Nauna nang umuwi si Jareth kaya mag-isa lang akong nakaupo sa waiting shed. Friday ngayon at hapon na kaya heto ako, naghihintay ng bus para umuwi sa amin.
Umuuwi kami ni Jareth tuwing byernes ng hapon. Pero ngayon nauna siya sa akin dahil may gagawin pa daw siyang importanteng bagay. Hindi naman kami magkapitbahay. Pero magkapitbahay kami ng baranggay. Basta. Kaya sabay kaming umuuwi minsan.
Nakikinig lang ako ng music habang naghihintay. May bus nang huminto sa harapan ko kaya tumayo na ako at binitbit ang dala kong isang back pack.
Hahakbang na sana ako para umakyat nang may tumulak sa akin. Muntik pa akong matumba buti nalang na i-balance ko ang sarili ko.
Natanggal tuloy ang pagkakasabit ng earphone ko sa tenga ko.
"Nako, sorry miss nagmamadali kasi ako." Paghingi ng paumanhin nung nanulak sa akin.
Ako rin naman nagmamadali pero hindi ako nanunulak. Gusto kong isumbat 'yon kay kuyang nanulak sa akin. Nagawa niya pa akong ngisihan bago naunang umakyat. Gigil.
Umakyat nalang ako kahit nawala na ako sa mood.
Kung sana andito lang si Kai sa tabi ko para ipagtanggol ako! Hmmp! Isang giling lang nung asawa ko taob na 'tong si kuya.
Ngumisi ako dahil sa mga naiisip ko. Kinikilig na naman ako.
Agad nawala ang ngisi sa labi ko nang mapansin kong may tumulak rin kay kuyang nanulak sa akin.
"Ano bang problema mo?!" Rinig kong sigaw ni kuyang nanunulak.
"Kwits na kayo." Isang pamilyar na boses ang sumagot. Hindi ko lang matumbok kung kanino.
Nagsimulang magkagulo sa loob ng bus dahil nagsuntukan na ata ang dalawa. Napilitan tuloy akong bumaba ulit. Pati ang driver ng bus ay umalis sa pwesto niya at tumulong sa pag-awat.
Napakamot ako sa ulo ko pagkababa ko. Ano ba 'yan. Ang malas ko ata ngayon. Napatingin ako sa loob ng bus. Hindi naman tinted ang bintana kaya nakikita ko ang nasa loob mula sa baba.
Nangunot ang noo ko nang mapansin kong parang pamilyar 'yong mukha nung nakikipagsuntukan?
Ah, oo.
Siya 'yon ah! Iyong hindi alam na korean ang pinapatugtog ko. Dali-dali akong umakyat ulit sa bus. Nagkakagulo parin sila.
"Uy!" Sigaw ko.
Sinubukan kong sumingit pero natutulak lang ako pabalik. Shit naman. "Hoy!," Sigaw ko ulit.
--
"Basagulero ka pala."
Imik ko makalipas ang ilang segundong katahimikan ngunit hindi niya ako sinagot. Nakauwi na sana ako ngayon kung hindi lang siya nanggulo. Pinababa tuloy kami ng bus dahil akala nila kakilala ko siya. Mas lalo akong nainis sa kanya.
"Bakit ka ba nakipag-away."
Hindi naman sa concern ako pero ang dami niya kasing pasa sa mukha.
Tumingin siya sa akin na para bang napaka-imposibleng nabuhay ako. "Hindi mo alam kung bakit?" Inis niyang saad.
Umiling lang ako. Hindi ko naman talaga alam. Saka bakit parang sa akin pa siya naiinis?
"Chingchong ka talaga." Dagdag niya.
"Ano ba, Korean nga kasi. Hindi Chinese." Reklamo ko.
May huminto na ulit na bus sa harap namin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin bago ako tumayo.
"Hindi na ako makikipag-away, tanga."
Inirapan ko lang siya. Sabay kaming lumapit sa bus pero nauna akong umakyat. Saktong may nakita kaagad akong bakanteng upuan sa harapan kaya naupo na ako.
"Usog."
Napatingin ako sa kanya. "Ano? Nausog ka? Sorry wala akong dalang efficacent oil ngayon."
Muli niya akong tinignan na para bang napaka-imposible talaga ang pagkabuhay ko sa mundong 'to. Kingina bakit ba kasi.
"Umusog ka. Uupo ako."
Okay. Ganon pala ang tipid niya kasing magsalita. Umusog na ako at naupo na siya sa tabi ko bago umandar ang bus.
Nilagay ko ulit ang earphone sa tenga ko at nakinig ng kpop songs. May mga english naman akong playlist hindi ko lang talaga bet pakinggan. Alien language lang 'tong Korean pero kapag ni-translate mo ang mga kanta nila sobrang ganda ng meaning. Swear.
Nagulat ako nang may humatak sa kabilang earphone ko. Isinalpak niya 'yon sa kaliwang tenga niya.
"Chingchong na naman?"
"Bakit nakikisali ka sa soundtrip ko? Magbasa ka kaya ng alien conspiracies total alien ka naman." Inirapan ko ulit siya.
Nagmamana na ako kay Jareth nito kakairap.
"Hindi ako alien."
"Simpleng Korean at Chinese language lang hindi mo ma-differentiate so taga ibang planeta ka."
Hindi na siya nagsalita. Pero nasa tenga niya parin ang isang earphone ko. Nag open nalang ako ng Facebook account at nag scroll sa feed ko. Puro memes at kpop updates ang lumalabas. Sunod sunod naman ang share ko dahil nakakatuwa.
Meme is life, too.
"Me-me?" Narinig kong tanong ng katabi ko. Nakatingin pala siya sa cellphone ko.
"Kambing ka ba? Meme basa niyan, hindi me-me." pagtatama ko sa kanya. Napatango naman siya.
Hindi niya ata alam na uso ang memes ngayon? Alien nga.
Teka nga.. May naalala ako.
Hindi kami close diba? Hindi ko pa nga nakakalimutang binuhusan niya ng juice ang ulo ko. Pero iwan ko ba, hindi ko na 'yon masyadong dinibdib.
Aside sa may boobs naman ako, hindi sa pagmamayabang, wala naman siyang ibang ginawa para hindi ko siya pansinin. Kahit na naiinis ako dahil chingchong ang tawag niya sa akin, magaan parin naman ang loob ko sa kanya.
***
In case you didn't know, EXO is a legit popular K-pop group active since 2012 up to this year. And Kai/Kim Jongin is my bias. Hihi.
BINABASA MO ANG
In Love with a Fangirl (COMPLETED)
RomanceI am willing to become an idol if that means you'll fall for me, harder. -Paskel Paskel and Akela have mutual feelings for each other. It's just that, Akela is a die-hard fangirl. Paskel couldn't control himself to feel insecure about it. So he did...