Binitawan ko ang hawak kong cellphone at padabog na umupo sa kama. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla nalang itong kumirot. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Feeling ko kasi overacting lang ako.
Shit. Ngayon ko lang binuksan ang social media accounts ko, ito pa ang bumungad sa akin. Double dead.
May girlfriend na si Kai. Masaya ako para sa kanya dahil alam ko kung gaano kahirap magkaroon ng partner kapag idol ka. At the same time, nakaramdam ako ng lungkot. Pinamukha kasi sakin na hanggang fangirl lang ako sa idol ko.
New year na new year, Kim Jongin. Masakit. Pero wala na akong magagawa. Sino naman ako para mag react. Ang ganda ng babae niya, anong laban ko doon.
--
Napahinga ako ng maluwag. Naging malumanay ang pagpasok ko sa university at mukhang nawala na ako sa usapan ng lahat dahil hindi na nila ako gaanong napapansin.
Dali-dali akong naglakad upang umabot ako sa classroom ng mas maaga. Mas mabuti ng maunahan ko ang mga kaklase ko.
Wala pa si Brela, mas mabuti na rin 'yon. Baka hanggang ngayon, malaki parin ang problema niya sa akin. First day of school ngayon at bagong taon na kaya sana huwag niya na muna akong inisin.
Lahat ng nababasa ko sa newsfeed ko ay tungkol kay Kai at sa gf niya. Napasimangot ako. Pinatay ko ang cellphone ko at nilagay sa bag. Hindi muna ako gagamit ng social media hanggang sa mawala na ang hype ng dating scandal niya.
Tumingin ako sa katabing upuan ko. Naalala ko, wala na pala akong katabi. Tatabi kaya siya sa akin ngayon?
Kakaisip ko pa nga lang sa kanya tapos heto, naglalakad na siya patungo sa gawi ko.
Akala ko tatabi siya sa akin pero mali ako, dumeretso siya sa likod. Gusto ko siyang lingunin pero pinigilan ko ang sarili ko. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin kaya yumuko nalang ako at nagpanggap na matutulog.
Hindi parin kami bati?
Every Christmas and new year ay magkasama sami. Year 2019 was an exception. Hindi niya ako dinalaw noong bakasyon kahit isang beses lang.
Lalong nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko. Mag-iisang buwan na kaming hindi nagpapansinan. Hindi ko parin alam kung ano ang nagawa ko para magkaganito kami. Pasimple kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. Hindi ko mapigilang maging emosyonal.
Una, may girlfriend na si Kai.
Pangalawa, hindi parin ako pinapansin ng bestfriend ko.
Nakakawalang gana mabuhay.
Hindi dumating ang prof. namin sa unang subject kaya nagsilabasan na ang mga kaklase ko, kasama na si Jareth. Na para bang hindi niya ako napansin. O baka napansin niya pero wala siyang balak lumapit sa akin.
Malungkot akong naglakad papuntang Mini Garden. Hindi na ako nagtangkang buksan ang cellphone ko dahil paniguradong tungkol sa dating news na naman ni Kai ang mababasa ko.
He's famous because of his sexy aura when performing on stage, but he's actually a cute potato offstage. Isa sa mga katangian na minahal ko sa kanya.
Nakayuko lang ako habang nakaupo sa damuhan. Nag-iisip ng mga bagay bagay nang biglang may humawak sa kamay ko kaya napatili ako ng wala sa oras.
"Alien?"
Pinatayo niya ako saka hinila bago naglakad. Ilang beses niya na ba akong hinihila nalang bigla?
"Teka lang 'yong bag ko--"
Napansin kong nakasukbit na ang backpack ko sa kanang balikat niya kaya natahimik ako. Gusto kong bumitaw sa kamay niya dahil sa bulungan ng mga tao sa paligid. Shit. Baka mamaya trending na naman ako sa facebook page ng university.
Nakita ko pa ang gulat sa mga mukha nila nang hilahin ako ni Paskel papasok ng studio.
Walang tao, kami lang dalawa. Binitawan niya na ang kamay ko saka sinarado ang pinto.
May kung anong kinalikot siya sa harap ko. Speaker ata. Maya-maya lang ay tumugtog na ang isang napakapamilyar na kanta.
Chagapdorok seorol gyeonun chae
Nari seon deut geu moksorien
Sum makineun geonman gadeukae
Oh oh oh oh oh
Aye ye~Nakagat ko ang labi ko nang magsimula siyang sumabay sa kanta. Of course pamilyar sa akin ang steps, kabisado ko eh.
May channel ako sa Youtube, nandoon lahat ng dance cover ko pero nakakahiya parin. Wala naman akong subscribers kaya ang lakas ng loob kong gumawa ng dance covers.
Gusto ko siyang sabayan sumayaw pero nahihiya ako. Ano naman ang laban ko sa kanya. Nakita ko na siyang sumayaw, sapat na dahilan na 'yon para mahiya ako.
Pinanuod ko siya habang sumasayaw. Kung sobrang galing niya kapag hip-hop ang sinasayaw niya, ngayon iba ang dating sa akin ng pagsayaw niya sa kpop.
Pakiramdam ko tutulo na ang laway ko.
Nuneul garin chaero geureoke
Gutge dada beorin seoroye
Mami aesseo wemyeonhaneungeol~Tumayo ako at tumabi sa kanya. Ang hirap magpigil. Kpop na 'yan eh.
Ganun ang mga kpop fan, makarinig lang ng kpop song bigla-bigla nalang sasayaw kahit nasa gitna ng daan pa 'yan.
"Paano mo nalaman ang steps?"
Sumabay ako sa kanya. Ito 'yong part ni Kai kaya tinodo ko na. This is my fave part in Love Shot. Napahinto siya sa pagsayaw. I even saw a glimpse of amusement in his eyes.
"Marunong kang sumayaw?"
Tumango ako.
Marunong lang naman ang tanong niya, hindi magaling. Tama naman sigurong tumango ako.
Sabay naming sinayaw ang chorus ng Love Shot habang nakatingin sa salamin na nasa harap namin.
It's the love shot
Na nanana nananana
Na nanana nanana
Na nanana nananana~Nagkatinginan kami nang matapos na ang tugtog. Ngumiti ako. Ganoon din ang ginawa niya.
"Hindi ka naman kpop fan, 'di ba?" Umiling siya.
"So, bakit alam mo ang steps ng Love Shot?"
Umupo ako sa sahig dahil napagod ako.
"Puro posts mo palaging nasa timeline ko."
Ohh. Parang hindi naman nun nasagot ang tanong ko?
"Naisipan ko lang kunin 'yong steps. Madali lang naman."
Madali?! Umabot pa nga ng dalawang oras bago ko tuluyang nakabisado 'yon eh! Kahit chorus lang! Sana all natural na talent na ang pagsayaw.
"Wow.."
Iyon lang ang huling nasambit ko bago tumahimik ang paligid.
Pwedeng i-connect ang cellphone sa speaker kaya nagpaalam ako sa kanya. Kahit naman kpop fan ako, may mga kanta parin akong english na naka save sa storage ko.
Pinatugtog ko ang kasalukuyang paborito kong kanta.
[Now Playing: All I Got by Said The Sky]
"Wala kayong practice ngayon?"
Umupo ako sa tabi niya.
"Mamayang gabi pa."
Natahimik ulit kaming dalawa. Walang nagsasalita. Dinama ko ang ibig ipahiwatig ng kanta.
Mas maganda talaga kung iintindihin mo muna ang lyrics ng kanta bago mo sabihing paborito mo na 'to. Don't just base on the sound, understand the lyrics too.
Ngayong tahimik na ang paligid. Bumalik sa isip ko ang nakasulat sa confession page. Bumalik ang inis na nararamdaman ko.
Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko.
"Aalis na ako."
Hindi ko na siya tinignan pa. Basta nalang akong lumabas.
***
May small changes talaga. Sorry sa mga nakabasa na. Hihi.
BINABASA MO ANG
In Love with a Fangirl (COMPLETED)
RomanceI am willing to become an idol if that means you'll fall for me, harder. -Paskel Paskel and Akela have mutual feelings for each other. It's just that, Akela is a die-hard fangirl. Paskel couldn't control himself to feel insecure about it. So he did...