Hanggang ngayon ay nagmamaktol parin ako dahil sa nangyari. Nakatingin lang si Jareth sa akin. Hindi nagsasalita.
"Sayang 'yong pineapple juice."
Paborito ko ang pineapple juice kaya naiinis ako dahil sinayang lang niya. Ngumuso ako nang maalala ko ang nangyari kanina. Buti nalang may extra akong uniform sa locker kaya agad akong nakapagpalit.
"Akela."
Nawala ang nguso sa labi ko. Nilingon ko si Jareth. Katabi ko siya at naghihintay nalang kami sa professor namin para sa susunod na subject.
"Ano?"
Kinuha ko nalang ang phone ko at tinignan ang mga pictures ni Kai habang naghihintay sa sagot ni Jareth.
Sa isang iglap, nawala ang inis na nararamdaman ko. Napangiti ako ng wala sa oras.
Mahal na mahal talaga kita.
"So you don't know him."
Bumalik ang tingin ko kay Jareth.
"Sino?" Nagtataka kong tanong.
Umiling siya.
"Nothing."
Napakibit balikat nalang ako.
Natapos ang second subject namin sa araw na ito at dalawang oras ang vacant ko bago ang susunod na subject kaya naisipan kong tumambay muna sa mini garden ng school.
Wala masyadong pumupunta dito dahil medyo korny daw. Kailan pa kaya naging korny ang mga bulaklak?
Ahh.. It's already 2018, so yeah.
Hindi ko kasama si Jareth dahil umuwi muna siya sa tinutuluyan niya ngayon. Hindi naman ako pwede doon dahil bawal ang babae kaya dito nalang ako tatambay. Tinamad narin akong umuwi sa boarding house ko, sayang ang pamasahe.
Inilabas ko ang cellphone ko at nagpatugtog ng kpop. Wala namang ibang makakarinig. Ang lakas tuloy ng loob kong sumabay sa kanta.
"It's the love shot~ Nanananananananananna~ It's the love shot~"
"Anong klaseng kanta 'yan? Chingchong."
Napalingon ako sa likuran ko dahil may nagsalita.
Nakita kong may lalaking nakaupo sa damuhan. Mukhang galing siya sa pagtulog dahil kinukusot niya pa ang mga mata niya.
Nang makita ko ng maayos ang mukha niya ay napakunot ang noo ko. Pamilyar sa akin ang mukha niya.
"Ikaw?!"
Sabay kaming nagsalita. Pareho rin nakakunot ang noo namin. Hindi ako nagkakamali. Siya 'yong nagbuhos ng juice sakin kanina.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ginaya niya ang ginawa ko.
"Anong Chingchong? Hindi Chinese ang narinig mo, Korean dude." Inirapan ko siya pagkatapos.
Gusto ko siyang sawayin dahil kung public figure siya, baka na-call out na siya sa sinabi niya.
"Parehas parin masakit sa tenga."
"Sige sabi mo, eh." Sagot ko.
Kinuha ko na ang mga gamit ko saka tumayo. Sayang. Akala ko pa naman magiging peaceful ang pagtambay ko dito ngayon.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap."
I flipped my hair. Tuloy tuloy ang paghakbang ko. Bahala na kung anong isipin niya. Napakabait ko kanina pero ngayon hindi ko mapigilang ipakita sa kanya na naiinis ako.
"Hoy chingchong!"
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.
"Taga saang planeta ka ba? Tigilan mo na nga kaka-chingchong!" Hindi maganda sa tenga ang sinasabi niya.
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Imbes na sagutin ang tanong ko ay iba ang sinagot niya.
"Hindi ko pa nakalimutan ang ginawa mo. Bayaran mo ako."
Ha? Nasaktan ko ba siya ng todo para magbayad pa ako?
"Did my precious juice injure you? Binuhusan mo rin ako, kwits lang tayo."
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Sayang may hitsura sana siya kaso ang oa. Pero wala parin siyang panama sa mukha ni Kai.
Napaatras ako sa gulat dahil naglakad siya ng mabilis patungo sa gawi ko.
Sasaktan niya ba ako? Tumakbo na kaya ako?
Huli na para tumakbo. Nahawakan na niya ang braso ko.
"Aray! Bitawan mo ako." Tinampal ko ang kamay niya. Namula ang braso ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Seryoso parin ang tinging binibigay niya sa akin.
"Pakasalan mo ako."
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Hindi agad nag sink in sa utak ko kaya natulala ako.
***
BINABASA MO ANG
In Love with a Fangirl (COMPLETED)
RomanceI am willing to become an idol if that means you'll fall for me, harder. -Paskel Paskel and Akela have mutual feelings for each other. It's just that, Akela is a die-hard fangirl. Paskel couldn't control himself to feel insecure about it. So he did...