Napabuntong hininga ako nang marinig ko ang paulit-ulit na katok sa pintuan. Napakaingay kaya wala akong choice kung hindi buksan 'yon.
Dahan-dahan akong naglakad patungo doon. Binuksan ko kaagad ito at tama nga ang hinala ko kung sino ang nasa labas. Bumungad sa akin ang nakangisi niyang mukha niya.
"Akela!" Pagkatapos banggitin ang pangalan ko ay tumawa siya.
Pumasok siya sa loob at pagewang-gewang kung maglakad. Muntik pang matumba 'yong tao kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at inilalayan siyang umupo sa sofa.
Mukhang nakatulog na siya ng tuluyan dahil nakapikit na ang mga mata niya at malumanay na ang paghinga niya habang nakasandal.
Napabuntong hininga ako. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko at nag dial.
"Hello?"
Buti nalang sinagot niya agad ang tawag. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Jareth? She's here, again."
I heard his deep sighs. Mukhang mali ata na tinawagan ko siya.
"Just let her sleep there, susunduin ko siya bukas. I'm sorry for the trouble, Akela."
Umiling ako.
"No, ako na ang bahala. Mas mabuting hindi ka niya muna makita."
Right. She's in pain. Kaya mas hahabaan ko muna ang pasensya ko pagdating sa kanya. Gabi-gabi ang pagpunta niya sa buhay at walang gabing hindi siya lasing.
"Jareth? Who's that?" Rinig kong may nagsalita sa kabilang linya. Boses babae 'yon.
"It's Akela." Narinig ko ring sagot ni Jareth.
"Ohh.. Hi Akela!"
Pinatay ko na ang tawag pagkatapos naming magbatian.
"Akela.."
Nilingon ko ang babaeng nakahiga sa tabi ko. Mukhang nagkamali ako sa pag-aakalang tulog na siya. Narinig ko ang mahinang paghikbi niya.
Nakamot ko ang kilay ko.
"Am I really this hopeless? Am I not beautiful?"
This time, nakabukas na ang mga mata niya at malungkot ang mga ito habang nakatingin sa akin.
"Agatha.. Just rest. We'll go somewhere tomorrow."
Though hindi ako sigurado kung masasamahan ko siya bukas kung sakaling gusto niyang magliwaliw.
Tatayo na sana ako upang kumuha ng unan at kumot sa kwarto nang muli siyang magsalita.
"Akela.. You know how much I love him. I really really love your bestfriend."
Muli kong nakamot ang kaliwang kilay ko. Hindi ko alam ang dapat gawin at sabihin sa mga ganitong eksena.
"Go to sleep."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nagpatuloy siyang magsalita.
"I would do everything for him, you know."
Sa loob ng tatlong taong nakalipas, marami ang nagbago. Kasali na roon ang buhay pag-ibig ni Jareth. He was torn between Agatha and Brela. I don't how it happened but in the end, pinili ni Jareth si Brela over Agatha.
Alam kong nahihirapan ang bestfriend ko pero alam ko naman kung sino ang tunay niyang minahal. It was always Brela, right from the start. Pero nasasaktan rin ako para kay Agatha.
Ayaw ko na sanang mangialam sa problema nilang tatlo pero hindi ko maiwasang madamay.
"But he did not choose me. I guess I am just not good enough for anyone."
BINABASA MO ANG
In Love with a Fangirl (COMPLETED)
RomanceI am willing to become an idol if that means you'll fall for me, harder. -Paskel Paskel and Akela have mutual feelings for each other. It's just that, Akela is a die-hard fangirl. Paskel couldn't control himself to feel insecure about it. So he did...