Special Chapter [Three]

504 12 4
                                    

"Hey, you alright?"

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay hinarap ko si Zach. "Yes, sisiw lang 'yong choreography mo." Then I laughed.

He smiled for a second. "Here, watch your clip. Baka gusto mong i-retake."

Pinanuod ko 'yong clip na ako at tatlo pang babae ang sumasayaw.

"Ayos na sakin 'to, ayos na." Nag thumbs up ako.

"Okay. If you say so. I'll upload this on my YouTube channel later."

Zach invited me to his dance class today. Total wala naman akong ibang magawa, pumayag ako.

"Are we done? Sorry, I have to go home." Paalam ko.

Hindi naman sa kailangan ko na talagang umuwi, pagkatapos ko kasing sumayaw, bumalik ulit ang bigat na nararamdaman ko.

"Hatid na kita." Zach offered.

Umiling ako. "No need, really. Bye!"

Lumabas na kaagad ako ng studio bago pa siya makapag react. Akala ko kasi kapag may ginagawa ako, magiging ayos na ako. Hindi rin pala.

Umuwi ako at muling nagkulong sa kwarto ko.

I was planning not to find a job until he's finally done with his contract. Pero bakit parang maghanap nalang dapat ako? Kasi sa mga nangyayari ngayon, pakiramdam ko maiiwan na naman ulit ako mag-isa.

Bago pa tumulo ang mga luha ko ay pinuntahan ko ang Facebook account niya. Wala siyang bagong post. Pero may isang article ang kumuha sa atensyon ko, naka tag sa kanya.

Habang binabasa ko 'yon ay unti-unting lumabas lahat ng sama ng loob na pinipigilan kong ilabas.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit huminga.

Tumingin ako sa kisame para hindi ako tuluyang maiyak. Dahil sa galit ko ay ni-block ko sa lahat ng social media accounts ko si Paskel. Fuck him.

Marahas akong humiga, hawak ko parin ang phone ko. Minutes have passed, I already want to unblock him. Hoping he'd message me and explain.

Pero wala. Ilang araw niya na akong hindi kinokontak hanggang ngayon. Parang bumalik ako sa dati na walang assurance kung makakasama ko ba siya ulit. Kung makakausap ko ba siya ulit? Kung magkakabalikan pa ba kami?

Tangina.

Tumunog ang cellphone ko kaya napabangon ako. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko dahil may tumatawag.

Josh is calling. He's requesting for a video call.

Josh.. He's a co-member of Paskel. And I think I already have an idea why he's calling.

Nagdadalawang isip akong sagutin. Pero 'yong kamay ko nauna nang pindutin 'yong answer button. Nahampas ko ang noo ko.

Why is this always happening to me? I'm starting to think I don't own my body anymore.

"Akela.. Paskel forced me to call you. Sorry, am I disturbing you?"

Josh is really a handsome man. I admit that. But this is not the right time for simping. I know Paskel is sitting beside him.

Umuling ako. I wanted to drop the call but this time, my body didn't move on its own.

"T-tell him I don't wanna talk for awhile." Nauutal kong saad.

Baka kasi ma-offend ko siya dahil inutusan ko.

"Are you sure-- Gago, Paskel. Is that your phone? The fuck. Return that later."

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon