of Insignia

312 12 1
                                        

THIRD PERSON

Tahimik na nagalalakad pabalik sa dormitory sina France at Matthias nang salubungin sila ni Madame Matilda, ang landlady ng dorm.

"Magandang tanghali, Madame Matilda. Ano po ang maitutulong namin?"

"Diba kasama mo sa kuwarto si Emily Smith?"

"Opo." Kahit nagtataka ay sumagot na lang si France.

"Pakibigay na lang sa kanya itong notebook na naiwan niya sa library. Ipinadala ito ng kapatid ko." Kapatid niya si Miss Monticillo, ang school librarian.

"Sige po."

Inabot naman ito ni France. Pagkatapos ay umalis na ito sa harapan nila. Nagtaka naman ang dalawa dahil alam nila na hindi hilig ni Emily na pumunta sa library.

"Bilisan na natin at ng makapagpahinga na tayo at maibigay mo na rin yan kay Emily." Napatango lang si France at nagpatuloy na sila.

Ilang katok na nila sa pintuan ng kuwarto ni Emily pero hindi pa rin ito lumalabas. Ang pagkakaalam nila ay kanina pa ito nakauwi dahil nga nauna ito kanina. Hindi rin nila maintindihan kung bakit bigla silang kinabahan dahil nakarinig sila bigla ng kalabog sa loob ng kwarto. Kaya kahit nagdadalawang-isip ay binuksan nila ang pinto.

Nanlaki ang mga mata nila sa nakita.

Napakagulo sa loob ng kwarto niya. At napansin nila na mga libro ang nahulog kanina na naging sanhi ng ingay.

"She's not here," pag-iimporma ni Matthias. Pinulot ni France ang isa sa mga librong nahulog sa sahig.

"Deciphering a Daten Card?" Patanong na pagbasa ni France sa pamagat ng libro.

The two of them know what a Daten Card is. Sobrang nagtaka sila kung bakit nagbabasa si Emily ng ganitong aklat kaya mas hinalughog pa nila ang silid.

"Holy crap!" nasambit ni Matthias sa sobrang pagkabigla.

Nasa harap nila ngayon ay isang malaking guhit ng mapa ng boung Feuteracria. Napakarami ding kagamitan ang nagkalat kung saan saan. Naguguluhan sila. Pero isa lang ang nasisiguro nila, may ibang bagay na ginagawa si Emily at tinatago niya ito sa kanila.

Napako ulit ang paningin nila sa mga katagang nakasulat sa isang malaking papel na nakadikit sa dingding.

"HELGA ALBORNE, I WILL SERVE THE JUSTICE YOU DESERVE."

"This is crazy!" Napasambunot na rin si France dahil sa mga nakikita niya.

"Look at this." Ipinakita ni Matthias ang nakita niyang papel. Pinag-aralan naman ito ni France.

"This is the whole fucking theory that we had discussed about few weeks ago regarding the case of Helga Alborne."

"Exactly. She connects everything and works on her own."

Inilibot ni France ang kanyang paningin na tila ba may hinahanap. Napatigil siya sa isang sulok. Nilapitan niya ang papel na nakalagay doon. Itinaas niya ito.

"A Daten Card. Siguro nakuha niya ito noong pinuntahan natin ang lokasyon na pinangyarihan ng insidente."

"At itinago niya ito sa atin."

"Maybe she has her own reason. But more importantly, the word written on it is BASEMENT."

Napatingin sila sa mapang nakadikit sa dingding ng kwarto. Itinuro ni Matthias ang isang lugar doon.

"The basement of the school."

Napatango si France. Ngayon ay unti-unting naging malinaw sa kanya ang lahat. Ang kakaibang kinikilos ni Emily. Nang maabutan niya ito sa library na kaharap ang mapa ng paaralan. At ang katotohanang nagmula sa iisang lugar silang dalawa ni Helga.Napamura siya bigla ng may mapagtanto siya.

FEUTERACRIA : School for Elemental Users Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon