Chapter 15

1.3K 45 0
                                    

Kinabahan ako nang mapansin ko ang bulungan sa paligid. Alam kong sinabi kong wala na akong pakialam sa kanila pero hindi ko mapigilang kabahan.

May kumalat na naman ba tungkol sa akin?

Papasok na sana ako sa classroom nang may humablot sa akin.

"Jareth?"

Hindi siya sumagot. Dinala niya ako sa tahimik na lugar.

Huminto na kami at humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Jareth? Ano na naman 'to?" Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Namula agad 'yon.

"Anong ginagawa mo sa buhay mo, Akela?"

Nainis ako sa klase ng boses niya. Para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko.

"Ano?" Nasasaktang tanong ko.

Napahilamos siya sa mukha niya.

"Akela you became worst! May balak ka bang lumandi nalang at hindi tatapusin ang pag-aaral mo?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Biglang tumaas ang presyon ng dugo ko.

"Ano? Hinila mo lang ba ako para dito, Jareth? Sa pagkaka-alala ko, ikaw ang mas malandi sa atin. Nagawa mo pa nga akong ipahiya sa lahat."

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Nag-aalala lang ako para sayo."

"Para saan? Hindi na kailangan. Hindi na tayo magkaibigan." Inis kong saad.

He hardly sighed.

"Fine. Whatever. Just watch this."

May kinuha siya sa bulsa niya. It was his phone. Kinalikot niya ito bago itinapat sa mukha ko. Kahit naiinis ako ay tinignan ko parin kung ano ang meron sa cellphone niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang meron sa pinapanuod kong video. Nasapo ko ang noo ko. Nang makabawi ako ay inagaw ko ang cellphone sa kamay niya at binasa ang comments.

Bigla kong naalala kung ano ang ginawa ko kagabi.

"I like you, Paskel.."

Fuck. Double dead!

Ibinalik ko ang phone kay Jareth. Napapikit ako dahil sa inis. Sino na naman ang walanghiyang kumuha ng video na 'yon kagabi? Masyado siyang ma-effort! Sa dami ng tao nagawa niya pang kuhanan ng video ang nangyari.

Inagaw ko ulit ang cellphone sa kamay ni Jareth at tinignan kung sino ang nag post.

"Brela?!" Galit akong napatingin kay Jareth.

"I swear I wasn't part of this. Hindi ako ang kumuha niyan." Depensa niya.

Si Brela ang babaeng gusto niya kaya naman tuwing naiisip ko 'yon, tumataas ang level ng dugo ko.

"Huwag mo na akong kausapin kahit kailan." Galit kong saad. Sinamaan ko siya ng tingin.

Tinulak ko siya bago ako tumakbo palayo. Kailangan kong makausap si Klint. Hindi ako makapaniwalang hinalikan ko siya kagabi. Nakakahiya! Isa lang ang alam kong lugar na agad ko siyang makikita.

Huminto ako sa tapat ng studio. Nagdadalawang isip man ay binuksan ko ang pinto.

Bumungad sa akin ang galit na galit na si Paskel habang sinasakal niya si Klint. Samantalang ang iba ay nakahawak sa dalawa. Napalingon silang lahat sa akin.

"Akela? Umalis ka muna." 

Lumapit sa akin si Greg. Mahinahon ang boses niya pero nakikita ko ang inis sa mukha niya.

"Kailangan kong makausap si Klint, Greg. Please."

Nagulat ako nang itulak ni Paskel si Klint ng malakas. Napansin ko ring dumudugo ang gilid ng labi ng huli.

"Umalis ka Klint." Galit na saad ni Paskel.

"Akela! What about Paskel?" Napalingon ako kay Nathan, nalilito sa sinabi niya.

"Nathan!" Nagulat ako nang sumigaw si Paskel.

Kailangan ko lang makausap si Klint at pagkatapos nun, aayusin ko ang lahat sa amin ni Paskel.

--

"Sorry. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko 'yon. Sorry talaga."

Nakayuko lang ako habang nasa harapan ko si Klint. Nahihiya akong tumingin sa kanya. Sino ba naman ang hindi mahihiya. Hinalikan ko siya kahit hindi kami mag jowa.

At iyon ang first kiss ko.

Kaming dalawa lang ang naiwan sa studio dahil lumabas silang lahat, pati na si Paskel. Masama ang tingin niya sa akin bago siya lumbas.

"It's okay. Our one week love story is already enough for me. But if he ever dump you and left you behind, I'll just be here."

"Ha?" Hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"You like him. You like Paskel, Akela." Seryosong saad ni Klint.

"Hindi. Nagkakamali ka." Sagot ko kaagad.

Hindi ko siya gusto! Hindi..

"You kissed me because you thought I was Paskel. You even said that you like him. Next time please be careful. Paano nalang kung hindi ako ang kasama mo? Nobody can't resist you, Akela."

Namula ako sa huling sinabi niya. 

"Isa pa hindi mo pinansin ang sinabi ko."

Nakita niya ata ang kalituhan sa mukha ko kaya ngumiti siya.

"See? Tell him about your feelings before it's too late."

Napalingon ako sa ibang direksyon. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Hindi parin ako sigurado sa nararamdaman ko. Please huwag mo munang sabihin sa kanya."

"Why not?"

Pinagkiskis ko ang dalawang kamay ko.

"Hindi ako naniniwalang gusto niya ako kahit pa 'yon ang sinabi niya."

I'm childish, hindi rin ako maganda. Paano niya ako nagustuhan?

"Isa pa, lasing ako kagabi. Hindi sincere ang mga sinabi ko."

"Nakinig ka ba sa mga sinabi ko? And a person is more sincere when they're in a drunk state." Umiling siya bago ngumiti.

"Why don't you find it yourself? Alamin mo kung bakit ka niya gusto. Bago pa magbago ang isip ko. Aagawin kita sa kanya."

Natuod ako nang buksan ni Klint ang pinto. Nakatayo si Paskel sa labas habang seryosong nakatingin sa akin.

Narinig niya ba ang pinag-usapan namin? Nakagat ko ang labi ko sa kaba.

Napansin kong nakatayo sa likuran niya ang iba. Nakangiti silang lahat habang nakatingin sa akin, maliban kay Greg na nakasimangot.

"It doesn't change the fact na hindi si Paskel ang first kiss mo." Sabi niya pa.

Ramdam ko ang pamumula ko dahil pinaalala niya na naman ang kahihiyang nagawa ko.

Lumabas na si Klint. Nginitian niya ako bago niya hinila si Greg. Sumunod narin ang iba sa kanya.

Ngayon, kaming dalawa nalang ang natira. Tumalikod ako nang isara ni Paskel ang pinto. Pakiramdam ko may gagawin siyang masama sa akin.  Kinabahan ako bigla.

Tama! Idadahilan ko nalang na may klase pa ako upang makaalis na ako kaagad.

"May klase pa pala ako. See you later Paskel--"

Hindi ko na natuloy ang balak kong tumakbo palabas.

Napapikit ako. Biglang nawala ang kabang nararamdaman ko at napalitan 'yon ng kaligayahan.

Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa bewang ko.

"Paskel.."

***





In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon