Chapter 22

1.1K 28 5
                                    

Kinakabahan ako. Tatlong araw rin kaming nag practice pero hindi ko parin maiwasang kabahan.

Paano kung magkamali ako sa harap niya? Paano kung laitin niya ako kapag sasayaw na ako. Hindi naman kasi ako magaling sumayaw pero eto ako ngayon, sasayaw sa harap ng maraming tao makuha ko lang ulit ang loob niya.

Sa loob ng tatlong araw, hindi ko nakakausap si Paskel. Hindi ko rin siya nakita kahit isang beses lang.

"Akela. Ready?" Nakangiting tanong ni Klint.

Tumango ako ng ilang beses. Tiniis kong hindi siya makausap ng ilang araw. Si Klint na raw ang bahala para masiguro naming pupunta si Paskel sa university gym. Lahat ng ito ay plano ni Klint.

Nakapwesto na kami sa loob ng gym. Hinihintay nalang namin ang pagdating ni Paskel. Maraming estudyante ang nakikiusyoso kaya mas lalo akong kinabahan.

"Hindi ba natin sila pwedeng paalisin?" Alam kong ang harsh ko pakinggan pero dahil lang 'to sa kaba.

"Hindi pwede, Akela. Kailangan natin ng audience impact para bumigay na si Paskel." Natatawang saad ni George.

Pinahid ko nalang ang pawis na tumulo sa kaliwang pisngi ko. Napansin kong nakatayo sa harapan ko si Jareth at may bitbit na camera.

"Jareth! Sabing huwag mo ng i-video eh, nakakahiya." Reklamo ko.

Nakatutok ang camera sa amin. Upload daw niya mamaya baka sakaling mag viral.

"No, Akela. I need to record everything."

Ngumisi siya pagkatapos. Huwag lang niyang gawing pang blackmail ang mukha ko kapag mag-aaway kami.

Napasimangot ako. Paano kapag ang pangit ko pala sa video? Hindi pa naman ako photo at videogenic. Edi napahiya lang ako sa viewers mung meron man sakali. Lalo na at hindi ako magaling sumayaw.

"Trust yourself, Akela. Hindi mo naman siguro gustong habang buhay kang hindi papansinin ni Paskel." Fred.

Tama siya. Kaya ko 'to, basic lang naman 'tong gagawin namin. Basic na basic!

"Umayos na kayo nandito na ang bakla!"

Natawa ako sa sinabi ni George at the same time kinabahan. Ito naaaa!

Huminga ako ng malalim. Nanginginig ang tuhod ko sa kaba pero hindi ako magba-back out sa gagawin ko.

Nagsimulang tumugtog ang kantang pinili ko.

~I wanna try something, all night
I wanna try something, all night~

Nagsimula na akong mag body wave nang makita ko ang pagpasok niya. Tinodo ko ang pagsayaw habang nakatingin sa sahig.

"You need to look into his eyes. Huwag kang yumuko kapag sasayaw kana. Show all of your emotions. Understand, Akela?"

Naalala kong ang sinabi ni Klint kaya agad akong nag chin up at sinalubong ang tingin ni Paskel.

Kunot na kunot ang noo niya nang makita niya ako. Nahawi ang mga tao dahil dumaan siya sa gitna.

Sana gumana 'tong ginagawa ko sa kanya. Hindi biro ang sumayaw sa harap ng maraming tao. Sinunod ko lang ang lahat ng sinabi ni Klint kahit alam kong hindi ko kaya. Pero kailangan kong gawin para sa amin ni Paskel.

~Don't know your name, but I guess I really don't care
I probably should wait, but I wanna let you go there
I wanna try something new, all night
I wanna try something new, all night
I wanna try something~

Pumwesto na sa likuran ko sina Klint, Greg, Nathan, George, Zach at Fred. Zigzag ang formation namin, ako ang nasa gitna at harap.

Pakiramdam ko namumula na agad ako kahit nagsisimula pa lang kami. Idagdag pa ang sigawan ng lahat ng nakapalibot sa amin.

Agad kaming nagsimula. Sinayaw ko ang mga itinurong steps sa akin nina Klint. Sinasabayan ko pa ito ng kaunting body wave. Pagkatapos ay balik sa matigas na steps ulit.

Hindi ako marunong sumayaw ng hip-hop pero sinubukan ko parin.

~By the way you looking tonight
Only one thing comes to my mind
When the lights come on at 2
I'll still be moving with you
Boy you're looking at nobody
Just my body~

Paniguradong namumula na ako dahil sa huling lyrics. Saktong sakto ito sa eksena ngayon. Tanging sa katawan ko lang nakatingin si Paskel. Nakasuot pa naman ako ng high waist jeans at sleeveles top.

Namula ako nang magtama ulit ang paningin namin. Kahit may benda ang kaliwang kamay niya, hindi parin nabawasan ang kagwapuhan niya.

~Don't know your name, but I guess I really don't care
I probably should wait, but I wanna let you go there
I wanna try something new, all night
I wanna try something new, all night
I wanna try something new~

Gusto ko ng tumigil. Wala parin siyang reaksyon. Ni hindi ko mahagilap ang ngiti niya.

Pero naalala ko ang sinabi ng mga kaibigan niya. Ganito talaga siya magtampo. Hindi mo agad makukuha ang loob niya kaya huwag kang susuko nalang basta.

Namamawis na ako pero nagpatuloy parin kami sa pagsayaw.

Hanggang sa malapit ng matapos ang tugtog. Dahan dahan akong lumapit sa pwesto niya habang nakahawak sa buhok ko at gumiling-giling ng mabagal.

Sana hindi ako mukhang isda na naputulan ng buntot dahil sa ginagawa ko.

~Ah-ah-ah
Ah-ah-ah, wanna try babe
Ah-ah-ah, all night
Ah-ah-ah, all night babe~

Tumigil ako sa pagsayaw nang magkaharap kami. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ito. Then I mouthed 'sorry', twice.

Tumahimik ang lahat. Mukhang naghihintay rin sa sasabihin niya.

Ilang segundo na ang lumipas hindi parin siya kumikibo. Nakatingin lang siya sa mukha ko. Napayuko dahil sa dismaya at nerbyos.

Mukhang kailangan kong sumubok ng iba pang technique. Mukhang hindi umubra sa kanya ang pagsayaw ko sa harap ng maraming tao.

"Aaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!"

Nagwala ang mga tao sa paligid
nang hawakan niya ang ulo ko at hinalikan akl sa noo.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, chingchong?"

***

Song used: Something New by Zendaya feat. Chris Brown

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon