Kanina pa ako nakatingin sa pictures na ni-post ko kagabi sa facebook account ko. Ni-zoom in ko ang nakangiting mukha ni Paskel. Nasa tabi niya ako pero tinakpan ko ng emoji ang mukha ko. Ang pangit ko dito.
Mayroon ring pictures na kasama namin ang mga kaibigan niya pati na ang staffs/crews ng Jollibee.
5k likes, 2k shares and 500 comments na ang status ko dahil naka tag si Paskel. Ganito nga siguro siya kasikat sa mga babae. Some are congratulating us but some are bashing me. Nangunguna doon si Brela. Tinadtad niya pa ako ng chat. Ni-block ko nalang ang account niya dahil tunog ng tunog ang notification sound ko.
Oo na, hindi na ako maganda.
Tinawagan rin ako ni mama nang makita niya ang post ko. Ayos lang naman sa kanya na nagpapaligaw ako pero dapat nasa pag-aaral parin daw ang focus ko.
"123.. 123.. 123.. Dab and jump to the right! Ha!"
Napabalik ang tingin ko kay Paskel na sumisigaw. Huling araw na ngayon ng practice nila dahil babyahe na sila papuntang Manila sa susunod na araw. Doon kasi gaganapin ang International Championship, at sila ang representative ng school namin.
Paniguradong hindi ako makakasama kaya present ako palagi sa practice nila. Doon nalang ako babawi.
Nag ring bigla ang cellphone ko.
Mama calling..
Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello ma?"
"Nasaan ka ngayon?" tanong niya sa kabilang linya.
"Nanunuod ng practice nila Paskel. Bakit ma?"
"Gusto mo bang sumama kay Paskel, nak?"
"Hindi, ma. Dalawang araw lang naman sila doon." Narinig kong napabuntong hininga siya.
"You can go, nak. Basta mag-iingat ka lang."
"Hindi na, ma. Uuwi nalang ako dyan."
Sa huli, nasabi ko nalang na sasama ako dahil parang pinipilit ako ni mama na sumama. Pakiramdam ko tuloy binubugaw ako ng sarili kong ina.
Pinatay ko na ang tawag. Humahangos na lumapit sa akin si Paskel. Napalunok tuloy ako ng laway dahil nakahubad siya at walang pang-itaas. Nakadagdag sa hotness niya ang tumutulong pawis sa katawan niya.
Napisil ko ang ilong ko. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito sa kanya.
"Sino 'yon?" Tanong niya.
"Si mama."
Tumango lang siya.
"By the way, sabi niya pwede na daw akong sumama." Nakangiti kong saad.
Hindi niya ako sinagot, basta niya nalang akong niyakap ng mahigpit. Mukhang nakasanayan niya ng yakapin ako.
"Paskel bumitaw ka nga. Ang lagkit mo."
Kumuha ako ng towel sa bag ko at inihampas sa dibdib niya. Napalunok pa ako pagkatapos.
"May mas malagkit pa dyan, Akela! Iyong colorless! Amoy zonrox ." Sigaw ni Fred na nagpupunas din ng pawis niya.
Tumawa silang lahat. Napatakip tuloy ako sa mukha ko dahil sa hiya.
"Pwede ba guys!" reklamo ko.
"Namumula ka. At paano mo na-gets 'yon, Akela?" namamanghang tanong ni Nathan.
Takang taka ang mukha ni Paskel habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin.
"Anong pinag-uusapan niyo?"
BINABASA MO ANG
In Love with a Fangirl (COMPLETED)
RomanceI am willing to become an idol if that means you'll fall for me, harder. -Paskel Paskel and Akela have mutual feelings for each other. It's just that, Akela is a die-hard fangirl. Paskel couldn't control himself to feel insecure about it. So he did...