Chapter 21

1.1K 26 2
                                    

Naitulak ko siya ng malakas. Nakarinig ako ng singhapan sa buong paligid.

Sinamaan ko siya ng tingin. Akmang sasapakin ko na siya ngunit napigilan niya ang kamay ko.

"Umalis ka sa harap ko bago pa kita masapak." Inis kong saad.

He smirked before he walked away. Napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa inis.

Napatangin ako sa stage. Nakita kong namimilipit doon si Paskel. Nakahawak ito sa kaliwang braso niya.

"Okay thank you for that wonderful performance. Our last year's champion! Please rest now, Mr. Azamarr. May I call on the next performers blah blah blah"

Agad akong lumapit kay Paskel nang makababa na siya sa stage. May mga medics na lumapit sa kanya.

Hinayaan ko munang gamutin siya bago ko siya nilapitan ulit. May benda na ang kaliwang braso niya.

"Paskel.."

Hindi niya ako kinibo. Nanatiling seryoso ang mukha niya at nakatingin lang sa harapan.

"Akela, umupo ka muna. Kami na ang bahala sa kanya." Inakay ako ni Greg para bumalik sa inuupuan ko. Wala akong naging choice.

Tinanaw ko ang papalayong pigura nila dahil lumabas sila ng venue. Siguro para makahinga ng maluwag si Paskel.

"What have you done, princess." Naka-smirk na saad ni Agatha.

Nadagdagan ang inis na nararamdaman ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka siya ang sunod kong masapak. Binigyan ko siya ng isang masamang tingin.

Nagulat siya pero agad ring nakabawi.

"Woah. You're braver now. Let's see."

Umalis na siya. Dumaan siya kung saan lumabas sina Paskel.

--

Tapos na ang championship. Gusto ko sanang magsaya dahil panalo ulit sila Paskel pero hindi ko magawa. Nalulungkot ako.

Kinuha ko ang unan ko. Naka print dito ang mukha ni Kai. Nakauwi na kami kanina pa kaya nagpapahinga na ako ngayon sa apartment.

"Hello, long time no see, my loves." Ngumiti ako bago hinaplos ang printed na mukha ni Kai.

Kung dati mamamatay na ako sa kilig makita ko lang ang mukha niya sa mga gamit ko, ngayon ay hindi na. Nandyan parin naman 'yong nakakabaliw na pakiramdam pero kontrolado ko na ang pagiging immature sa pagiging fangirl ko.

Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi ko at nag log in sa facebook dahil hindi ako makatulog. Bumungad sa akin ang pare-parehong shared post ng mga facebook friends ko.

'KAI and ***** reportedly have broken up'

"Ano? Hiwalay na kaagad ang dalawa?"

Mas lalo tuloy akong nalungkot. Pakiramdam ko kasi sumabay sa sitwasyon ko ang sitwasyon nina Kai at ang girlfriend niya.

Hanggang ngayon hindi parin tumatawag si Paskel. Gabi gabi naman siyang tumatawag noon. Hindi niya rin ako kinakausap habang pauwi kami. Tumabi ulit siya kay Agatha kaya naiinis ako sa ngiti ng babae.

Mabuti pa siya, masaya. Habang ako, malungkot. One point 'yon kay Agatha. Kainis.

Ganito ba talaga si Paskel? Bigla bigla nalang hindi namamansin kapag may nagawa ang tao sa kanya? Kausapin niya man lang sana ako. Paano ko ba siya susuyuin.

Kinabukasan maaga akong gumising at naghanda para pumasok. Sinadya kong agahan para mauna akong makapasok sa room. Ayaw kong pag-usapan na naman. Baka may kumalat na naman tungkol sa akin.

"Akela.." Tumingala ako dahil nakayuko ako habang nakaupo.

"Jareth." Umupo siya sa tabi ko.

"Kamusta? Any good news about the contest?"

Sinabi ko sa kanyang panalo ulit ang university namin. Pero hindi ko binanggit ang iba pang nangyari. Kilala ko ang bestfriend ko.

Naalala ko bigla ang ginawa ni Bryan. Nanggigigil talaga ako. Gusto ko siyang padalahan ng bitchy memes sa facebook messenger gamit ang poser account ko pero hindi ko alam ang account niya.

"Akela! Saang planeta ka na? Ang lalim ata ng iniisip mo." Lumingon ako kay Jareth. Kumakaway siya sa harapan ko.

"Jareth.. If the sun is in space, why is there light on earth but not on space?" Wala sa loob na tanong ko.

Naalala ko lang bigla ang tanong na 'yan sa facebook. Napaubo naman si Jareth sa itinanong ko.

"I don't know. I'll research the answer later."

"Akela!"

Bored kong tinapunan ng tingin si Brela. Kakapasok niya palang at nagmamadali itong lumapit sa akin.

"Anong ginawa mo kay Paskel?!"

Tatamad-tamad kong kinamot ang kilay ko.

"Answer me!"

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang inis niya sa akin ngayon pero wala akong pakialam sa kanya.

"Stop it, Brela!" Tumayo si Jareth at pinigilan si Brela sa paglapit sa akin.

"Huwag kang makialam dito, Jareth."

Ngunit hindi siya binitawan ni Jareth para hindi siya makalapit sa akin.

"Pwede ba, Brela. Huwag muna ngayon. Tinatamad akong sagutin ka."

"Ha! Really. You'll pay what you did!" Nag walk out na siya.

Ilang beses na ba siyang nag walk out? Kapag kasi nagwo-walk out siya automatic hindi na siya babalik upang pumasok. Dami na niyang absences.

--

Tapos na ang championship kaya hindi na sila masyadong tumatambay sa studio. Nahirapan tuloy akong hanapin si Paskel. Malungkot akong napaupo sa damuhan ng mini garden.

Nasaan ka ba, alien?

"Akela." Napatingala ako. Akala ko siya na ang hinahanap ko pero nagkamali ako.

"Klint."

Siya lang pala. Umupo siya sa tabi ko kaya umayos ako ng upo.

"Let me get this straight. Hindi mo naman sinadyang mahalikan ni Bryan, hindi ba?"

Uminit ang ulo ko nang marinig ko ang pangalan niya. Ilang beses akong tumango. Crush ko ba 'yon para magpahalik ako. Naiinis nga ako sa tao.

"Bakit ko naman siya hahayaang halikan ako." Depensa ko sa sarili ko.

"I see, so Bryan purposely did that para mawala sa concentration si Paskel. That bastard."

"Alam mo ba kung nasaan siya?"

Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko. Nanlumo ako nang umiling siya.

Gustong gusto ko na siyang makita. Napagod na ba siya kakahintay sa akin? Hindi niya naba ako nililigawan? Ayaw niya na ba sa isang katulad ko?

"Why not make it up to him. Like surprise him, Akela."

"Paano?"

Hindi ko nga siya nakikita ilang araw na, paano ko magagawa ang surprise para sa kanya.

"I have a plan." Klint.

Ngumiti ito ng nakakaloko.

***

Currently editing: October 22, 2019. Sorry wala munang updates dahil finals namin this week.

Goodluck sa mga may exams katulad ko. Aja guys! :)

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon