Ika-Tatlumpu't Siyam na Kabanata

632 17 0
                                    

ISHA's POV

Tahimik akong nakatago sa malaking itim na bato. Nandito na ako sa kaharian ng Ilalim ng Lupa.

Mula rito ay kitang kita ko sa kabilang dulo na nakatayo si Dyosa Gleondria sa isang bato na kulay itim at pula.

Nakatayo at nakahanay din mula sa baba ang mga kawal nila at mukhang naghihintay na lamang ng hudyat para lumisan at lumusob.

Bahagya pa akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib at tila ba kinakabahan ako.

Napiling na lang ako at tiningnan ko uli si Dyosa Gleondria. 

Madilim ang kanyang mukha. Mawawari mo talaga na puro poot at pagkainggit ang bumabalot sa kanyang katauhan. Nakakaawa sya!

Kailangan kong matapos ito ng walang sinoman ang namamatay. 

Umayos ako ng tayo at marahang kong ikinumpas ang aking kamay. Kasabay ng pag-alon ng aking kamay ay ang pag ihip ng hangin. 

Ang hangin na ito ay hindi ordinaryo.

Kung nagbibigay buhay ang hangin na ating nalalanghap, ang hangin na ito ay hindi. Kinukuha nito panandalian ang ulirat ng bawat matatamaan nito at ako---na syang kumukontrol sa hangin ang may kakayahan lamang na makapagpabalik ng kanilang ulirat.

Sana ay mapagtagumpayan ko ito. Para sa mga maharlika. Para kay Kevin. At para sa magiging bunga namin.

Huminga ako ng malalim at mas pinag-igihan ang aking pagkumpas. Isa ito sa mga ritwal at kapangyahiran na ipinagkatiwala sa akin ni Hevas.

Huminga uli ako ng malalim at dahan-dahang ibinuga ang hangin na iyo sa mga kawal.

Kitang kita ko kung papaano bumagsak ng sunod-sunod ang mga kawal.

"ANONG NANGYAYARI?" Dinig sa buong kaharian ang sigaw nya.

Napangiti na lamang ako ng tanging sya at ang dalawang alagad na lamang nya ang natira. Sinadya ko iyon.

Unti unti ko ring binungkal ang gitnang bahagi ng kaharian gamit ang aking isipan.

"Anong nangyayari? Bakit ganito?" Natatarantang tanong ni Dyosa Gleondria.

Mula sa isang itim na baul ay nakita kong lumabas si Armies. Pikit pa ang kanyang mata ngunit ganun na lamang ang aking kaba ng ituro nya kung nasaan ako.

Napatingin dito ang lahat kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas at magpakita sa kanila.

"H-Hindi ba't patay ka na? Nakita ko ang iyong katawan na nakahimlay sa isang kwarto sa kaharian ng mga maharlika!" Asik sa akin ni Hydra.

Nginitian ko sya at lumapag ako sa lupa.

"Ako nga iyon. Ngunit ako'y muli nang nagbalik."

"Anong kailangan mo? Bakit mo pinatay ang aming mga kawal?"

Pinalibutan nila ako kaya naman bahagya pa akong napangiti.

"Nais ko lamang sabihin sa inyo na itigil na ninyo ang paghihiganti. Hindi kayo makakaalis sa mundong puno ng pait kung kayo ay mananatili sa alaala ng nakaraan."

Tiningnan ko si Hydra at Hydro.

"Kayong magkapatid. Hindi ba't bayani ng kaharian ng Fire and Blood ang inyong magulang? Bakit kayo napunta sa Ilalim ng Lupa?"

"Dahil mga Maharlika ang pumatay sa aming magulang!" Sabi ni Hydra na ngayon ay nagngingitngit sa galit.

"Hindi maharlika ang pumatay sa inyong magulang kundi sila mismo."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Nakita ko ang inyong magulang sa bungad ng Arko ng Kabilang Buhay. Masaya sila ngunit nag-aalala sila sa inyo. Sinabi nila sa akin na iligtas ko kayo sa kamay ng poot at pagkamunghi. Pinapasabi din nila na kung malaman man ninyo kung sino ang pumatay sa kanila ay nais nilang huwag kayong magalit."

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Inis na tanong ji Hydra

"Kung hindi ang mga Maharlika,sino?"

Nginitian ko lang sila at lumipat ang tingin ko sa mga Punong kawal.

"Hindi ba't tungkulin ninyo ang panatilihin ang kapayapaan sa inyong kaharian? Bakit ganito? Bakit kayo pa mismo ang ngunguna?"

Hindi sila umimik kaya naman lumipat ako ng tingin kay Armies.

Nakatingin lang sya sa akin at parang hinuhulaan ang aking sasabihin patungkol sa kanya.

"Nalulungkot ako para sa'yo, Armies."

"Wala kang alam!"

"Matagal ka na nyang hinihintay." 

"Galit sya sa akin kaya bakit nya ako hihintayin. At kung sasabihin mo ang aking dahilan kung bakit ako naririto at nakikianib sa kasamaan ay huwag mo nang ituloy."

"Matagal ka na nyang pinatawad Armies. Nang makita ko sya sa tapat ng Arko ng Kabilang buhay ay nakatanaw sya sa tapat ng isang balon ng alaala. Binabalikan nya kung papaano mo sya ngitian noon at sabihin mahal na mahal mo sya. Kuwala ka na sa galit sa iyong sarili."

"Tumigil ka, Prinsesa! Dahil sa akin kaya namatay si Flora kaya ngayon mo sabihin sa akin na dapat ay hindi ako magalit sa sarili ko."

"Hindi ka nya sinisisi. Bagkus ay nagpapasalamat sya at hinahangad na makasama kang muli."

Hindi na sya nakaimik kaya naman ngumiti na lamang ako sa kanya.

Lilingon sana ako sa direksyon ni Dyosa Gleondria ng salubungin nya ako ng isang tudla na direktang tumama sa aking tiyan.

KEVIN's POV

Dali-dali akong pumikit upang makapunta agad sa kinalalagyan ng aming bunga. 

Ganun na lamang ang pagkagulat ko ng makita na pinapalibutan ng itim na paru-paro ang bulaklak namin.

Agad kong pilit na itinataboy ang mga iyon.

Anong ibig sabihin nito? Bakit nila nilalapitan ang aming bunga.

"Mahabaging Hevas. Ano ito?" Napatingin ako kay Ina na kapapasok lamang sa silid ko.

Kasama nya sila Ama. 

"Ina? Ano to? Bakit may ganito?" Taranta kong tanong habang pinagpapatuloy ang pagtaboy sa itim na paru-paro.

Kakaiba ang pakiramdam ko ng biglang nagpalit ng kulay ang mga ito.

Mula sa purong itim ay nahaluan ang kulay nila ng pula at dilaw.

"Ina!Ama!"

Lumutang ang isang papel at nagpaikot ikot sa ere. Lumabas ang Dyosa Gracea ngunit hindi na ako makapagbigay galang dahil sa pag-aalala sa aking bunga 

"Huminahon ka, Prinsipe. Kung nais mong mawala ang mga iyan ay gawin nyo ang gusto ni Isha."

"Ano?" Pakiramdam ko ay bahagyang tumaas ang boses ko kaya naman napatingin sa akin sina Ama at Ina.

"Paumanhin. Ngunit ano ang inyo sinasabi!"

"Kasalukuyang nasa kaharian ng Ilalim ng Lupa si Isha. Nakikipaglaban mag-isa taglay ang ilang kapangyahirang galing kay Hevas ngunit natudla sya ng pana na direktang tumusok sa kanyang tyan"

"Ngunit hindi tinatalaban si Isha ng mga kasangkapan dito!"

"Nakalimutan nyo na ba? May bihag na mortal si Gleondria na syang inatasan nya na gumawa ng pana para kay Isha. Kung hindi nyo gagawin ang sinasabi nya, huwag na kayong umasa na mabubuhay at masisilayan nyo pa sya. Malapit na ang pagbukang liwayway. Nakikiusap ako!"

---

Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon