Nakatutok lang ako sa cellphone ko buong oras na magkasama kami ni Paskel.
Checking my different social media accounts, reading updates, kumukuha ng selfies minsan 'pag sobrang bored na talaga.
Isipin niyo, kalahating oras na kaming nakaupo, walang ibang ginagawa. Ang boring. Hindi naman kasi palasalita 'tong kasama ko. Samantalang nung una ang ingay ingay nito.
Bakit kaya bigla nalang siyang naging tahimik.
"Hindi mo ba kayang bitawan 'yan?" Nagsalita na siya.
Hindi ako lumingon sa kanya. Nanatili lang akong nakatutok sa phone ko.
"Hindi. Mawala na sa akin ang lahat huwag lang 'to."
Pero syempre hindi totoo 'yon. Wala lang talaga akong ibang magawa maliban sa gumamit ng cellphone sa ngayon.
"Kahit ang asawa mo?"
Doon na ako napalingon sa kanya. "Ibang usapan na 'yon. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya."
Nakita ko ang kakaibang lungkot sa mga mata niya ngunit agad din itong nawala. Namalikmata lang siguro ako. Bakit naman siya malulungkot?
"Mahal mo?" Dagdag na tanong niya.
Tumango ako ng ilang beses. Kahit malabong maging akin si Kai, mahal ko talaga 'yon. Not just an idol, but the man that he really is. I love him, literally. Charot.
Pero tanggap ko naman kung hanggang saan lang ang limitasyon ko. I'll just support him without asking something in return. Kumbaga sabi pa ng iba, "you can be his supporter but you can never be his girl".
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Magkaibigan na ba tayo?" Tanong ko.
Nagkakausap naman kami kaya siguradong magkaibigan na kami. Ilang beses narin kaming magkasama. Palagi pa nga akong nahahatak. Ayaw ko lang mag assume. Baka ako iniisip kong kaibigan ko siya, pero siya hindi. Ang awkward nun, pre.
Nagtaka ako dahil bigla nalang siyang yumuko.
"Siguro."
--
"Akela!"
Napalingon ako dahil may tumawag sa akin. Saan ko nga siya nakilala?
Alam ko na! Kaibigan 'to ni Paskel. Tumakbo siya palapit sa akin.
Nang nakalapit na siya ay napansin kong tumingin ang mga estudyante sa amin.
"Ikaw pala."
Napansin ko rin na may bitbit siyang isang supot. Galing siguro siya sa canteen. Nakita niya atang nakatingin ako sa bitbit niya kaya nagsalita siya.
"Bumili lang ako ng maiinom namin. Gusto mong sumama?" Nakangiti niyang tanong.
"Nako huwag na. Makakaabala lang ako."
Umiling siya, "Parang kailangan mo talagang sumama sa akin."
Hindi na ako nakahindi dahil mapilit talaga si Zach. Saka ko lang nalaman ang pangalan niya. Ito 'yong sinasabi kong payat pero may hitsura. Iyong humalik sa kamay ko.
Sabay kaming naglakad papuntang studio.
Pagbukas ng pintuan ay napatingin ang lahat sa amin.. sa akin. Kung kanina nakasimangot ang lahat, bigla nalang nagliwanag ang mga mukha nila.
"Paskel!" Tinawag ko siya.
Nakita ko siya na nakaupo sa sulok. Walang ekspresyon ang mukha. Tumingin siya sa akin pero hindi siya lumapit. Tanging mga kasama niya lang ang lumapit sa akin. Nagpakilala sila isa-isa dahil baka raw malito ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
In Love with a Fangirl (COMPLETED)
RomanceI am willing to become an idol if that means you'll fall for me, harder. -Paskel Paskel and Akela have mutual feelings for each other. It's just that, Akela is a die-hard fangirl. Paskel couldn't control himself to feel insecure about it. So he did...