Unang Kabanata

2.3K 47 0
                                    

ISHA'S POV

"Melissa gising!" Bulong ko sa pinsan ko
Tumingin ako sa Wall clock at 1:00 am palang
"Ano ba Isha? Sobrang aga pa!" Inis ngunit antok nyang sabi

Biglang humangin ng malakas. 

Bumaba ako sa sala at naghanap ng signal. 

"Bat walang signal dito!" Irita kong sabi

Lumabas ako at tinaas taas ang cell phone ko. Wala akong pakialam kung madaling araw pa lang. 

Naglakad lakad ako hanggang makahanap ako ng signal malapit sa isang malaking puno. 

Umupo ako dun at nag Facebook. 

"Pst!" Napamulat ako ng may sumitsit sakin. 

Nakatulog pala ako. 

Luminga linga ako pero wala akong makitang ibang tao. 

Tiningnan ko ang phone ko. 5:00 na pala

Tumayo ako at naglakad pabalik. 

Lakad,. Tingin. Lakad. Tingin

Bat parang may sumusunod sakin? 

"Sino yan?" 

Pero walang sumagot. Humangin lang ng malakas. 

Naglakad lakad uli ako. Teka parang ito yung malaking punk kanina ah. 

"Sh*t!!" Dun ko lang narealize naliligaw ako. 

Kinuha ko ang cell phone ko para tawagan si Tito. 

Humangin na naman ng malakas. 

Dinial ko ang number ni Tito pero sh*t lang ngayon pa na lowbatt

"Pst?"

Nagpalingon lingon ako

"Sino yan?" 

Humangin na naman at naaninag ko ang isang lalaking nakatayo sa likod ng puno sa harap ko. 

"Sino yan?" Tanong ko uli
"Anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?" Tanong ng lalaki sa malamig na tono. 

Hindi ko makita ang mukha nya. 

"Kuya tulungan nyo naman po ako. Nal------" 
"Tara!" Sabi nya sakin. 

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Kakalabitin ko sana sya ng biglang hampasin nya ako ng maliit na kahoy sa kamay. 

"Aray!" 
"Wag mo akong hahawakan!" 
"Tsk. Arte naman!" 
"Hindi ako maarte. Hindi mo lang ako pwedeng hawakan." 

Nilingon ko sya pero dibdib nya ang nakita ko. Ang tangkad naman nito. 

"Bakit Hindi pwede?" Tanong ko
"Basta!" Sabi nya kaya tumahimik na lang ako. 
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!" Napatingin ako sa kanya ng magsalita sya. 

"Naghahanap kasi ako ng signal di ko namam namalayan na napalayo na ko" 
"Wag ka nang babalik dito! Hindi mo ba alam na mundo to ng mga espirito?" 
"Nakalimutan ko. Bago lang kasi ako dito. Nagbabakasyon lang." 

Tinititigan ko sya. Parang siya yung lalaki kanina ah. Yung nakita ko tapos biglang nawala pagkakurap ko. 

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. 
"Dito ako nakatira!" Sabi nya. 

Akala ko ba mga espirito ang nakatira dito? 

"Eh? Kala ko ba mga espirito ang nakatira dito.? Eh bakit ka nakatir------" 
"Ayan na bahay nyo?" 
"Bakit mo alam ang bahay ni Tito?" 

Tiningnan nya lang ako. Bat ang gwapo nya. 

"Wag ka nang babalik dito!" Sabi nya at tinalikuran ako. 

"Sandali!" 

Sigaw ko sa kanya. Tumugil naman sya at humarap sakin. 

"Salamat. Ako nga pala si Isha. Ikaw?" 

Tiningnan nya lang ako kaya tumalikod na ako at humakbang. 

Mukhang Hindi nya ko sasagutin. 

"Kevin!" Dining kong Sabi nya. 

"Nice to meet you Kev---" napatigil ako sa pagsasalita ng paglingon ko wala na sya. 

Nasan na kaya sya?

KEVIN'S POV

Bumalik ako sa palasyon. Napapangiti na lang ako kapag naiisip ko si Isha. 

"Anong meron at nakangiti ka, Prinsipe Kevin!" 

Napatingin ako sa nagsalita. Si Ate Gail, kapatid ko

"Wala!" Sabi ko sabay lagpas sa kanya 
"Binabalaan kita, Kevin. Tao sya at alam mo ang patakaran. Hindi tayo pwedeng mahawakan ng tao." 

Tiningnan ko sya. 

"Alam ko yun. Tsaka wag ka ngang kumontra." 
"Eh kung sabihin ko kila Inang Reyna at Amang Hari ang pinaggagawa mo. Ano kayang magiging reaksy-------" 

Pinutol ko ang sasabihin nya gamit ang aking mahika. 

"Wala akong pakialam. Mag-sumbong ka hanggang gusto mo. Baka nakakalimutan mo, nakikipagtagpo ka rin sa isang tao na Raxer ang ngalan. " sabi ko at ngumisi. 

Nanlaki ang mga mata nya. 

"Paano----" 
"Paano ko nalaman? Hindi ba't kapangyarihan ko iyo? Kaya kong makita ang lahat at patayin ang kahit na hindi ko nilalapitan." 

Sinugod nya ako at hinawakan ang leeg ko. 

"Wag na wag Mong gagalawin si Raxer, Kevin. Binabalaan kita. Hindi porket mas malaki kang kapangyarihan sakin, Eh uurungan na kita. Tandaan mo babanggain ko kahit na sino." 

Pumikit ako ng limang segundo at ngumisi. 

"Ops nagalusan ko si Raxer!" Nakangisi kong Sabi 

Inisip ko kasi na nagalusan si Raxer. 

"Ganyang laro pala ang gusto mo. Makikipaglaro ako sayo." Sabi nya at umalis 

Pumukit uli ako para makita ang gagawin ni Gail. 

Sh*t! Bat Hindi ko nakita? 

Sigurado akong hinarangan ni Gail ng spell ang gagawin nya para Hindi ko makita. Sya lang naman ang may kapangyarihang ganun eh. 

ISHA'S POV

"Melissa? Tell me more!" Pangungulit ko sa pinsan ko. 

Kinukwento nya kasi sakin ang tungkol sa mga espirito sa gubat. 

"Wala na nga akong alam" 
"Hmp sige na nga. Maglalakad lakad na lang ako" 

Sabi ko sabay tayo. 

"Wag kang pupunta sa gubat ha!" Pahabol nya. 

Hmp bala sila. 

Habang naglalakad ako iniisip ko si Kevin. Nasan na kaya sya? 

"Pst!" 

Lumingon ako sa tumawag sakin. Isang magandang babae ang nakita ko. Nakasuot ito ng blue na dress na bumagay sa maputi nitonf balat. 

"Bago ka lang dito?" Tanong nya sakin. 

Tiningnan ko lang sya. DUH! I don't talk to strangers! 

Tumawa sya. Napakunot naman ang noon ko. 

"Basically you don't talk to strangers! I'm Gail by the way!" Sabi nya at inilagad ang kamay nya. 

Tinanggap ko naman yun para Hindi magmukhang bastos. 

"I'm Isha!" 

Sabi ko at nakipag-kamay. 

Napabitaw ako sa kamay nya ng may maramdaman akong kakaiba. Parang bang tinutusok ako ng maraming karayom.

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon