Chapter 13

1.6K 47 0
                                    

Patuloy parin ako sa pag-iyak. Hindi ko pinansin ang mga tinging binibigay sa akin ng mga tao sa paligid. Napapikit ako ng maalala ko ang malungkot na mukha ni Jareth.

Hindi. Hindi dapat ako maawa.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Sisigaw na sana ako kung hindi ko lang nakilala ang amoy niya.

Isa lang ang kilala kong may ganitong klase ng amoy. Napaka-natural ng bango niya.

Dahil sa yakap niya ay para bang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bigla nalang huminahon ang paghinga ko kahit tumutulo parin ang mga luha sa pisngi ko.

Napakainit ng yakap niya.

Hinawakan niya ang kamay ko bago ako hinila. Iba ang paghila niya ngayon sa akin, mahinahon at maingat.

Pinunasan ko ang basang pisngi ko gamit ang kamay. Tuluyan ng nahinto ang pag-iyak ko. Nawala na rin sa isip ko ang mga tao sa paligid. Pero nang muli ko silang tignan lahat, nakaramdam ako ng hiya dahil sa ekspresyon ng mga mukha nila.

Napayuko ako. Ngunit napataas ulit 'yon ng maramdaman kong gumalaw ang kamay ni Paskel. Pinisil niya ang kamay ko.

Lumabas kami ng university pagkatapos ay sumakay ng tricycle. Nakahawak lang ang kamay niya sa akin habang nakasakay kami. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero hindi ko magawa. Ayaw kong bitawan niya ako. Ayaw kong bumitaw sa kanya.

Bumaba kami sa harapan ng isang pamilyar na fast-food chain.

Jollibee.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa akin pagkapasok namin sa loob. Humarap siya sa counter.

Iniwan ko si Paskel para maghanap ng mauupuan dahil 'yon ang utos niya. Nang lingunin ko siya ay kausap niya ang guard. Mukhang magkakilala sila base narin sa ngiti ni Paskel habang kausap ito.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid nang makahanap na ako ng bakanteng upuan. Ilang buwan narin akong hindi nakakain dito, sobrang abala ko at nakakalimutan ko ng gumala. Puro nalang ako pag-aaral at kpop.

Nang makatayo na si Paskel sa harap ng counter ay ngumiti sa kanya ang babaeng cashier. Nainis ako ng makita kong ngumiti siya pabalik. Sumimangot ako at tumingin sa ibang direksyon.

Ngayon ko lang nakita na ngumiti si Paskel sa ibang tao. Usually, seryoso siya palagi. Pati na sa akin.

Noong una kaming nagkakilala, lively naman siya. Pero habang tumatagal nagiging seryoso siya.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko. Hindi ko pinansin ang sampong missed calles galing kay Jareth.

Pagkatapos kong burahin ang number niya ay ni-block ko narin. Alam kong magkikita parin kami dahil classmate ko siya sa lahat ng subjects pero hindi ko muna iisipin 'yon sa ngayon.

Stress free, eat free.

Umupo si Paskel sa harap ko ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin. Baka mainis ako lalo sa hindi malamang dahilan.

"Kumain kana."

Agad akong pumili ng kakainin. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Isusubo ko na sana ang isang manok na hawak ko nang may maalala ako.

"Teka, libre ba 'to?" Nahihiya kong tanong.

Nakita ko ang pag-angat ng labi niya. Ngumiti siya.. Iyong genuine na ngiti.

Hindi ko namalayang napatulala na ako habang nakatingin sa labi niya.

Napabalik ako sa huwisyo nang lagyan niya ng isa pang chicken ang plato ko. Tinapik ko ng mahina ang sentido ko dahil napansin kong pinigilan niya ang pagtawa niya.

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon