Chapter 1 - First Day High

516 9 1
                                    

Cheska's POV

Hayy!! First Day of School Na! OMG! Excited na ako! Pero kinakabahan. Sino ba naman ang hindi lalo na't first day of high school! Oo! First year palang ako. Excited na ako sobra! HAHA!

Andito ako ngayon sa labas ng bahay namin, hinihintay yung sundo ko. Habang Nakatitig sa mga ulap, iniisip ko kung magiging masaya ba ang high school life ko, kung mabubully ako, o baka naman magiging seryoso ang mga classmates ko.

Paanong hindi magiging seryoso? Isipin mo first section ka ba naman? OMG! Magiging mahirap ang labanan neto. Napahinto ako sa kaiisip ng narinig ko yung tricycle ng sundo ko.

"Oh! Kiana! Musta na?" Sabi ko sa kanya. Si Kiana ay kaklase ko nung grade 6 pa kami. Bestfriend ko rin siya. kaso nga lang di ko na sya kaklase ngayon. "Ayos lang! kainis talaga kayo"

"Bakit kasalanan ko ba kung sa first section kami napunta?" Sabi ko sa kanya sabay ngumiti na parang nangaasar. "Hayaan mo na nga!" Sinabi niya na parang naiinis.

Habang umaandar ang tricycle, daldalan lang kami ni Kiana. Kung ano ano pinaguusapan namin. Kung magiging masaya ba kami sa high school at kung ano ano pa.

Nang makarating kami nakatitig lang kami ni Kiana. Kase ang laki nung school at sobrang dami ng estudyante. "Tara na!" Sabi niya. At pumasok na kami. Pumunta kami sa main building at hinanap yung room namin. Yung room ko nasa seconf floor lang kaya pumasok na ako dun.

Si Kiana pumunta sa third floor para hanapin yung room niya. Konti palang ang nakikita kong classmates ko. Yung iba sa kanila tahimik at yung iba naguusap. Siguro magkakaklase din dito yung iba nung grade 6.

Pumuwesto ako sa pangalawang row at umupo habang hinihintay ko sina Faye, Claire, Gene at Yna. Si Faye, Claire at Gene ay kaklase ko rin nung grade 6. Buti nalang kaklase ko ulit sila ngayon.

Si Yna ay kakilala ni Gene. Di namin siya naging kaklase. Close kasi ang mga mama nila kaya magkakilala sila. At kaklase namin siya ngayon. Pagkalipas nang ilang minuto nakita ko sina Claire, Gene at Yna sa labas ng room. Tumakbo ako palabas at sinalubong ko sila.

"Claire!" Sigaw ko. "Uy! Mary!" Sabi niya. Tapos tumakbo din siya papalapit sakin. "kumusta ka na?" Tanong ko. "Eto buhay pa!" Sabi niya sabay tawanan kami. Tapos nakita ko si Gene sa likod niya ang tahimik.

"Oh ano? kumusta ka na?" Tanong ko. "Ayos lang." Sabi niya. Hayy nako! Di pa rin toh nagbago. Ang seryoso pa rin ng mukha. "Uy! bat antamlay mo nanaman?" tanong ko. "Wala pa daw kasi si Faye." Sabi ni Claire.

"Awww! Kawawa naman si Gene! Wala pa ang Faye niya!" pangasar ko sa kanya at nagtawanan nanaman kami ni Claire. Crush kasi ni Gene si Faye simula nung grade 5 pa. Pero di ko pa siya kaklase nun. Sadyang chismosa lang talaga ako! HAHA!

Pero aaminin ko, naging crush ko na rin siya nung naging magkaklase kami. Kase nung nakatabi ko siya ang saya pala niya kausap. Tapos mabait siya. Pero medyo pilosopo at maharot din siya minsan. Tapos naalala ko crush pala niya ang bestfriend ko. Hayyy! Ang saklap noh?! Pero ngayon di ko na siya crush. Sumuko na ako.

Walang sinabi si Gene. Inerapan niya nalang kami at naglakad papunta sa room. Nagtinginan nalang kami ni Claire at naglakad papunta sa room. Habang si Yna ay nasa likuran namin.

Tumabi si Claire sa akin at nagusap kami tunkol sa mga pangyayari nung grade 6. Nang lumipas ang oras dumami nang dumami ang mga kaklase namin. "Asan na ba si Faye? Antagal naman nun!" Reklamo ko.

Tapos pagkalingon ko andun na pala siya. Tumayo kami ni Ckaire at lumapit kami sakanya. "Oh Faye! Pasalubong namin!" Sabi namin ni Claire. "Grabe kayo! Pasalubong agad ang hanap niyo sakin ah!" Sabi niya.

"Hi Faye!" Narinig namin si Gene sa likuran namin. "Ayieee!!~" Sabi namin pareho ni Claire. "Tumigil na nga kayo!" Sabi ni Faye. Tapos biglang nag ring yung bell. Dumiretso na kami n Claire sa upuan namin at tumabi saamin si Faye.

Pumasok na yung adviser namin sa room. Lalaki. At mukhang may edad na. "Good morning class!" Sabi niya. Tumayo kaming lahat. "Good Morning sir." Sabi namin nang medyo malakas tapos pinaupo na kami n sir.

Hayy! Ano kaya ang magiging kalabasan ng first day ko?

------------------

A/N:

Hello! Yay! Eto na yung first chapter ko! HAHA! Ayos ba? Sorry kung medyo boring ang simula ahh. First Day High palang nila at puro reunion palang ang magaganap.

Hayaan niyo magiging exciting na toh sa susunod na chapters.

Salamat sa inyo!
Pa Vote, Comment at Share!

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon