Ikasampung Kabanata

1.1K 26 0
                                    

3rd PERSON's POV

Nanatiling nakatingin ang lahat sa parang nababaliw na si Prinsesa Gail

Hinawakan ni Reyna Azul ang ulo ni Prinsesa Gail at unti unti itong kumalma

"Anak ayos ka lang?" Tanong ni Haring Geden

Tumango si Gail.

"Pero Ama... Sila Kevin!"

Natigil ang lahat ng makarining na naman sila ng tawa ng mga bata.

Agad namang tinakpan ng mahika ang tenga ni Gail ng kanyang ama

Sa isip na lang nila balak mag-usap ng biglang lumiwanag at lumabas ang tatlong dwende.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Haring Sandro
"Nakalimutan nyo siguro ang mga nakalagay sa propesiyang ginawa namin!" Sabi nung dwendeng nasa gitna

"Kung gayon, kayo ang sumumpa sa kanila!" Gigil na sabi ni Hilda

"Huminahon kayo kung gusyo nyong malaman ang lahat!" Sabi nung isa pang dwende

Tumahimik ang lahat at nanatiling nakatingin sa mga dwende.

Kinausap naman ni Haring Geden ang mga kawal na maging alerto dahil tuso ang mga dwende.

"Ayon sa ginawa naming propesiya, bago ang ikalabing walong taon ng prinsesa ng Great Lightning and Thunder ay kailangan nyang makarating dito sa Bubble Land upang iligtas ang lahat ng kaharian...."

Naglakad ang dwende at kumumpas at ilang sandali lang ay lumutang na ito

"Sa oras na maghawak ang kamay ni Prinsipe Kevin at Prinsesa Aleisha at maging saksi si Lindsy ay maglalaho sila at maililigtas ang mga kaharian. Ngunit sa oras na mawala sila sa Bubble Land ay mapupunta sila sa malayong kaharian. Hindi nila tayo matatandaan!"

Napasinghap ang lahat

"Anong ibig mong sabihin?"
"Makakalimutan nila ang lahat ng tungkol sa pamilya, kaharian at kaoangyarihan nila. Wala silang maaalala kahit ano. At tanging ang nakaraang pagkakaibigan lang nilang tatlo ang maaalala nila!"

Lumapag ang dwende sa lupa.

"Paano natin sila maliligtas?" Tanong ng umiiyak na nanay ni Kevin

"Iisa lang ang paraan!"

Napatingin ang lahat sa isang dwende

"Ibibigay nyo sa amin si Prinsesa Gail upang maging alay!"

Napanganga ang lahat.

Nakarining na naman sila ng tawa ng mga bata.

"WAG KAYONG PUMAYAG!" 

Napalingon sila kay Gail na nakaalis na pala mula sa pagkakalagay ng mahika sa tenga nya

"Wag kayong pumayag dahil nililinlang lang nila tayo!"

Sabi nya at napatakip muli ng tenga ng marinig ang mga tawa ng bata na agad na nagpadugo sa tenga nya

Tumawa ang mga dwende at muling lumiwanag

Nagbago sila ng anyo at napalitan ito ng makikisig na lalaki na nakasuot kulay dugong damit.

"Zuel? Sinasabi ko na nga ba?" Galit na sigaw ni Gail

"Ang galing mo pa ding kumilatis, Gail!" Nakangising sabi ng lalaking nagngangalang Zuel. Ito ang dwendeng nasa gitna kanina

"Sasama ka ba sa akin o hindi nyo na makikita ang tatlong iyon?" Nakangising tanong ni Zuel.

Si Zuel ay ang prinsepe ng kaharian ng Blood and Fire. Dati itong naging kasintahan ni Prinsesa Gail ng magpanggap itong isang espirito.

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon