Chapter 30

976 22 3
                                    

Alas dose na ng gabi hindi parin ako makatulog. Pinagmasdan ko ang mukha ni Paskel. Napakahimbing ng tulog niya. Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya patungo sa labi niya.

Kahit anong gawin kong pagpikit hindi na ako makatulog dahil sa mga nangyari.

Tumayo ako at kinuha ang cellphone na nasa bed side table. Ilang beses kong kinunan ng stolen pictures ang lalaking nasa tabi ko ngayon.

Ang unfair, kahit nakanganga siya ang gwapo niya parin. Kaya nga nakakapagtakang nagustuhan niya ako.

Hinaplos ko ang mga mata niya. Alam kong pagod na pagod siya pero pinuntahan niya parin ako ngayon.

Pasimple kong inilapit ang labi ko sa pisngi niya at hinalikan siya doon. Hindi ko alam ang gagawin kapag gigising na siya. Hindi rin ako sigurado kung walang magbabago sa amin pagkatapos ng gabing 'to.

Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Paskel. Nasa kabila ang building nila kaya naman nagpaalam na ako.

"Una na ako." Hindi ko na hinintay kung may sasabihin ba siya. Mukhang wala naman. Paalis na sana ako ngunit tinawag niya ako.

"Chingchong.."

Napalingon ako pabalik sa kanya.

"I love you."

Nawala na siya sa paningin ko pero hindi parin nagbago ang expression ng mukha ko. Panigurado akong pumutla ang kulay ng mukha ko. Hindi ako makahinga.. sa kilig.

"Hello?!"

Napabalik ako sa huwisyo nang biglang may kamay na kumakaway sa harapan ko.

"Brela?"

Nakasimangot siya. Ilang buwan ko na bang hindi nakikita si Brela? Mukhang pumapasok pa naman siya, hindi ko lang talaga napapansin.

"Tsk. He just said I love you and you spaced out. Shame."

Inirapan niya ako bago umalis. Hindi lang sana mag cross ang landas nila ni Agatha. Parehong may saltik sa utak eh.

Pero mukhang may nagbago sa kanya. Iwan ko, parang nag-iba ang aura niya. Sinundan ko kung saan siya dumaan dahil pareho naman ang room ng first subject namin.

Pagkarating ko sa room ay wala pa si Jareth. Kinuha ko ang phone ko.

Napasinghap ako nang may mabasa akong nakakataba sa mata.

Naitakip ko ang kaliwang kamay ko sa bibig para hindi ako makagawa ng ingay. Impit akong napasigaw dahil sa nabasa ko.

"EXO IS COMING TO MANILA"

Shit. Pati ang details ng ticketing ay nakalagay rin kung kailan at saan. One month from now ticket selling na! Kailangan kong mag ipon. Kailangan kong makita si Kai. Kailangan kong mag sorry sa kanya dahil nagtaksil ako.

Natawa ako sa pinagsasabi ko sa isipan ko. Parang noon lang, kay Kai lang umiikot ang mundo ko. Pero magmula nang dumating si Paskel sa buhay ko.. siya na ang naging mundo ko.

Napapanguso ako dahil halos lahat ng social media friends ko ay may balak pumunta sa concert ng EXO.

Napasinghap ako nang may bigla akong naalala.

"Akela? Anong nangyayari sayo? You look crazy."

Nakaupo na pala si Jareth sa tabi ko. Hindi ko napansin ang pagdating niya.

"Isang buwan nalang pala graduation na nila Paskel." Mahinang saad ko.

"So?" Tanong niya.

"Wala lang."

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon