Ika-Tatlumpu't Limang Kabanata

633 16 0
                                    

3RD PERSON's POV

"Bakit ka nakaalis sa aking mahika?" Kahit nahihirapan at iniinda ang sakit ay kinuhang magsalita ni Dyosa Gracea

"Nakalimutan mo na ba aking kapatid, isa rin akong Dyosa." Nakangising saad ni Dyosa Gleondria.

Tumingala ito at nakita nya ang mga maharlika na lumilipad patungo sa umaapoy na buwan.

Paniguradong pipilitin ng mga ito na mapatay ang apoy sa buwan para humina ang kanilang pangkat.

"Greptyhe!" (Hay*p!) Inis na bulong nya.

Agad syang kumumpas at pinakawalan mula sa pagkakatigil si Hydra

"Pigilan mo sila!" Sigaw ni Dyosa Gleondria

"H'wag!" Sigaw din ni Dyosa Gracea at mabilis na bumangon at pinaikot ang hangin.

Hindi na ito kasing lakas ng kanina ngunit malakas pa din ang dating sa sinoman. Hindi mapapaghalataang nanghihina na ang Dyosa dahil sa kaunting pagkabasag ng mga dyamante sa katawan nya.

At dahil din dito ay unti-unti nang gumalaw ang paligid. Nagpatuloy nang muli ang digmaan.

Sa isang banda ay umiiyak na si Gwen habang nakahiga sa kandungan nya ang kakambal.

"Zildian! Imulat mo ang iyong mata. Dumudugo ang iyong katawan." Sabi nito habang patuloy na tinatapik ang pisngi ng kakambal.

Nilapitan sila ng tatlong kawal.

"Prinsesa anong nangyari kay Prinsipe Zildian?" Tanong ng isa habang binubuhat naman sila ng dalawa pa.

"Hindi ko alam, bigla syang natumba. Dumudugo ang katawan nya." Umiiyak na sabi ng munting prinsesa.

Pilit syang pinapatahan ng kawal na may karga sa kanya. Pumasok sila sa kaharian at dinala ang dalawa sa Healer na patuloy na gumagamot sa mga sugatang kawal katulong ang mga kababaihan.

"Healer! Healer! Ang munting prinsesa!" Sigaw ng kawal na may karga kay Prinsipe Zildian.

"Ihiga nyo sya rito!" Sabi ng Healer at itinuro ang isang malaking kama na para sa mga maharlika. Malinis pa ito at wala pang gusot sapagkat wala pa namang maharlika na nadadala sa Healer.

Iniwan na sila ng mga kawal dahil tutulong pa ito sa digmaan. Nakita lang nila ang biglaang pagbagsak ni Prinsipe Zildian at ang pag-iyak ni Prinsesa Gwen ay nataranta sila.

"Anong nangyari sa aking kakambal?" Tanong ni Gwen habang pinupunasan sya sa barso ng isang tagapagsilbi.

"Prinsesa, hindi ko maaaring sabihin sa'yo ang nangyari sa iyong kakambal. Masyado ka pang bata para malaman at maintindihan ang aking sasabihin." Mahinahong sabi ng Healer habang naglalagay ng mahikang panggamot sa mga sugat ni Zildian.

Napapitlag ang lahat ng tabigin ni Prinsesa Gwen ang bakal na palanggana na may lamang tubig, dahilan para lumikha ito ng malakas na tunog at mabasa ang marmol na sahig.

"Minamaliit mo ba ako?" Malamig na tanong ng munting prinsesa. Tigil na ang pag-iyak nito at malamig na nakatingin sa Healer.

Napalunok naman ang Healer sa inasta ng munting prinsesa. Ngayon lamang nya nakita itong nagkaganito. Tila naging isang matanda ito na nakakulong sa katawan ng isang munting bata.

"H-Hindi sa ganoon, Prin--"

"Anong nangyari sa kakambal ko?" May diin na ang bawat salita ng prinsesa.

"A-Ang katawan ni Prinsipe Zildian ay pinaninirahan ni Dyosa Gracea. Mu-Mukhang may nangyaring masama sa Dyosa kaya nadamay ang iyong kakambal, Prinsesa." Utal na sabi ng Healer. Ngayon lamang sya nakaramdam ng takot sa batang maharlika.

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon