Start

4.9K 104 30
                                    

Nahampas ko ang katabi kong si Jareth dahil sa kilig. Kanina ko pa siya nahahamapas pero mabuti nalang at hindi niya ako pinipigilan.

"Sorry Jareth! Ang sarap lang talaga ni Kai dito." Panghihingi ko ng paumanhin.

Kaka-release lang ng bagong music video ng pinakamamahal kong kpop group kaya ganito ako maka-react. Ilang buwan rin akong naghintay ng comeback nila.

Ibinalik ko ang paningin ko sa cellphone at pinigilan ang sarili kong mahampas ulit si Jareth.

"Isang hampas pa Akela hahampasin na rin kita." Ungot ni Jareth.

Hindi ko siya pinansin. Hindi ko narin siya hinahampas dahil nagreklamo na siya. Baka kasi totohanin niya ang sinabi niya.

Tila nahihipnotismo na ako sa galing ni Kai gumiling. Pang isang daan ko nang napanuod ang Love Shot MV at kaka-release lang nito kahapon pero hindi parin ako nagsasawa.

Hindi ako makaget-over sa giling ng asawa ko. Napakalakas. Saka may fan project ang EXOLs, dapat umabot ng 10 million views ang Love Shot MV within 24 hours kaya paulit-ulit ko itong pinapanuod sa Youtube.

Itinulak ko ang noo ni Jareth nang mapansin kong nakikinuod siya sa phone ko.

"Huwag kang makinuod. Lalaitin mo na naman ang mga asawa ko."

"Seriously, Akela. Are you sure you're not taking drugs?"

Seryosong tanong niya. Para bang buong pagkatao ko kini-kwestyon niya na. Mula pa ata sa first generation ng angkan ko, gusto niyang tanungin kung saan sila nagkamali.

"Kpop lang ang drugs ko. Teka nga dinidisturbo mo ako. Sabihan mo lang ako kung nandyan na si maam."

Alam ko naman naiintindihan ako ni Jareth sa pagiging fangirl ko. Kaya sanay na ako sa trip niyang i-judge ako.

Kinuha ko ang earphones sa bag at agad nakinig ng kpop songs.

Tuwing nanghihiram ang mga classmates ko sa phone ko, agad nilang ibinabalik dahil hindi nila maintindihan ang mga kantang nasa playlist ko.

Nagpapasalamat naman ako. Palusot lang naman nila ang makinig ng music. Minsan kasi pagbalik nila sakin, puno na ang gallery ko. Puro mukha nila. Kinukulit pa ako sa messenger para i-send ang pictures nila. Kainis.

Lunch time.

Kahit nasa canteen kami, hindi ko parin binibitawan ang phone ko. Ito lang naman kasi ang tumutulong sakin para hindi ako ma-bored sa buhay ko.

Kasalukuyan akong umiinom ng juice habang nakatingin sa phone ko. Pabalik na sana ako kung saan nakaupo si Jareth nang marinig kong nagsinghapan ang mga tao sa paligid.

Saka ko lang napansin na nakahinto na pala ako at naibuhos ko ang juice na hawak ko sa lalaking nakaupo sa gilid ko.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa hiya.

"Ang tanga naman."

Dahil sa sinabi ng babaeng nasa likod ko, napatingin ako sa lalaki. Nakapikit ito, basang basa ang ulo niya pati narin ang suot niyang upper uniform.

Pinindot ko muna ang exit ng YouTube at inilagay ang phone ko sa bulsa ng suot kong uniform.

Nagpanggap akong nagulat.

"Sorry po.."

Kumuha ako ng panyo sa backpack ko at inilapag sa harapan niya. Pero ang totoo, kinakabahan na ako dahil sa nagawa ko.

"Sorry ulit.. Punasan mo nalang."

Kinuha ko ulit ang phone ko at naglakad na. Walang reaksyon ang lalaki kaya kampante akong hindi ako makakatanggap ng suntok.

Muli kong pinanuod ang Love Shot MV. Napangiti ulit ako nang makita ko ang mukha ni Kai.

Ang sarap gumiling.. Dahil isa akong marupok na fangirl, hindi ko maiwasang mag-isip. Paano kaya kung nasa harap ko si Kai habang gumigiling?

"Woah."

Napatili ako ng mahina dahil sa naiisip ko.

Narinig ko ang malakas na bulungan sa paligid pero hindi ko na ito pinansin. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Normal lang naman na maingay ang canteen dahil napakarami ang kumakain dito lalo na ngayong lunch time.

Nawala ang ngiti sa mukha ko nang maramdaman kong may tumulo mula sa ulo ko pababa sa mukha ko.

Pinunasan ko 'yon at tinikman. Mabango kasi.

Pineapple Juice!

Lumingon ako sa likuran ko. Nakatayo sa harapan ko ang lalaking nabuhusan ko ng juice kanina. Ang sama ng tingin niya sakin. Napunta ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na plastic cup.

Muling umingay ang paligid.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti ng malapad.

"Ayos lang. Kwits na tayo."

Ipinakita ko sa kanyang ayos lang ang ginawa niya. Syempre hindi 'yon sincere. Deep inside gusto ko siyang sigawan.

Matangkad siyang tao kaya hindi ko siya kayang suntukin. Hindi ko maaabot ang mukha niya kung sakaling balakin kong bigyan siya ng suntok. Magmumukha lang akong tanga.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Tumalikod na ako at umalis. Hindi ko na hinintay na magsalita siya.

***

Sorry for the small changes. Godless. 💙

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon