Akala ko nang halikan niya ako sa noo ay ibig sabihin bati na kami. Pero bakit hindi niya parin ako pinapansin?
"Alien.."
Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero iniwas niya agad 'yon.
"Umalis ka muna, Akela." Walang emosyong saad niya.
Napabuntong hininga ako. Mukhang galit pa nga siya. Kanina niya pa ako hindi magawang tignan. Palagi niyang iniiwas ang mukha niya sa tuwing sinisilip ko siya. Ang lamig lamig ng trato niya sa akin.
Wala akong choice kaya naglakad na ako paalis sa studio. Dito kami pumunta pagkatapos ng nangyari kanina sa gym. Akala ko nga ayos na kami pero hindi parin pala. Bakit ang lupit niyang magtampo.
Hindi pa ako tuluyang nakakaalis nang marinig kong sumigaw bigla si Paskel.
"Ahhhhhhhh!!!"
Patakbo akong bumalik sa loob ng studio at pinuntahan kung saan siya nakatayo.
"Paskel? Anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong ko.
Naabutan ko siyang sinusuntok ang pader ng paulit-ulit.
"Paskel alien, teka tama na 'yan!"
Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamao niyang akmang susuntukin ulit ang pader. Dumudugo na 'yon. Napangiwi ako dahil pakiramdam ko nasasaktan rin ako sa ginagawa niya.
"Anong ginagawa mo?! Paskel naman!" Sigaw ko, natataranta.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at itinakip sa dumudugong kamay niya. Hindi ko na sinabing may sipon 'yon. Isang beses ko lang naman ipinahid ang sipon ko sa panyo. Sana hindi magka-infection ang kamay niya. Wala na kasi akong dalang extra.
Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla. Sa sobrang higpit, gusto ko siyang itulak palayo sa akin dahil nahihirapan na akong huminga.
May benda ang kamay niya pero nagawa niya parin akong yapusin ng ganito kahigpit.
Naramdaman kong yumugyog ang balikat niya. Mas lalo akong nag-aalala. Kahit nahihirapan, niyakap ko siya pabalik dahil sa pag-aalala. Sinigurado kong hindi masasagi ang kamay niyang may benda.
Dibaleng maubusan ako ng hininga maging maayos lang siya.
"Umiiyak ka ba, alien? Bakit ka umiiyak jusko tahan na."
Tangina. Napapamura na ako dahil sa kaba. Anong problema niya?
"May problema ka ba, Paskel? Sabihin mo sa akin."
Susubukan kong magbigay ng advice kahit wala akong alam sa bagay na 'yon. Naiiyak na ako dahil sa inaakto niya. Kung hindi pa siya nagsalita, tuluyan na akong maiiyak.
"Masaya lang ako."
Huh?
Nagbago ang tono ng boses niya. Naging malumanay 'yon at may halong saya.
"Masaya ako, Akela. Sobrang masaya."
Mas lalong humigpit ang yakap niya.
"Sa sobrang saya, hindi ko na magawang itago."
Bumitaw siya sa pagkakayakap. Kung kanina daig niya pa ang north pole sa lamig ng mga titig niya, ngayon naman ramdam ko ang init niyon na para bang nasa ekwador ako.
Ang bilis niyang magpalit ng facial expression.
Wala akong makitang luha sa pisngi niya. Ibig sabihin hindi siya umiiyak?
Ngumiti siya. Bagay na nagpapalambot ng tuhod ko. Bakit nakakatunaw ang ngiti niya?
"Kinikilig ako."
BINABASA MO ANG
In Love with a Fangirl (COMPLETED)
RomanceI am willing to become an idol if that means you'll fall for me, harder. -Paskel Paskel and Akela have mutual feelings for each other. It's just that, Akela is a die-hard fangirl. Paskel couldn't control himself to feel insecure about it. So he did...