1 MONTH LATER..
Masaya ba ako? Syempre masaya ako.
Sa wakas nakita ko na sa personal ang lalaking matagal ko ng hinahangaan. At nagkatinginan pa kaming dalawa habang nasa stage siya kanina.
Dati sa isip ko lang nangyayari ang mga ganoong scenarios. Pero naging totoo 'yon kani-kanina lang.
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ng hotel na tinutuluyan ko, nagpapahinga dahil kagagaling ko lang sa concert. Bukas na bukas rin ay uuwi kaagad ako. Hindi ako pwedeng magtagal sa Manila. Baka mapano ako dito.
Ni-replayan ko muna ang mga text galing kay Jareth at mama. I ensured them na ayos lang ako at walang masamang nangyari sa akin.
Nangyari na ang matagal kong pangarap. Nakita ko ang EXO sa personal. Kaya naman napakagaan ng nararamdaman ko.
Masaya ba talaga ako? Oo.. naman.
Pero sino ba ang niloloko ko.
Nagawa ko nga ang bagay na matagal ko ng pinangarap, nawala naman sa akin ang taong gusto kong makasama ng matagal.
Isang buwan na nang huli kaming mag-usap ni Paskel. Simula nung gabing nag-away kami, hindi ko na ulit siya nakita. Siguro binigyan niya ako ng space para magawa ko ang gusto ko. Kahit labag 'yon sa loob niya.
Kamusta na kaya siya?
Naluha ako nang maalala kong kanina pala ang graduation nila ng mga kaibigan niya. Last week ko lang nalamang pareho ang araw kung kailan magaganap ang concert at ang graduation.
Pero hindi ako pwedeng mag back out. Sayang lahat ng pagod at pawis ko sa pagtatrabaho makapunta lang. Doon ko rin na-realize kung gaano kapagod ang araw-araw na buhay ni Paskel. Muntik na akong bumagsak sa major subjects dahil sa part time job ko. Buti nalang at nakabawi pa ako.
Araw-araw akong nakakatanggap ng mensahe galing sa mga kaibigan ni Paskel. Pero hindi ko 'yon binuksan dahil nahihiya ako sa kanila. Hindi ko alam ang isasagot ko kapag nagtanong sila tungkol sa aming dalawa.
Napabuntong hininga ako.
Mas lalo akong naluha nang maalala kong hindi ko siya mabibigyan ng regalo. Nawala sa isip ko ang bagay na 'yon. Ngayong tapos na ang concert, nagsimula na akong makaramdam ng pagsisisi.
Pumikit ako.
Kailangan ko ng matulog. Dahil hindi na ako makapaghintay na makausap siya bukas and make everything fine. Kahit hindi ako sigurado kung makikita ko siya.
Narinig kong tunog ng tunog ang cellphone ko pero dahil sa antok at pagod kakasigaw sa concert, hindi ko na ulit hinawakan 'yon.
--
"Jareth!" Kumaway ako at binitbit ang maletang dala ko patungo sa kanya.
"So, how was it? The concert?" Jareth.
"It's all worth it, swear." Nakangiting sagot ko.
Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Really? That's good."
Kasalukuyan kaming naglalakad papalabas ng airport.
"What happened to your voice?" Tanong niya.
Napansin niya rin pala. Nawala ang boses ko dahil sobra ang sigaw ko kagabi. Halos ilabas ko na lahat pati ang small at large intestines sa luob ng tyan ko. Nahihirapan tuloy akong makipag-usap sa hina ng boses ko.
May napapansin akong kakaiba kaya hindi ako nagdalawang isip na tanungin si Jareth.
"Jareth? May problema ba?"
Kanina ko pa napapansing hindi siya makatingin ng deretso sa akin. Napansin ko rin ang lungkot sa mukha niya. Sinubukan kong magsalita ng maayos. Buti naiintindihan niya parin ako.
"Nothing. Tara na, naghihintay na si tita sa apartment mo."
Nauna siyang naglakad ngunit agad ko siyang hinawakan sa braso ng maabutan ko siya.
"May problema ka. Sabihin mo naman sa akin. Nag-aalala ako Jareth."
Hindi siya ganito katamlay kapag kausap niya ako. Iba ang aura niya ngayon.
Nagtaka ako dahil tumingala siya. Ginagawa niya lang ang bagay na 'yan kapag pinipigilan niya ang sariling umiyak.
"Jareth? Ayos ka lang ba?"
Nag-aalala na ako sa mga kinikilos niya.
"Akela.."
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko pagkatapos ay huminga siya ng malalim.
"There's.. There's something I wanna tell. Please get a hold of your self first."
Malungkot niyang saad habang nakatingin sa mga mata ko.
--
"Ano?"
Hindi agad nag sink in sa utak ko ang mga salitang lumabas sa bibig ni Jareth. Hindi 'yon gustong tanggapin ng utak ko.
"Akela, he's gone." Pag-uulit niya.
Napahawak ako sadibdib ko dahil hindi na ako makahinga ng maayos. Nagsisimula na akong mangapa ng hangin.
Paulit-ulit akong huminga bumuti lang ang pakiramdam ko. Sumasakit ang puso ko at pakiramdam ko may naputol na ugat sa loob.
"I'm sorry, Akela. Paulit-ulit kitang tinawagan kagabi pero hindi mo sinasagot. I'm sorry."
Tuluyan na akong napaiyak sa gitna ng maraming tao. Napaluhod ako.
Wala akong pakialam kung napapatingin ang iba sa gawi ko. Hindi ko pinigilan ang mga luha ko. Hinayaan ko silang isa-isang lumabas mula sa mga mata ko.
Napakalakas ng hikbi ko dahil hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Kumikirot ang dibdib ko.
"Akela.."
Napahawak ako sa binti ni Jareth habang nakaluhod. Umiyak ako na parang bata sa harap niya.
"Jareth, bakit?" Humihikbing tanong ko sa kanya.
"Tahan na, Akela."
Lumuhod rin siya at hinawakan ako sa balikat.
"Bakit siya umalis, Jareth? Bakit hindi siya nagpaalam?"
Ang saya ko kanina dahil excited akong makita siya ulit. Excited na akong makita ulit si Paskel.
Niyakap ko ng mahigpit ang kaibigan ko. Pumikit ako at iniyak lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Umasa akong makikita ko siya ngayon. Umasa akong makikita ko ulit ang ngiti niya. Umasa akong madadama ko ulit ang mainit na yakap niya. Umasa akong magiging maayos ang lahat. Umasa ako.
Sinisisi ko ang sarili ko. Kung hindi ba ako nagpunta sa manila, hindi mangyayari 'to ngayon? Kung hindi ako nagpumilit na magawa ang bagay na matagal ko ng pinangarap, hindi ba siya mawawala sa akin?
"Jareth, ang sakit. Tulungan mo ako."
Pagmamakaawa ko sa bestfriend ko.
***
Short chaps minasan.
Cringy af. Diko alam paano isulat hahahaha
BINABASA MO ANG
In Love with a Fangirl (COMPLETED)
RomanceI am willing to become an idol if that means you'll fall for me, harder. -Paskel Paskel and Akela have mutual feelings for each other. It's just that, Akela is a die-hard fangirl. Paskel couldn't control himself to feel insecure about it. So he did...