"Akela, sorry."
Nakayuko lang ako, nakatingin sa sahig. Nahihiya ako sa mga tao sa paligid. Gusto kong lumabas na pero nahihiya akong gumalaw. Ramdam ko parin ang mga tingin nila kahit kanina pa nakaalis si Paskel.
Bukas naman ang pinto pwede na akong lumabas, pero ayaw gumalaw ng katawan ko.
"O-okay lang, Zach." Mahinang sagot ko.
"You will choose a cheater instead of us? Ew."
Napatingin ako sa nagsalita. Isa siya babaeng kumausap kay Zach kanina.
"Miss, shut your mouth." Iritang saad ni Zach.
"Oh, ano? Ang gwapo mo sana kaso ang babaw ng standard mo sa babae." Dagdag nung isang babae.
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganoon. Pero nasasaktan parin ako sa sinasabi nila.
"Tingin mo mataas din standard mo? Sige nga explain mo sakin hindi ko kasi makita, putangina."
"Zach!"
Pinigilan ko siya. Ngayon ko lang siya narinig magmura at kinakabahan ako sa maaari pa niyang sabihin.
"A-ano?! At least hindi ako cheater--" Naputol ang dapat sasabihin ng babae.
"She's not a cheater. Now, shut the fuck up."
Nang marinig ko ang boses na 'yon ay agad akong napatingin sa direksyon ng taong nagsalita.
"Paskel.." Nakagat ko ang labi ko.
Hindi ko inaasahang babalik siya. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
"Let's talk this out. Come with me."
I feel like an electricity traveled my body when he held my hand. Nakalapit na pala siya sa akin.
"Bro, you're still a loser. Just wanna say that. " Paskel said to Zach.
Tumawa si Zachary ng mahina. "Always. Now go settle things out."
Pakiramdam ko nawala na ang tensyong nararamdaman ko sa dalawa. Casual na ulit silang mag-usap.
Hindi parin ako makapaniwala na bumalik si Paskel at hindi ba ganoon kabigat ang aura niya kompara kanina. He seemed to have calmed down.
Hinila na ako ni Paskel palabas ng studio. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya nagpahila lang ako sa kanya.
"Can we go to your place?"
"O-okay." Nahihiyang sagot ko.
Syempre nandoon parin sa isip ko ang fact na baka galit pa siya sa akin kaya hindi ako makatingin sa kanya.
Narinig kong bumuntong hininga siya ng malalim. "I'm sorry if I reacted that way. I know you won't cheat on me."
"A-ayos lang, kasalana
n ko naman." Sinubukan kong hindi mautal."I still have a jetlag and my anger exploded when I saw you with Zach. I wasn't thinking straight."
Tumango ako ng dalawang beses. Ngayon pa talaga ako nawalan ng sasabihin.
Nakalabas na kami ng building nang huminto siya sa paglalakad. Humarap siya sa akin at niyakap ako.
"Let's talk about everything once when get home."
Dahil marupok ako at miss ko na siya, niyakap ko siya pabalik.
"Sana all."
Sabay kaming napalingon sa taong nagsalita sa likuran namin. Hindi ko siya kilala kaya nalito ako. Mukhang hindi rin siya kilala ni Paskel.
BINABASA MO ANG
In Love with a Fangirl (COMPLETED)
RomanceI am willing to become an idol if that means you'll fall for me, harder. -Paskel Paskel and Akela have mutual feelings for each other. It's just that, Akela is a die-hard fangirl. Paskel couldn't control himself to feel insecure about it. So he did...