Chapter 10

1.8K 57 4
                                    

"Nak, tara na."

Tinignan ko si mama. Nakatayo ito sa harap ng salamin at sinisipat ang sariling hitsura niya. Simpleng jeans at t-shirt lang ang suot niya pero hindi sa pagmamayabang, maganda at sexy parin ang mama ko. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako nagmana sa kanya.

Ngumiti ako bago tumayo at lumapit sa kanya.

"Tara, ma."

Sasamahan ko siyang bumili ng mga lulutuin niya mamaya dahil magbabagong taon na. Wala kaming ibang kasama para i-celebrate ang bagong taon pero hindi pwedeng maging malungkot. Nasa malayo ang mga kamag-anak namin kaya ganun.

Hindi narin kami nag-abalang maghanda noong pasko. Isang cake lang ang handa namin.

Susubukan kong ubusin lahat ng lulutuin niya mamaya. Ganun naman talaga ang ginagawa ko taon-taon. Ayaw kong malungkot si mama dahil siya lang ang nalayo sa pamilya niya.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay ng tricycle. May malapit na mall dito sa amin kahit probinsya ito. Pero maliit lang.

5 minutes lang ang byahe kaya maya-maya lang nakapasok na kami sa loob ng mini mall.

Napansin kong hindi maayos ang pagkakabuhol ng shoe lace ko kaya tumuwad ako at inayos ito. Minadali ko lang dahil napakamaraming tao ngayon sa mall. Hindi napansin ni mama na huminto ako kaya tuloy-tuloy lang siyang naglakad.

Hindi pa nga ako tapos sa pagbubuhol ng maayos, muntik na akong lumangoy sa sahig dahil may bumangga sa likod ko, specifically, sa pwet ko.

Buti nalang agad kong naitukod ang mga kamay ko. Naiinis akong tumayo at humarap sa taong bumangga sakin.

Dahil sa ginawa niya may pumapasok na kung anu-ano sa isip ko!

Kumunot ang noo ko. Hindi natuloy ang balak kong pagsigaw. "Alien?"

Hindi siya sumagot. Nawala ang inis na nararamdaman ko dahil napansin kong nakatulala lang siya. Namumula rin ang dalawang tenga niya.

Nang ma-realize ko kung anong nangyari ay napatulala rin ako.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." Inirapan ko siya matapos kong maka-recover sa hiya. Iniwan ko na siya.

"Ohh 'nak anong nangyari sayo? Namumula ka?" Nagtatakang tanong ni mama nang mahanap ko na siya.

Hinawakan ko ang dalawang pisngi ko at kinurot ito. Shit. Mahina talaga ako pagdating sa ganitong bagay. Ang dali kong ma-turn on. Ang green minded ko kasi eh!

Bakit kasi hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya! Baka isipin ng mga nakakita samin nagdo-dog style kami sa harap nila.

Oh my god! Sinampal ko ang sarili ko.

"'Nak? Ano bang nangyayari sayo?"

Hinawakan ni mama ang mga kamay ko. Nagi-guilty tuloy ako dahil nag-iisip ako ng kalandian sa harapan niya mismo.

"Ma, sorry. Ang landi ko."

Naitakip niya ang isang kamay sa bibig niya.

"Mag-usap tayo mamaya, 'nak."

Pumasok na kami sa loob ng grocery store at nagsimulang mamili.

--

"Ganun ba, 'nak? Akala ko naman kung ano. Sa susunod mag ingat kana."

Sinabi ko sa kanya ang nangyari kanina. Pero hindi ko sinabing kilala ko si Paskel. Baka kasi magtanong na naman ng kung anu-ano si mama.

Gusto ko siyang hanapin kanina pagkatapos naming mamili ni mama pero bakit ko naman 'yon gagawin. Iiwasan ko na nga siya diba. Iiwasan ko na si Paskel.

Sabay naming hinintay ni mama ang oras bago mag alas dose ng gabi. Nakaupo kami sa harap ng mga pagkaing niluto niya. Hindi na mawala-wala ang lumpia dahil sobrang favorite ko ito. Kapag hindi naman nauubos ang mga pagkain ay binibigay nalang namin sa mga kapitbahay.

Ilang minuto nalang bagong taon na kaya naisipan kong lumabas. Ibang-iba na ang pasko at bagong taon ngayon. Kung noon alas otso palang ng gabi sobrang ingay na, ngayon sobrang tahimik.

May fireworks kaya ngayon? Alas dose na ngunit ang tahimik parin ng buong lugar.

"Happy new year.." naisambit ko sa sarili ko habang nakatingin sa kalangitan.

Babalik na sana ako sa loob nang biglang tumunog ang bitbit kong cellphone.

Alien calling..

Kinabahan ako bigla. Saan niya nakuha ang number ko? Sasagutin ko ba? Magpapanggap ba akong hindi ko siya kilala? Tangina.

"Hello? Sino 'to?"

Sa huli, sinagot ko parin. Inayos ko ang tono ng boses ko para hindi ako magmukhang tanga. Alam kong siya 'to pero ayaw ko namang mapahiya. Baka iisipin niyang naghihintay ako sa tawag niya.

"Happy new year."

Napangiti ako dahil nakakasiguro akong siya nga 'to. Boses niya 'to, sigurado ako.

Kinagat ko ang labi ko bago sumagot. "Happy new year din."

Tahimik na ang kabilang linya kaya tinignan ko ang screen ng phone ko. Hindi parin nakapatay ang tawag. Hindi lang talaga nagsasalita ang nasa kabilang linya.

Nang maalala kong dapat ko na pala siyang iwasan ay agad kong pinatay ang tawag. Pagkatapos ay binura ko ang number niya.

Napahilot ako sa sentido ko. Magmula ng mabasa kong may gusto siya sa akin ay gabi-gabi akong nahihirapan sa pagtulog. Hindi mawala sa isip ko. Totoo man o hindi.

Dapat ko nalang kalimutan. Dahil sigurado akong hindi totoo ang nakalagay sa confession na 'yon.

***

In Love with a Fangirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon