Chapter 2

2.7K 83 5
                                    

"Ano?"

Nakatingin lang ako sa kanya. Seryoso parin ang mukha niya kaya hindi ko maiwasang isipin kung baliw ba siya. Kanina ko pa lang siya nakilala tapos aayayain niya na akong magpakasal? Wala pa ako sa legal na edad.

Napabuga ako ng hangin nang bigla siyang humagalpak ng tawa. I knew it.

"Hindi kita type." Natatawang saad niya.

Napangiwi ako at sumagot. "Hindi rin kita type. Natulala lang ako, nag-iisip. Mukha ka namang normal pero bakit ka ganyan?"

Huminto ang pagtawa niya at ako naman ngayon ang natawa. Akala niya maiisahan niya ako.

Well, I admit minsan naiisahan talaga ako. Lalo na kapag may binibili akong kpop merchandises at sobrang mahal pero hindi naman sobrang ma-quality, binibili ko parin dahil may mukha ni Jongin.

Ilang beses akong nakatanggap ng pitik sa noo mula kay Jareth. Nagsasayang lang daw ako ng pera.

Back to him.

"Ubos na ba ang baon mong jokes? Aalis na ako naghihintay na kasi sakin ang asawa ko."

Ngumisi ako and I flipped my hair again bago naglakad palayo. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam kapag may nasasabihan akong asawa ko si Kai.

Napangiti ako.

"May asawa kana?" Tanong niya bigla.

Hindi ko na siya sinagot. Tuloy tuloy lang ang hakbang ko. Kinuha ko ulit ang phone ko at tinitigan ang lalaking nasa lockscreen.

Walang iba, sino pa ba. Napapangiti na naman ako ng wala sa oras. Mahal na mahal nga kita, Kim Jongin. 

"May asawa kana?" Ulit niya sa tanong niya. Saka ko lang napansin na nakasunod pala siya sa akin.

Nagtaka ako dahil nagtinginan ang lahat sa amin nang makarating kami sa hallway. Hindi ko nalang sila pinagtuonan ng pansin.

"Teka lang. Close ba tayo? Kanina kapa sunod nang sunod sakin." Reklamo ko dahil nakasunod parin siya sa akin.

Nakita ko ang pagkagulat ng mga tao sa paligid. Napahinto siya at hinaplos ang sentido niya. Hindi na niya ako sinagot. Bigla nalang siyang naglakad palayo.

"Hoy!" Sigaw ko ngunit hindi na siya lumingon sa akin. Nagkibit-balikat nalang ako.

Hindi parin naalis ang tingin ng mg tao sa akin akin kaya dahan-dahan kong kinuha ang phone ko at binuksan ang camera app.

I checked my face if there was something wrong with it and I found nothing. At dahil nakaharap ako sa camera, hindi ko mapigilan ang sarili kong mag finger heart.

Tumunog ang cellphone ko tanda na kumuha ako ng picture.

"Uy, ang cute ko dito. Post ko nga."

Napahagikhik ako dahil sa tuwa.

***

Ahm. Medyo korny hahahahaha

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon