Chapter 24

1.1K 24 4
                                    

"Ganun ba?"

Bumaba ang nakataas kong balikat dahil sa dismaya. Nakita ko si Zach na naglalakad at tinanong ko kung magkasama ba sila ni Paskel. Nag assume ako na makikita ko na siya ngayon, pero hindi parin pala.

"Gusto mo puntahan natin?" ani Zach.

Umiling ako ng ilang beses.

"Nako, huwag na. Baka makaabala lang ako sa kanya."

Abala parin si Paskel bilang choreographer. Ayaw ko namang isingit ang sarili ko sa mga ginagawa niya. Mas importante 'yon kaysa sa akin.

Ayaw ko siyang pigilan, mas nauna kasi ang sayaw kaysa sa akin eh. Sino ba naman ako. Hindi pa nga ako sigurado kung sino ba ako para sa kanya.

Kaya ayaw kong maging demanding.

"Sigurado ka?"

Ngumiti ako ng napakalaki para ipakita kay Zachary na ayos lang talaga.

"Oo."

Matagal siyang napatitig sa akin bago kumurap-kurap.

"S-sige. Mauna na ako."

Pagkaalis niya ay agad nawala ang ngiti ko. Parang nawalan ako ng gana sa lahat. Akala ko kasi makikita ko na siya ngayon. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita.

Napabuntong hininga ako. Tamad akong naglakad patungo sa susunod kong klase.

"Napano ka?"

Hindi ko pinansin si Jareth. Agad akong umupo sa tabi niya at nagpanggap na matutulog.

Hindi naman ako inaantok at dahil pagod na akong pumikit, kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag log in sa facebook. Kung saan saan lang naman umaabot ang thoughts ko.

Agad bumuka ang mga butas sa ilong ko dahil sa unang laman ng news feed ko.

With Kuya Crushie *red heart emoticon*

Naka-tag si Paskel sa isang post. May kasama siya sa picture. Ngiting-ngiti pa ang katabi niya.

Ni-click ko ang profile ng nag-tag sa kanya at tinignan ang profile picture.

Matangos ang ilong, red lips, maputi, marunong magkilay, shiny ang buhok. In short, maganda.

Agad akong nag log out. Kahit pa nakakunot lang ang noo ni Paskel sa picture, nainis parin ako bigla.

"Ah" Inis kong sigaw.

Napabaling ang atensyon ko kay Jareth. Napansin niya atang wala ako sa mood kaya hindi niya ako kinulit. Hinayaan niya lang akong mag tantrums kahit nasasabunutan ko na siya ng walang dahilan.

"Puta. Libre kita mamaya, sakit na ng anit ko sayo." Maktol niya nang paulit-ulit ko siyang sabunutan.

Kuminang ang mga mata ko pero hindi parin nawala ang inis na nararamdaman ko.

Buong maghapon tinamad ako sa lahat ng bagay. Tinatamad akong magsalita, tinatamad akong gumalaw.

Pagkatapos ng klase ay tinupad muna ni Jareth ang sinabi niya kanina. Kumain kami ng street foods bago kami umuwi. As usual, napareklamo na naman siya dahil sa dami ng nakain ko.

Pagka-uwi ay tahimik akong humiga sa kama pagkatapos kong maghilamos at magbihis. Tiningnan ko ang cellphone ko.

Walang kahit isang text o tawag galing sa kanya.

Tinapon ko ang cellphone sa kabilang side ng kama ko at pumikit.

Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang sikip ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga.

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon