Chapter 9

1.8K 49 0
                                    

One week.

One week na ang lumipas.

Minsan nalang kami magkausap ni Jareth sa loob ng isang linggo. Magkasama kami pero hindi nag-uusap. Siya parin ang bumibili ng snacks ko pero pagkatapos nun hindi na siya nagsasalita.

Sinasamahan niya parin akong maghintay ng tricycle para makauwi, pagkatapos nun, bigla nalang siyang tatalikod, without bidding his goodbye and without saying anything.

I didn't confront him. Hinayaan ko lang. Dahil may isa pa akong malaking problema.

Napabuntong hininga ako pagkatapos kong basahin ang isang confession sa official confession page ng university'ng pinapasukan ako.

Sinabi nito sa lahat na nilalandi ko siya. 

Tuwing naglalakad ako sa loob ng campus, marami akong naririnig na sinasabi nila tungkol sa akin. Wala akong lakas ng loob mag react. 

Pati members ng dance troupe nilandi ko rin daw. Narinig ko nang minsang may nag-uusap sa harap ko tungkol sa akin ngunit hindi nila ako napansin. Sarap nga paghahampasin. Pinag-uusapan nila ako, hini nga nila ako kilala personally.

Hindi ko nga alam kung sinu-sino ang members ng dance troupe, tapos lalandiin ko? See? Sometimes people talk shits without knowing the real story.

Hinayaan ko nalang rin. I don't want to cause any trouble. Kahit pa nakakatanggap ako ng kakaibang tingin galing sa kung sinu-sino.

Pati sariling classmates ko ay ilag na sa akin. Kakausapin lang nila ako kapag kailangan. Ni hindi na sila nanghihiram ng cellphone para mag selfie at mangulit sa messenger. Si Mika lang ang tanging kumakausap sakin, ang president namin.

Ngayon, malandi na ako sa mata ng lahat.

I deactivated my social media accounts. Minu-minuto may nagta-tag sa facebook account ko, lahat panlalait. Isa na doon ang buhaghag kong buhok, iyon ang number one target nila sa akin.

Nanggigigil ako sa nag post ng confession na naglalaman ng mga maling impormasyon tungkol sa akin. Kasama na doon ang mga pictures na magkasama kami. Confession page pero hinayaan nilang malaman ng lahat ang pangalan ko. Nakakagago.

Ngayon, sobrang lungkot. Ilang araw na akong walang balita sa kpop lalong lalo na sa EXO. May nangyayari kaya? Siguro sa new year ko nalang ulit bubuksan ang mga accounts ko.

Inayos ko na ang mga gamit ko bago lumabas sa tinutuluyan kong apartment. Hindi na ako sa isang boarding house tumutuloy dahil lumipat na ako sa mas komportableng lugar.

Bakasyon na namin. Malapit na kasi ang Christmas season at new year kaya uuwi ako ngayon. Siguro naman pagbalik ng klase, makakalimutan na nila ang tungkol sa akin? I hope so.

Habang naghihintay ng bus ay may umupo sa tabi ko.

"Chingchong."

Walang ibang tumatawag ng chingchong sa akin kaya alam ko na agad kung sino kahit hindi ko siya tinignan. Nasa harap lang ang paningin ko. Hindi ako lumingon. Natatakot akong lumingon.

"Hindi mo ba ako tatawaging Mr. Alien?" Doon na ako napalingon sa kanya.

Ibang -iba na siya ngayon, naging tahimik siya. Samantalang noon mahaba naman ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"At bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sabi mo alien ako dahil hindi ko alam na uso ngayon ang memes."

Ha? May sinabi ba akong ganun sa kanya? Wala akong maalala.

Hindi na ulit ako nagsalita. Hindi na dapat ako nakikipag-usap sa kanya. Ginawa ko na nga ang lahat para hindi na ulit magtagpo ang landas naming dalawa. Pero ang liit parin ng mundo.

"Galit ka ba?"

Ang tagal naman ng bus. Uwing uwi na ako. Gusto ko na ulit makita si mama. At ang mga posters ko na puro si Kai. Saka 'yong ibang customize kong mga gamit, lahat may mukha ni Kai.

"Bakit iniiwasan mo ako. May nagawa ba ako?"

Nainis ako dahil nagkukunwari siyang walang alam sa nangyayari. Hinawakan niya ang kamay ko kaya nanigas ako bigla. Ilang segundo rin akong walang reaction.

Dumating na ang isang bus kaya agad na akong tumayo at pinara ito ng hindi lumilingon sa gawi ni Paskel.

--

Kanina pa ako nakauwi pero hindi parin mawala sa isip ko ang malambot niyang kamay. Bihira lang sa lalaki magkaroon ng malambot na kamay, nakakamangha.

Pinagmasdan ko ang kamay kong hinawakan niya. Pinilig ko ang ulo ko dahil hindi ko maiwasang matulala.

"Kalma, Akela. Kamay lang 'yon."

Isa pa, dapat tuluyan ko na siyang iwasan dahil kung anu-ano nalang ang nangyari sa akin magmula ng makilala ko siya. Hindi ko naman alam na kilala siya ng lahat dahil sa galing niyang sumayaw.

At isa pa, hindi naman totoong.. may gusto siya sa akin. Impossible 'yon. Kung sino man ang nagsulat ng confession na 'yon, isang siyang napakagaling na writer.

Kinuha ko ang isang papel na nakalagay sa bulsa ng jeans ko. Hindi parin ako nagbibihis kahit kanina pa ako nakarating ng bahay.

Kaya niya hinawakan ang kamay ko ay dahil may nilagay siya. Wala ng iba pang dahilan.

Binuksan ko ang nakatuping papel at binasa ang nakalagay.

0965*******

Namalayan ko nalang ang sarili ko na kinukuha ang cellphone ko at ni-save ang number na nakasulat sa papel.

It's obviously his number. Pero bakit ko ito nilagay sa phonebook?

***

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon