"Stop asking."
Hindi ako sinasagot ni Jareth kaya napanguso ako, "Jareth. Ano nga?"
Ayaw niya talaga akong sagutin kaya tinalikuran ko na siya. Pauwi na kami pero sinamahan niya muna ako para masiguradong safe akong makakauwi. Naghihintay nalang kami nang dadaang tricycle.
Nakasimangot ako habang nakatalikod sa best friend ko.
"Look, Akela." Pumunta siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Ano?" Walang ganang tanong ko.
Nagtatampo na talaga ako sa kanya. Kanina pa ako tanong nang tanong kung bakit parang magkagalit sila ni Paskel pero hindi niya ako pinapansin. Ngayon lang siya naging tahimik habang kasama ako kaya naiinis na ako sa kanya.
He suddenly became cold.
"You won't understand it." Pagkatapos ay binitawan niya ako.
"Paano ko maiintidihan kung hindi mo sasabihin?"
Dahil iniwas niya ang mukha niya ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinarap ang mukha niya sa akin.
"I told you not to involve yourself with Paskel." Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Pinisil niya 'yon.
"Ha? Kailan?"
Inalala ko kung may sinabi ba siyang ganun. Napatango ako nang pumasok sa isip ko ang sinabi niya last week.
Don't come near him again.
Si Paskel ang taong tinutukoy niya?
"Bakit? May mali ba sa kanya?"
"Just listen to me. It's for your own good." Binitawan niya ang kamay ko.
Tumango nalang ako. Pero hindi parin nawawala ang inis ko sa kanya. Napasimangot ulit ako.
"What's with that face this time, Akela?"
"Huwag ka nga mag English, alam mo namang mahina ako dyan."
Inirapan ko siya.
Umirap siya pabalik pero agad ding ngumiti. "Libre kita."
Nagningning ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Tara na." Niyakap ko siya bago hinila.
Kapag nagtatampo ang isa sa amin, iyan lang talaga ang magic word para magkabati ulit kami.
Habang naglalakad kami palapit sa mga nagtitinda ng street foods ay may natanaw akong pamilyar na mukha sa kabilang bahagi ng kalsada. Seryoso itong nakatingin sa akin.
Paskel?
--
Tahimik akong naglalakad sa hallway nang may humatak sa akin. Nakilala ko kaagad kung sino ito kahit nakatalikod.
"Paskel!"
Iwan ha, simula nang makilala ko 'tong si Paskel tinanggap ko ng kaladkarin lang talaga ako.
Joke lang! Hindi 'yong klase na pa-walk, okay.
Pumasok kami sa isang room at tumambad sa akin ang mga lalaking sumasayaw sa harap ng salamin. May mga salamin ang bawat sulok ng room. Kagaya ng mga nakikita ko sa dance practice ng kpop. But no, wala akong naramdamang attraction sa kanila kahit lahat sila gwapo at swabeng gumalaw.
They're just not my type. I prefer a guy like Kim Jongin.
Lumingon ang lahat sa amin.
"Bago na naman?"
![](https://img.wattpad.com/cover/170872906-288-k217476.jpg)
BINABASA MO ANG
In Love with a Fangirl (COMPLETED)
RomanceI am willing to become an idol if that means you'll fall for me, harder. -Paskel Paskel and Akela have mutual feelings for each other. It's just that, Akela is a die-hard fangirl. Paskel couldn't control himself to feel insecure about it. So he did...