Tapos ko ng gawin lahat ng dapat kong gagawin kaya nahiga na ako sa kama at nag open ng facebook account. May bagong friend requests kaya tinignan ko kung sinu-sino. Isang pamilyar na pangalan ang kumuha ng atensyon ko.
Paskel Dax Azamarr
Naitakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko. First name palang kilala ko na kaagad kung sino. Ito ang full name niya? Ang weird naman.
Dax? Bakit iba ata ang naiisip ko? Bakit parang daks? Char. Pinilig ko ang ulo ko. Umaandar na naman ang pagiging green-minded ko.
Huwag ka ngang green-minded, Akela!
Kinurot ko ang sarili ko bago pinuntahan ang timeline niya. Wala siyang profile picture, wala ring background photo. Wala rin siyang friends. Kakagawa lang ata nitong account niya eh.
I tapped the accept button bago ko naisipan na i-chat siya.
Akela Jacklyn: Wassup!
Paskel Dax: ......
Seen.
Akela Jacklyn: Yo. Mr. Alien.
Paskel Dax: ......
Seen.
Ilang minuto rin akong naghintay sa reply niya pero puro lang siya seen. Ang kapal ng mukha.
Napansin kong naglagay na siya ng profile picture kaya ni-stalk ko ulit ang timeline niya. Nabigla ako dahil may 100 likes na kaagad ang profile picture niya kahit kaka-update lang nito 2 minutes ago..
Wow. Famous.
Nakita ko ring may friends na siya. Pero kaunti palang, sila Fred at George palang ata ang friends niya kaya naisipan kong padalhan sila lahat ng friend request.
Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang display picture ni Paskel. Walang kangiti-ngiti ang napili niya, naka poker face lang. Pero bakit ganun marami na agad ang likes? It's not fair.
Napailing nalang ako.
Binalik ko nalang ang atensyon ko sa news feed ng facebook account ko. Ni-scroll ko ito pababa. Napatawa ako dahil may nabasa akong nakakatawang meme. Pinindot ko ang share button at nilagyan ng caption: hahahaha laptrep no to hoe
Tumunog ang notification sound kaya ni-check ko ang notifs ko.
Paskel Dax Azamarr commented on your post..
Paskel Dax: Ano to?
Sunod sunod na tumunog ang notification ko kaya binasa ko kaagad ito.
Aslea and 15 others liked Paskel Dax's comment on a photo you shared.
Ha?
Nahihiwagaan na ako sa mga nangyayari kaya pinatay ko nalang ang data ng cellphone ko. Alas nuwebe na ng gabi kaya dapat na akong matulog. Maaga pa ang first class ko bukas.
Nginitian ko muna ang maraming poster ni Kai sa kwarto ko at nag flying kiss bago pumikit para tuluyan ng matulog.
--
Kinabukasan habang naglalakad ako sa hallway ay ramdam ko ang tingin ng lahat sa akin. Lalong lalo na ang mga kababaihan.
"Siya? Wala bang taste si Paskel?"
Hindi ko nalang pinansin ang bulungan nila.
Naiiritang mukha ni Brela ang bumungad sa akin pagkarating ko sa classroom ng first subject ko. Hindi agad ako nakapasok dahil humarang siya sa pinto.
"Bitch." Malutong na saad niya.
Napataas ang kilay ko.
"Okay?" Takang sang-ayon ko.
Dadaan na sana ako pero tinulak niya ako pabalik. Muntikan pa akong matumba.
"Bitch! Anong nagustuhan niya sayo?! You seduced him!" Pansin kong naiiyak na siya habang nagsasalita.
"Teka nga, Brela. Ano bang problema mo."
Kinalma ko ang sarili ko. Nangangati na ang kamay kong sapakin siya.
"Bitch! Hindi ka maganda tandaan mo 'yan!"
Tinulak niya ako ng malakas bago tumakbo palayo. Napahawak ako sa braso kong bumangga sa pinto. Ano bang problema niya? Nakatingin lahat sakin ang mga kaklase ko kaya nilakihan ko sila ng mata.
"Ano?" Tanong ko sa kanilang lahat.
"Pabayaan mo na si Brela, Akela. Alam mo naman 'yon." Natatawang saad ng class president namin, si Mika.
Siya lang ata ang nakatingin sa akin ng hindi nakapagtataka ang expression ng mukha. Hindi niya ako binibigyan ng kakaibang tingin. Tumango nalang ako sa sinabi niya.
Padabog akong umupo sa designated chair ko. Umagang umaga nawala na ang mood ko. Bwesit na Brela 'yon, parang tanga.
"Akela."
Nilingon ko si Jareth. Hindi ko siya nakita kanina pag-upo ko o baka hindi ko lang talaga siya napansin dahil sa inis.
"Ayos kana?" Naalala kong may lagnat pala siya kahapon.
Hihipuin ko na sana ang noo niya para malaman kung mainit pa ba siya pero pinigilan niya ang kamay ko.
"Hindi ka nakinig sakin."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Tinampal ko ng malakas ang kamay niya.
"Jareth. Nasasaktan na ako." Napakahigpit ng hawak niya.
Mukhang natauhan siya sa ginawa niya. Binitawan niya ang kamay ko. Namumula na ito.
Buong durasyon ng ay klase hindi niya ako kinakausap. Nakakapanibago. Ang tahimik niya ngayon. Ni hindi siya lumilingon sa gawi ko kahit magkatabi lang kami.
Tapos na ang first subject. Nagmamadaling inayos ni Jareth ang mga gamit niya at hindi man lang siya tumingin sa akin. Hindi ako nag react. Nakatingin lang ako sa kanya. Kahit naglakad na siya palabas ay hindi parin ako nag react.
Napabuntong hininga ako nang mawala na siya sa paningin ko.
Walang ganang niligpit ko ang mga gamit ko bago tumayo.
Pansin kong may iba akong mga kaklaseng babae na napapatingin sa direction ko. Hindi ko nalang pinansin. Baka manghiram na naman ng cellphone at mag selfie. Magkakaroon na naman ako ng obligasyon na i-send sa messenger ang pictures nila.
Dumeretso ako sa Mini Garden. Naupo ako at nilabas ang cellphone ko.
As usual, ni-check ko ulit kung may updates ba ng EXO. Wala naman masyado. Puro pictures lang nila tungkol sa naganap na concert nila kagabi sa Seoul, South Korea.
Ngayon lang ako nawalan ng gana kahit pa nakatutok ako sa nakangiting mukha ni Kai. Wala ako sa mood ngumiti.
Pumunta ako sa gallery at nakita ko doon ang selfies namin ni Jareth. Ang saya namin dito. Ilang araw na ata kaming hindi gumagala ng magkasama.
Binitawan ko ang phone ko. Sinubukan kong isipin kung may nagawa ba ako para maging distant ang best friend ko sa akin.
Hindi naman kasi ako tanga. Ramdam kong iniiwasan niya ako.
Pero kahit anong gawin kong pag-iisip, hindi ko maalala na may bagay kaming pinag-awayan para hindi niya ako pansinin ng ganito.
***
BINABASA MO ANG
In Love with a Fangirl (COMPLETED)
RomanceI am willing to become an idol if that means you'll fall for me, harder. -Paskel Paskel and Akela have mutual feelings for each other. It's just that, Akela is a die-hard fangirl. Paskel couldn't control himself to feel insecure about it. So he did...