Ikalabing-Walong Kabanata

894 21 0
                                    

GAIL's POV

"Kayong lahat ay maghanda!" 

Humahangos na sabi ni Ama habang papasok sa kwarto ng pagpupulong.

"Anong nangyari, Mahal?" Tanong ni Ina

"Nagpakita samin ang tagapagbalita ng ilalim ng lupa!"

Nagbulungan ang lahat. Nasa loob din ng kwartong ito ang matataas na tao at pinuno.

"Anong sabi nya?" Haring Sandro

"Isang babala. Magdedeklara ang kaharian ng Ilalim ng Lupa ng isang digmaan!"

Muling nagkaingay.

"Mukhang ngayon lang uli sila nag-deklara ng digmaan." Hilda

"Nararamdaman ko na malalagay ang sa panganib ang lahat ng kaharian!" Bangit ko

"Ano pang binaggit ng mensahero sayo, Haring Geden?" Zuel

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Tanging ang mga batang maharlika lamang daw ang makakatalo at makakapagtapos ng digmaan!"

Nagkatinginan ang lahat.

"Ngunit sino ang sinasabi?" Sabi ng pinuno ng mga kawal

Lumiwanag ang paligid at isang papel ang lumilipad sa paligid.

Lumabas ang magandang mukha ng Diwata ng Pag-ibig at Pagkalimot.

Ngunit may kaibahan ito ngayon. Hindi sya nakangiti. Malamlam at malungkot ang kanyang aura.

"Kailangang mapadali ang paglalapat ng labi ng dalawang maharlika. Panganib ang mangyayari kung hindi iyon magawa sa loob lamang ng 2 araw."

"Ngunit Dyosa, pano kami makakatulong doon kung bawal namin silang lapitan?" Reyna Azul

"Hihingiin ko ang inyong pahintulot. Ako na ang gagawa ng paraan."

"Kung ano sa tingin nyo ang makakatulong ay inyong gawin, Dyosa!" Nakayukong sabi ni Ama

Sinang-ayunan naman iyon ng lahat.

Ngumiti ang Dyosa.

"Kung gayon maiwan ko na muna kayo at sisimulan ko na ang plano. Asahan nyo sa loob ng dalawang araw sa kaharian na ito at isang oras sa mundo ng mga tao ay maibabalik ko ang dalawang maharlika dito." Nakangiti nyang sabi.

Nagsiyukuan kaming lahat

"Hangad namin ang katuparan ng inyong gagawin, Dyosa!" Sabay sabay naming sabi hanggang lumiwanag na uli at mag-laho ang Dyosa.

ISHA' s POV

Palakad-lakad ko dito sa garden habang kagat kagat ko ang kuko ko.

Hindi ko mapaliwanag yung pakiramdam ko ngayon.

Para bang may masamang mangyayari! Hindi ako mapakali.

Tinawagan ko sila Mommy at sinabi naman nilang okay lang sila at nasa kalagitnaan sila ng meeting. Si Tito Tyson naman nasa isang hearing ngayon, abogado kasi si Tito. Si Melissa naman ayon pinapatulog yung kapatid nya.

"Aleisha, may bumabagabag din ba sa iyong isipan?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Kevin.

Nandito nga rin pala sya sa garden.

"May pakiramdam lang ako na parang may mangyayaring masama!"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

Tsk. Hindi pa pala ako nakakaganti dito. Pero hindi ko muna yun dapat isipin kundi itong nararamdaman ko.

"Ako din binibini. May bumabagabag ding ganyan sa aking isipan."

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon