"Wag kang pupunta dyan. Madaming espirito dyan" Sabi ni Tito Tyson sakin
Summer kasi ngayon at nagbabakasyon ako dito sa province.
Tumingin ako sa labas ng kotse at nakita ko ang gubat.
Mukhang tahimik dito.
Naagaw ang atensyon ko ng isang lalaking nakatayo dun at nakatingin samin.
Kinurap ko ang mata ko at nawala sya
"Wag mo siyang pansinin isa sya sa mga espirito dito!" Tito said without looking at me
"Bat po sya nagpapakita Pero suddenly nawawala din!?" Tanong ko
"Ang sabi nila, magpapakita lang sila kung gusto nila ang pagpapakitaan nila!"
"Nahahawakan po ba sila?"
"Hindi, Isha! Lalo na ang prinsipe nila."
"Prinsipe?"
"Oo, Sabi pag nakahawak ng tao ang prinsipe maglalaho ito!"
Natahimik naman ako.
Pano kaya sila nakikisalamuha sa mga tao. Tsaka bat maglalaho ang prinsipe nila? Ano kayang itsura nya?
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)
FantasyCOMPLETED (04/22/2019) BC by: Moon New BC by: @trshrn Aleisha is an adopted child. She never ask or no one ever told where she come from. Kevin is a prince of the kingdom of Cold Nature and Ice. AND one more thing he is not a HUMAN he is a SPIRIT. ...