Chapter 25

1K 23 5
                                    

I wish I had the courage to say I like you. -B

Hawak ko ang isang bouquet ng bulaklak habang naglalakad sa hallway. Ibang araw na ngayon at nakatanggap ulit ako ng bulaklak na may kasamang cheesy lines.

Paulit-ulit kong binasa ang nakasulat sa sticky note habang nakangiwi. Hindi kasi ako sanay sa mga ganitong bagay. May kutob din akong baka nag assume lang ang naglalagay ng bulaklak sa locker ko na ako ang ina-admire niya. Posible naman kasi 'yon.

Hindi ko na rin napansin ang paligid ko dahil busy ang utak ko kakaisip kung sino ang nagbibigay ng bulaklak.

Paano niya nabubuksan ang locker ko?

Malayo pa lang ay natanaw ko na ang seryosong mukha ni Paskel. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kakaibang tingin'g binibigay ng mga babaeng nadadaanan niya.

Hindi niya ako napansin kaya dali-dali akong nagtago sa likod ng poste sa harap ko. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko.

Napansin ko ang isang basurahan sa harap. Agad kong initsa doon ang hawak kong bulaklak kasama na ang sticky note. Bigla akong kinabahan ng husto nang makita ko si Paskel. Hindi ko alam ang isasagot ko kapag nagtanong siya tungkol sa bulaklak.

Sisilip na sana ako kung nakadaan na ba siya pero muntik na akong mapatili nang tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Paskel sa gilid ko kung saan sana ako sisilip.

"A-anong g-inagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang nauutal.

"Anong ginagawa mo?" Pang-uulit niya sa tanong ko.

"W-wala.."

Tinignan niya muna ako ng ilang segundo bago ako hinawakan sa kamay at hinila. Napasulyap ako sa bulaklak na nasa basurahan.

Buti nalang at hindi niya nakita.

Napangiti ako nang dalhin niya ako sa mini garden. Hindi kami dito unang nagkita, pero special ang lugar na 'to para sa akin.

Hapon na kaya hindi na masyadong mainit. Umupo ako sa damuhan nang umupo siya.

Napapiksi ako nang walang sabi-sabing humiga siya sa hita ko at pumikit. Pansin ko ang pagod sa mukha niya kaya hinayaan ko nalang siya.

Gustong gusto kong haplusin ang mukha niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayaw ko siyang umalis sa hita ko. Gusto ko pa siyang tignan ng matagal.

Habang nakatingin sa mukha niya ay naalala ko kung paano kami unang nagkakilala.

Naalala ko pa kung paano ko siya nabuhusan ng juice sa ulo. Hindi ko siya napansin dahil kaka-release lang ng music video ng EXO noon at sabik na sabik na ako sa comback nila. In return, binuhusan niya rin ako ng juice sa ulo.

Napangiti ako. Ang epic pala ng first moment namin. Parang 'yong mga typical na scenes lang sa libro o pelikula.

Saka ibang iba si Paskel noon. Kung dati maingay siya, ngayon naman para akong nakikipag-usap sa mannequin. Naging tahimik siya, marahil ito ang totoong ugali niya.

Marami na ang nagbago. Kasama na doon ang nararamdaman ko para sa kanya..

Natatakot ako na baka sa huli, hulog na hulog na ako saka ko lang malalamang hindi niya pala talaga ako gusto.

Napangiwi ako dahil sa hiya nang mapagtanto kong kanina pa pala siya nakamulat at tinitignan rin ang kabuuan ng mukha ko.

"Ahh.. May dumi ka kasi sa mukha." Pagsisinungaling ko.

"Hmm." Hindi siya nagsalita, hindi rin naalis ang pagkakatitig niya sa akin.

Kaya naman napaiwas ako ng tingin. Hindi parin kaya ng sistema ko ang mga titig niya.

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon