Chapter 16

1.3K 43 1
                                    

"Paskel, bro. Tama na muna 'yan kanina kapa nakadikit. Practice na ulit tayo."

Mas humigpit ang yakap niya sa bewang ko. Hindi niya pinansin si Zach. Kanina pa siya tinatawanan ng mga kaibigan niya pero hindi niya 'yon pinapansin.

"Wala na, naging clingy na!" Kanchaw ni Greg sabay tawa ng malakas.

Nag high five naman silang lahat. Umiling nalang ako. Masaya sila eh.

"Papasok na muna ako. See you later." Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo. Nagtaka ako nang tumayo rin si Paskel.

"Hatid kita."

Nagsitayuan silang lahat kaya napatingin ako sa kanila isa-isa.

"Kayo rin? Kailangan niyo pang mag practice."

"Hindi, mas importante ang maihatid ka Akela." Ngumiti sa akin si Nathan.

"Nathan's right. You're our beauty, Paskel is the beast. Hindi pwedeng hindi namin kayo sasamahang dalawa." Nagtawanan na naman sila dahil sa sinabi ni Fred. Kung hindi pa sila sinamaan ng beast, hindi pa sila titino.

"Ngumingiti 'yan pag nababanggit ang pangalan mo." Tinaas taas pa ni Nathan ang dalawang kilay niya.

Tinignan ko si Paskel. Hindi siya nagsasalita, nakikinig lang siya pero halata mong gusto na niyang ngumiti. Tumabi siya sa akin at nilaro ang buhaghag kong buhok. Isa-isa kaming lumabas sa studio.

"Tsk. Hindi ko parin nakalimutang hindi si Paskel ang first kiss mo. Panira ka ng love story, Akela."

Napabaling ang paningin ko kay Greg. Bumalik ulit ang simangot sa mukha niya.

"Ulol, nagiging bakla kana." Napangiwi si Nathan.

"Tangina." Greg.

Nagtawanan na naman sila. Ang saya lang nilang tignan habang nag-aasaran. Nahiya tuloy ako dahil ako lang ang naiba ang height sa kanila. Ang tatangkad hindi ako maka-relate.

"Tara na nga. Ingay niyo na." Fred.

Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa susunod kong klase. Pinapagitnaan nila ako.

Napapatingin sa amin ang iba pero wala na akong pakialam sa sasabihin nila. Alam ko naman sa sarili kong wala akong ginagawang masama.

Hawak nii Paskel ang kamay ko kaya nakukuha ulit namin ang atensyon ng lahat habang dumadaan kami sa harapan nila.

"Bakit ang swerte niya?"

"I envy her so much."

"Sala si Klint. Dahil sa kanya nag-away ang dalawa."

"Wait! Magkagalit ba sila Paskel at Klint?"

"Una si Paskel. Sunod si Klint. Ngayon naman si Paskel ulit. Sino ba talaga?"

"Hey. The answer is Paskel. You're welcome."

Napalingon ako sa likod. Nilapitan pala ni Greg ang huling nagsalita. Nginitian ko siya nang mapatingin siya sa gawi ko, sumimangot naman siya bigla.

Speaking of Klint, matapos 'yong nangyari one week ago. Hindi ko na siya masyadong nakikita. Palagi siyang wala sa practice.

"Dito na, akin na ang bag ko." Hinablot niya kasi kanina. Ako na sana ang magdadala. Hindi naman mabigat.

Nakatingin parin samin ang lahat kaya napayuko ako. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil 'yon.

"5pm. Jollibee."

"Okay--"

"Paskel baby!"

Napaatras si Paskel at nabitawan niya ako.

"You finally came to your senses! Are you here for me?"

Parang lintang kumapit si Brela sa braso niya kaya niya ako nabitawan. Tinignan niya ako. Kumaway ako para ipakitang ayos lang.

Walang salitang hinawakan ni Paskel ang balikat ni Brela at iniharap ito kay Greg.

Tumango lang si Greg.

"Ako nalang ang baby mo, payag ka?"

Nanlaki ang mga mata ni Brela. Parang nakalimutan niya agad na nakahawak parin sa braso niya si Paskel.

Mukhang sanay na sila sa presensya ni Brela. Afterall, siya ang dahilan kung bakit wala na akong bestfriend ngayon.

Hinila siya ni Greg kung saan kaya tumahimik ulit ang paligid.

"Pasok na ako, guys." Paalam ko sa kanilang lahat.

Nakaalis na sila kaya pinigilan ko na ang sarili kong tanawin sila mula sa loob.

Naabutan ko si Jareth na nakayuko. Usually nagbabasa siya ng notes kapag ganitong naghihintay kami ng prof, pero ngayon mukhang marami siyang problema.

Inayos ko ang mga gamit ko at tumayo na pagkatapos ng klase.

4:45pm.

Napangiti ako sa wallpaper ko. Hindi ko pinalitan ang picture ni Kai. He's still my first love. Nitong mga nakaraang araw hindi ako masyadong nakakapag-update tungkol sa kanya.

Lalabas na sana ako nang may yumakap sa kaliwang binti ko.

"Jareth?"

"Please Akela, let's talk. Talk to me. Let's fix this."

Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay niya pero ayaw niya talaga. Nakakahiya pinagtatawanan na kami ng mga kaklase namin. Nakaluhod siya at mahigpit ang hawak niya sa binti ko.

Nakalabas na lahat ng classmates ko hindi parin siya tumatayo.

"Hindi ba sabi ko sayo huwag mo na akong kausapin. Bitawan mo na ako, Jareth." Inis kong saad. Sinubukan kong alisin ang mga kamay niya sa binti ko.

"Please I'm begging. Come back to me."

Napahilot ako sa sentido ko. Daig niya pa kasi ang isang ex boyfriend dahil sa mga pinagsasabi niya. Nandidiri ako sa kanya. Hindi ganito si Jareth.

"Oo na mag-uusap tayo. Pero hindi ngayon, may pupuntahan pa ako."

Hindi parin siya umaalis sa pwesto niya. Hindi tuloy ako makaalis.

"No. Let's fix this now. I miss you."

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga. Sumakit ang ulo ko sa kanya.

***

If ever may nagbabasa nito, kung nakakalito man ang events or flow ng story, or the sudden change of character personalities, edit ko lang to 'pag tapos na siya. Nahihiya kasi akong mag back read sa sarili kong story lol hahahaha

Saka hindi ko na mapanindigan pagiging funny nila. Lalo na si Paskel. Ibinalik ko siya sa pagiging seryoso. Nauubusan na ako ng jokes. Frustrated writer lang naman kasi ako eh. Hahahaha

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon