Huling Kabanata: Unang bahagi

637 23 0
                                    

3rd PERSON's POV

Natahimik ang paligid 

Nanlaki ang mga mata ni Isha ng maramdaman nya ang pagtusok ng pana sa kanyang tyan.

"Tama na ang kasinungalingan, Prinsesa! Kung ano man ang sasabihin mo patungkol sa akin ay wag mo nang ituloy. Hindi ko nais makarinig ng bagong kasinungalingangaling sa bibig mo!"

Pagkasabi ni Dyosa Gleondria noon ay ikinumpas nya ang kanyang kamay at lumikha ng itim na bolang usok. Inihagis nya ito patungo sa direksyon ni Isha.

Dahil sa pagkabigla ay hindi na nakakilos pa si Isha. Pumikit sya at hinintay na lamang nyang dumapo ang bagay na iyon sa kanya.

Ngunit lumipas ang mga segundo, wala syang maramdamang panibagong sakit. Agad nyang iminulat ang kanyang mata at ganun na lamang ang pagkagulat nya ng makita ang isang pigura ng babae na nakabulagta sa lupa.

"L-Ligtas ka na, Prinsesa!"

Sa sinabi nyang iyon ay unti unting natanggal ang pagkakatusok ng pana sa tyan nya at ang sugat na naiwan nito ay unti unting sumara at nag-hilom.

"D-Dyosa Gracea?"

Nginitian lang sya ng dyosa at bumaling sa kanyang kapatid.

Tulala ito at isa butil ng luha ang kumawala sa kanyang mata.

"Sana ay m-maging masaya ka, kapatid ko!" Nakangiti pang saad ni Dyosa Gracea kay Dyosa Gleondria.

Unti-unting naglaho ang kanyang katawan. Nakangiti sya ngunit may luhang patuloy na pumapatak sa kanyang mga mata.

"Dyosa Gracea, hindi maaari! Pakiusap lumaban!"
Umiiyak na pakiusap ni Isha. 

Inihiga nya ang ulo nito sa kanyang kandungan at pilit pinapakiusapan.

"Tahan na, Prinsesa! Kailangan ko nang magpahinga. Paalam!"

Pagkasabi nya noon ay tuluyan nang naglaho ang kanyang katawan. 

Naiwan sa lupa ang mga dyamanteng kabaon noon sa katawan ng Dyosa, pati na rin ang damit nitong pandigma.

"DYOSA GRACEA!"

Umuga ang buong paligid sa pagsigaw ni Isha. Natumba ang matatayog na puno, bumagsak ang bato mula sa itaas at nagbaga lalo ang mga apoy.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Haring Sandro.

"Mukhang may unos. Magsikilos kayo at panatilihing ligtas ang iba!" Utos ni Haring Geden sa kanyang mga kawal.

"H-Hindi! Hindi unos ang nangyayari!" 

Napatingin ang lahat kay Lindsy nang magsalita ito. Nakayakap sa kanyang balikat ang kanyang kasintahan na isa rin sa nagtataka sa biglaan nyang pagsasalita.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Zuel sa kanya.

"P-Patay na ang Diwata ng Maalab na Pag-ibig at Panibugho!"

Tila tumigil ang oras sa sinabi nyang iyon.

Napatigil sa pagpapaalis ng mga itim na paru-paro sila Kevin, Reyna Azul at Reyna Lucia.

"Hindi magandang magbiro ng ganyan ngayong oras, Lindsy!"

Bigla na lamang syang humagulgol. Ang mga patak ng luha nya ay naipon sa palad nyang nakatihaya sa kanyang harapan.

Mula doon ay kitang kita ang paglalaho ng katawan ng Dyosa.

"H-Hindi maaari! Bakit hindi namin naramdaman? Bakit ikaw lamang?"

"Nakakalimutan nyo na ba? Hindi ako Maharlika o Espirito. Black Witch ako baka nakakalimutan nyo!"

Sunod-sunod na naman ang naging pagyanig ng paligid dahil malalakas na paghiyaw na pinakawalan ni Isha.

"KASALANAN MO ANG LAHAT NG ITO!" Biglang hiyaw ni Dyosa Gleondria.

Agad napukaw ang atensyon ni Isha dahil doon.

Unti-unting nagbago ang kanyang hitsura.

Ang kasuotan nyang asul ay nabiharan ng kulay itim. Unti unti ring nagkaroon ng marka ng kalmot ng leon sa kanyang mukha at mga braso.

Dumilim ang paligid. Naglabasan ang matatalim na pagkidlat. Lumakas ang ihip ng hangin. Maging ang mga batong itinayo upang maging tahanan ng mga taga-Ilalim ng Lupa ay unti-unting nagiba. Ang mga puno na natumba kanina ay nagliyab.

Tumunghay si Isha at laking gulat ng lahat ng nakasaksi.

Hindi na sya ang Prinsesa Aleisha ng Great Lightning and Thunder na may maamong mukha.

Umaapoy na ang kanyang mga mata at wala nang emosyon ang kanyang mukha.

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon